CHAPTER 62

8 2 0
                                    

Veny

"OH, ANAK. Gising ka na pala. May bisita ka," bungad ni Mama nang makalabas ako ng kuwarto ko. Sunday morning nang mga oras na 'yon. Medyo na-late na 'ko ng gising dahil sa New Year's Eve.

Oo nga pala. January na naman. Ohmoyghaaaad. Birthday ko na naman next month. Tatanda na naman ako.

Hindi na 'kong nag-abalang tanungin si Mama. Alam ko namang si Ruru na naman 'yan. Daily routine niya na yata kasi ang dalawin ako. Kagabi, sa bahay siya nag New Year's Eve. Alam niyo naman 'yang lalaking 'yan, masyadong loyal sa Apricot Family.

Kahit bagong gising pa lang ako at hindi ko pa nasusuklay ang buhok ko, bumaba na 'ko sa hagdan. Ayokong pinaghihintay si Ruru.

Habang pababa ako nang pababa, pabagal naman nang pabagal ang mga hakbang ko.

Teka. Si Ruru ba 'yon? Bakit parang...

Parang...

Parang...

BAKIT SI MICKO ANG NAKAUPO SA SOFA?! "Ano'ng ginagawa mo dito?!" malakas na tanong ko sa kanya nang tuluyan akong makababa.

"Huy, Ate! Ano ba naman yang tanong mo!" saway sa 'kin ni Richmond na nasa dining area lang pala at kumakain ng J.Co donuts. Walanjong lalaking 'to. Hindi man lang nang-aalok eh!

"Good morning. Happy New Year," nakangiting bati ni Micko na para bang wala man lang epekto sa kanya yung tanong ko.

"Bakit ka ba nandito?" mataray kong tanong.

"Gusto lang sana kitang yayaing mag-breakfast sa labas," nakangiti pa ring sabi ni Micko.

I lifted my left eyebrow. "Mukha bang walang pagkain dito sa bahay para yayain mo pa 'kong kumain sa labas?" pamimilosopo ko.

Medyo lumungkot ang mukha ni Micko. "So, hindi ka papayag?"

"Hin-"

"Payag siya, Micko. Nagpapakipot lang yan," singit ni Mama na nasa likod ko na pala nang mga oras na yon.

"Ma?!"

"Umakyat ka na at maligo," utos ni Mama. "Five years ago, nasa ganitong eksena din tayo Jelaine Veronica.

Alam ko namang gusto mo ring makasama si Micko." Wala na 'kong nagawa kundi ang umakyat sa hagdan para bumalik sa kuwarto ko. Grabe. Parang nanay ko ang masusunod sa love story ko eh.

Teka?

Anong love story? Hindi na mangyayari 'yon. Imposible. Wala nang puwedeng balikan. Wala nang puwedeng ayusin.

Naiinis na 'ko sa Micko na 'yan. Ano ba'ng pinapalabas niya? Ano na naman bang kalokohan ang naiisip niya? Wala na siyang ginawa kundi guluhin ang buhay ko.

Pero ayoko rin namang plastikin ang sarili ko. Sa loob-loob ko, may napakaliit na part pa ring nagsasabi na mahal ko pa rin siya, at umaasa pa rin akong babalik kami sa dati.

Pero sa nangyayari kasi ngayon, imposible nang mangyari yung iniisip ko. Naglalaro na lang kami. And kung sino ang unang bumigay o unang mapagod, siya 'yung talo.

After more than thirty minutes, bumaba na 'ko sa living room. "Let's go. Gutom na 'ko."

He smiled at me na para bang nakakita siya ng prinsesa. Well, that's really what I was for him before. Ewan ko na lang ngayon.

Nauna akong naglakad palabas ng bahay. Hindi na ko nagpaalam kay Mama. Naiinis kasi ako sa kanya eh. Hindi ko akalain na ibubugaw niya 'ko sa lalaking 'to. Hindi ko alam kung anong trip nila. But for me, alam ko sa sarili kong nakikipaglokohan na lang ako.

Sinundan agad ako ni Micko after niyang magpaalam sa mama ko at sa kapatid ko. Siya ang nagbukas sa 'kin. Pareho kaming walang kibo. ng gate para

Pagkalabas namin ng gate, nagulat ako sa nakita ko. Kabababa lang ni Rupert Matthew sa kotse niya. Na freeze din siya sa kinatatayuan niya nang makita niya kaming magkasama ni Micko. "Veny... aalis ka ba?" alangang tanong ni Ruru.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng guilt nang mga oras na 'yon. Hindi kasi ako sanay na gano'n ang reaction ni Ruru. Sanay akong lagi siyang nakangiti sa 'kin. Sanay akong palagi siyang masaya kapag nakikita ako

"Excuse me muna, Bro. Kakain muna kami sa labas ni Jenica." Si Micko ang nagsalita. Ipinagdiinan niya pa ang last sentence niya.

Hindi na "ko nakatanggi nang akbayan ako ni Micko hanggang sa makasakay ako sa kotse niya.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon