CHAPTER 57

3 2 0
                                    

Veny

CHRISTMAS VACATION.

December 23 na pero ngayon pa lang ako mamimili ng mga regalo. Nakakainis naman kasi eh!

Hindi ko akalain na hectic ngayon ang schedule ke. Hindi pala madaling maging teacher. Kailangan ko ng napakaraming energy.

"Nakakaloka ka naman, Veronica! Ba't dito mo naman naisipang maghanap ng regalo kay Tita Therese? Ang dami kayang tao," reklamo ni Lyka habang nakabuntot a 'kin sa Handicrapps. "Gaga ka naman kasi. Last minute shopping pa ang gusto mo. Kung kelan four days na lang before Christmas, tsaka ka nagkukumahog."

Hehehe. Oo nga 'no.

Isa si Lyka sa mga kaibigan ko since college. When I was on fourth year high school, napasama ako sa isang girl group na tinatawag na Pretty Babes. "Yon ang pinakasikat na female group sa St. Catherine Academy nang mga panahong yon. Binubuo kasi ang PB nang magaganda at matatalinong babae.

Nadala namin ang group na 'yon hanggang sa college. Surprisingly, ako na transferee pa noong high school anim. Sa iisang school kami nag-aral. Doon namin nakilala si ang naging pinakasikat at kino-consider na leader sa ming Lyka at naging member din siya ng Pretty Babes.

"Veny naman!"

"Will you please shut up?" kunwari ay iritado kong sabi. "Ang ingay-ingay mo talaga, Lyks. Hindi ko na nga alam ang bibilhin ko eh. Tulungan mo kaya ako kesa nagbubunganga ka d'yan? Busy ako sa trabaho kaya ngayon ko lang naharap ang pagsha-shopping."

Sinipat ko ang wristwatch ko. Ang sabi kasi ni Ruru, nandito na siya sa mall para samahan kami. May bibilhin lang daw siya saglit sa second floor.

Sus. Alam ko namang bibilhan lang ako ng regalo nu'n. Kahit naman kasi anong sabi ko na magkaibigan lang kami, hindi naman siya sumusuko sa pagsuyo sa 'kin eh. Feeling ko tuloy, napakamanhid ko kasi hindi ko talaga siya kayang tingnan in a romantic way.

"Eh sino ba kasing nagsabi sa 'yo na mag-teacher ka? Ang yaman-yaman ng pamilya mo 'tapos sa pagtuturo ka lang babagsak?"

Hindi ko pinansin ang pambubuwisit ng kaibigan ko. Nagpatuloy lang ako sa pag-iikot. Alam ko namang kahit three thousand times pa siyang magreklamo, hindi pa rin ako maiiwan ni Lyka.

Nakita ko sa 'di kalayuan ang isang native belen. Nakakatuwa ang hitsura niyon. Kapag napunta ako sa mall, ang Handicrapps ka'gad ang pinupuntahan ko dahil gusto ko talaga ang mga products nila.

Hindi lang halata sa 'kin... pero mahilig ako sa mga gano'ng klaseng gamit no.

Nilapitan ko ang nakita kong maliit na belen. Iyon na lang siguro ang ireregalo ko sa ibang kamag-anak namin na pupunta sa Christmas Eve. Hindi naman maarte ang mga 'yon. In fact, mas gusto nila ang mga native na gamit sa loob ng bahay kesa sa mga mamahaling designs na napakadali namang masira.

I was about to touch that nang bigla akong may makasabay. Tuloy, ang kamay ko ang nahawakan niya.

Nag-angat ako ng ulo para tingnan kung sino 'yon. ...At nakita ko ang isang napakapamilyar na lalaki. His eyes, his nose, his lips, his face. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang lalaking yon...

...Ang lalaking minahal ko simula pa nu'ng fourth year high school ako hanggang sa mga oras na 'tong humihinga pa rin ako.

Si Micko Rivera...

Ang guwapo-guwapo niya pa rin. Mas lalo yata siyang tumangkad. At mas nagmukha siyang kagalang-galang at authoritive. Naka-black suit and slacks siya na kahawig rin ng isinuot niya noong JS Prom namin nu'ng high school. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko kung gaano rin siya nagulat nang makita niya 'ko.

Nag-slow motion lahat.

Nagkatitigan kami. Pakiramdam ko, bumalik ulit 'yung kakaibang pakiramdam na naramdaman ko nang nahulog ako sa hagdan at aksidenteng nahalikan ko siya noong fourth year high school ako.

Parang bumalik ulit sa umpisa.

"Veny!"

Sabay kaming napalingon ni Micko sa entrance ng Handicrapps.

Si Ruru.

Katabi siya ni Lyka na hindi rin nakakilos dahil sa sobrang gulat. May dala-dala siyang teddy bear at bulaklak. With that, naramdaman kong biglang binawi ni Micko ang kamay niyang napahawak sa kamay ko.

Nanlambot ako.

Oh no. Bakit ngayon ka pa dumating Ruru? Bakit ngayon na nakita ko 'yung lalaking nasa harap ko ngayon?

Pa'no na lang 'pag inisip niyang may relasyon na 'ko sa iba?

Hindi pa 'ko nakakakilos nang maramdaman kong may lumapit kay Micko. Bigla kong naibalik ang paningin ko sa kanya.

At parang sinaksak ang puso ko sa nakita ko.

Kitang-kita ko ang pagpulupot ng isang malanding linta sa braso ni Micko. Hindi ko kilala ang babaeng 'yon. Pero dahil sa kanya, biglang kumulo ang dugo ko.

"Mic, where have you been? I told you to wait for me 'di ba?" napakalanding sabi ng babae habang pinipilit na idikit ang katawan kay Micko.

Ilang second muna kong tinitigan ni Micko bago niya nilingon ang babae sa tabi niya. "I'm sorry."

Hindi ako nakakibo. Hindi ako nakapagsalita Naramdaman ko na lang na biglang may umakbay sa kin Hindi ko na nilingon pa kung sino yon. I know that's Ruru Siya lang naman lagi ang nasa tabi ko sa tuwing sinasaktan ni Micko ang puso ko.

"Halika na," pabulong na sabi ni Ruru pero hindi ako nakinig.

Patalikod na si Micko pati yung babaeng kasama niya nang banggitin ko yung pangalan niya,

"Micko..."

He took a glance... No... I mean a glare. Kitang-kita ko ang sakit at galit sa kanya. He was looking at me as if I'm a criminal.

"Sino ka ba?" tanong niya na nagpahina nang husto sa tuhod ko. Matapos niya pang sabihin yon, wala na kong ibang narinig na sinabi niya sa 'kin. Tinalikuran niya na 'ko at naglakad siya palayo. "Let's go, Loiselle."

Ipinamumukha niya ba sa 'kin ang pagkakamali ko? Ipinararamdam niya ba sa 'kin na hindi ko siya dapat iniwan noon? Ipinapakita niya ba sa 'kin na hindi na ko parte ng buhay niya?

Well, panalo siya. Napakalaking epekto ng pagkikita naming dalawa. Pakiramdam ko, nabasag ang puso ko. Ni hindi ko man lang nalaman na nakauwi na siya sa bansa. Bl in-ock niya na 'ko sa lahat ng account niya sa iba't ibang social netwroking sites. Hindi ko na rin ma-contact ang dati niyang number. Wala na rin akong contact sa mommy at sa kapatid niya.

At ngayon, nag-sink na sa isip ko na... Part na lang talaga ako ng nakaraan ni Micko. Na-realize ko nang hindi na talaga ako mahal ng lalaking mahal ko.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon