CHAPTER 61

5 2 0
                                    

Micko

NASA GITNA kami ng pagsasagutan ni Rupert nang magsalita si Jenica. "Tumigil nga kayong dalawa!" saway niya sa 'ming dalawa.

"Micko, let's talk outside."

Naunang tumayo si Jenica at naglakad papuntang garden. Tumayo na rin ako. Pero bago ako tuluyang lumabas, sinulyapan ko muna 'yung nanggagalaiting si Rupert. I gave him a mocking smile.

Ano ka ngayon? I'm still the hero here. Hahahaha.

Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko pero bigla na lang akong nagpa-last minute shopping sa secretary ko at dinala ko sa bahay ng mga Apricot. I want them to be surprised.

At hindi naman ako nagkamali. Gulat na gulat silang lahat lalo na si Jenica.

Nalaman ko galing sa binayaran kong P.I. na nagtatrabaho ngayon bilang teacher si Jenica sa St. Catherine Academy sa school kung sa'n kami nagkakilala at kung

sa'n namin binuo ang lahat ng pangarap naming dalawa. Maganda pa rin ngayon ang estado ng pamilya niya. Graduate na rin ang kapatid niyang si Richmond na siyang dahilan ng pagkasira ng mga pangarap na sinasabi ko.

Hindi ko alam kung stressed lang ako sa work pero nakaramdam talaga ako ng kakaiba nang malaman kong hindi na siya nagkaroon ng boyfriend magmula nang magkahiwalay kami. Kahit si Rupert eh hindi makaporma dahil lagi niyang pinapaalala na magkaibigan lang sila.

Pero hindi pa rin ako sigurado.

At teka. The heck I care? Wala akong pakelam kahit sila pa ang magkatuluyan!

Ano ba ng epekto sa 'kin no'n?

Wala! Wala! Wala!

Nang makarating kami sa garden, naupo kami sa stool. Nasa dulo siya at sa kabila naman ako. Parang ibang tao na talaga ang tingin namin sa isa't isa.

"What brings you here?" diretsang tanong ni Jenica habang nakatingin sa kawalan. She crossed her arms in front, perhaps to lessen the cold feeling coming from the cold atmosphere.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. She still has this exceptional beauty. Mukha pa rin siyang prinsesang naghihintay na makita 'yung prinsipe niya.

But I am not his prince anymore.

Nandito na lang ako para iparamdam sa kanya kung anong sinayang niya. I just want to play a game. Ayoko nang bumalik sa taong pinagtabuyan ako. Nilingon niya "ko. Her eyes were talking to mine

Bigla akong napatingin sa ibang direction. I don't want to see those pretty eyes again. I don't want to fall those eyes again.

"Please answer me."

But, hey! Pumunta ako kina Jenica para iparamdam

niya si Micko Rivera. Dapat lagi akong magpakita sa kanya. Dapat lagi ko siyang tabihan. Isa lang ang kailangan ko: Ang iwasan na mahulog ulit sa kanya, sa kanya kung gaano siya dapat manghinayang dahil sinayang

Pero alam kong hindi ko na 'yon dapat pag aksayahan ng panahon. Alam kong hindi na 'ko mahuhulog pa sa kanya.

Never again.

"I just came here to see you. Masama ba?" sagot ko naman with matching question ulit. Gusto ko nang umalis at tigilan na ang kalokohang iyon pero hindi ko na rin itinuloy. Gusto kong maramdaman niya kung pa'no mapaglaruan. "Kelan ka pa dumating sa Pilipinas?"

"This month only." pagsisinungaling ko na naman. Grabe. I think I should won the best actor award.

Sige pa Micko. Magsinungaling ka pa.

"Micko, are you trying to tell lies again?"

Kumunot ang noo ko. "Why?"

"May estudyante ako. I confiscated her phone.

And when I listened to the radio station she was listening to, narinig ko ang boses mo. You called yourself as Deejay Jayvee. So is that your new hobby? Ang maging love adviser ng mga hopeless romantic?"

Naumid ang dila ko sa sinabi ni Jenica. Anong pinagsasasabi ng babaeng 'to?! Saan niya naman nakuha ang gano'ng idea?!>

Kesa sagutin nang direkta ang tanong niya, inilapit ko ang mukha ko sa kanya. As in malapit na malapit. 'Yung halos mahalikan ko na siya. Naamoy ko 'yung hininga niya. Hindi pa rin nagbabago. Kasing-fresh pa rin nu'ng mga panahong hinahalikan ko siya.

"Micko!" sigaw niya habang nakapikit nang madiin at nakasandal sa dulo ng stool na inuupuan namin.

Natatawa kong inilayo ang mukha ko kay Jenica. Pulang-pula na siya. At mas lalo siyang nagiging maganda sa mga mata ko kapag namumula na siya sa inis.

Ginusto mo to eh.

Humalukipkip ako at bumalik sa puwesto ko. "Ano ba'ng pumasok sa isip mo at pinagbintangan mo 'kong si DJ Jayvee? Wala akong panahon sa mga ganyang kalokohan, Apricot."

"Dahil magkaboses kayo, Rivera," matapang

na sagot ni Jenica kasabay nang madiin na pagbanggit sa surname ko kagaya nang nauna kong ginawa. "Don't make fool out of me."

"Make fool out of you?" sarcastic kong ulit sa huling sentence na binitawan niya. "Sino ba'ng gumawa no'n, Jenica. Hindi ba ikaw?"

Umarko ang kaliwang kilay niya. "Ako? 'Di ba ikaw ang gumawa nang hindi maganda sa kapatid ko? Ako pa ba ang may kasalanan. Ako pa ba ang mali? Ha, Micko?!"

"Sinadya ko ba lahat? Kung hindi ginago ng kapatid mo ang kapatid ko, walang gano'ng mangyayari. Don't blame me." Seryoso na ang mukha ko habang binibitawan ang mga salitang iyon. Nakakaramdam na kasi ako ng akwardness sa pagitan namin. May kakaiba na namang umuusbong sa sistema ko, and I badly hate this feeling.

Hindi na siya nakakibo pa. I knew Jenica hates to have an argument with anyone. Tumayo na lang siya. She's about to leave me nang hilahin ko ang mga kamay niya. Nagtama ang mga mata namin. At naramdaman ko na naman 'yung pakiramdam na ayoko nang maramdaman pa ulit... ... Mahal na mahal ko pa rin si Jelaine Veronica Apricot.

Pero hindi na puwede. Pinagmukha niya kong tanga noon. Kaya wala akong ibang gustong gawin kundi ang gumanti ngayon. Maglalaro na lang kami. Ang unang bumigay, siya yung talo.

At alam ko namang hindi ako matatalo sa larong ako mismo ang nagsimula.

"You're still gorgeous, lalo na kapag pinipikon kita," I said before her cheeks turned red.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon