CHAPTER 66

6 1 0
                                    

Veny

"BAKIT tayo nandito?" curious kong tanong kay Micko nang makapag-park na kami sa harap ng isang fine dining restaurant. Familiar sa 'kin 'yung lugar na 'yon. Alam kong dinala niya na 'ko sa place na 'yon dati.

I sighed out secretly. Madalas na 'kong sinusundo ni Micko galing sa trabaho. Lagi din siyang may surprises. Pero hanggang ngayon, hindi naman malinaw sa 'kin kung ano na bang meron sa 'ming dalawa. Hindi ko alam kung nasa dating stage kami o kung ano.

Hindi rin ako nag-a-assume. Mahirap na. Ayokong magmukhang tanga. Natatakot akong itanong kay Micko, Natatakot na naman akong masaktan. Mas okay na sa 'kin yung ganito.

Hindi ko alam kung dapat ba "kong magsisi dahil pinaghinalaan ko si Micko na pinaglalaruan niya lang ako. Nakikita ko naman kasi sa kanya na sincere siya. Nakikita kong seryoso siya sa mga effort na ginagawa niya.

Sign na ba yon na para talaga kami sa isa't isa?

Waash. Tama na Veny. "Wag ka nang mag-assume. Hayaan mo na lang munang mag-enjoy ka sa company niya ngayon.

"May surprise ako sa 'yo," nakangiting sabi ni

Micko bago siya bumaba para pagbuksan ako ng pinto ng kotse. "Tara na?" Nakangiti akong bumaba ng kotse. Inalalayan niya "ko hanggang sa makapasok kami sa restaurant. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin dahil sa sweet gestures niya.

Nang makapasok kami sa loob ng restaurant,

nagtaka ako dahil wala masyadong tao maliban sa mga nasa handang aisle pa ng napakalaking restaurant. Sabay kaming naglakad ni Micko hanggang sa makalapit kami. Biglang tumulo 'yung luha galing sa mga mata ko.

"Guys!"

Ngayon lang ulit kami nagkita-kita. Sina Justin, Bryan, Nathan, Ace, Kevin, Kurtli, Shan, Leonie, Nica, and si Camille. Nandoon silang lahat-kami na lang ni Micko ang kulang.

"Veny, meet the Pretty Babes and Campus

Heartthrobs," sabi ni Micko na nasa tabi ko.

Napalingon ako kay Micko. Hindi ko na na-control 'yung sarili ko. Bigla ko siyang niyakap. "Thank you so much, Micko!"

Hindi ko alam kung bakit alam ni Micko kung gaano ko na-miss ang mga high school barkada namin. Para 'kong bumalik sa nakaraan.

"Ehem," sabi ni Leonie. "Baka naman puwedeng kami naman 'yung yakapin mo?"

Natatawa akong kumalas sa pagkakayakap kay Micko and then isa-isa ko silang niyakap nang mahigpit Grabe. Sobrang na-miss ko talaga sila. Nang si Camille na 'yung nilapitan ko, pareho

kaming napaiyak. "I'm sorry, Bebe," sabi ni Cams in between her sobs. "Wala kang kasalanan, bakla ka," sagot ko habang nakayakap sa kanya.

Hindi okay ang naging paghihiwalay namin ni

Camille. Nagkaroon kami nang gap nu'ng mga panahong

naghiwalay kami ni Micko. Nagawa kong magalit sa kanya kahit wala naman pala siyang ginagawang mali at hindi niya naman pala sinasamantala ang break-up namin ni Micko. "Tama na nga 'yan," awat ni Ace. "tara na. Kumain na tayo, Gutom na 'ko."

Natatawa akong naupo sa tabi ni Camille. Naupo naman sa tabi ko si Micko. Nagkakuwentuhan kami. Sobrang na-miss talaga namin 'yung isa't isa.

Hindi ako makapaniwala nang malaman kong sila sila din pala talaga ang nagkatuluyan. Nang maka-graduate kasi ako sa college, pinili kong putulin na ang lahat ng communication ko sa kanila dahil sa ka-bitteran ko. "Sa L.A. kami kinasal," pagkukuwento ni Kurtli sa love story nila ni Justin. "Okay na rin na do'n. Para 'pag nambabae 'yang buwisit na 'yan, makakapag-divorce kami in an instant."

"Oy grabe ka. Hindi ko gagawin sa 'yo 'yun," comment naman ni Justin. "Mahal na mahal kaya kita."

"Hahahaha! Kadiri ka pa rin, Justin," sabad naman ni Nica. "Kami Veny. Punta ka sa kasal namin ni Ace, sa December na. Mapapatay kita kapag hindi ka pumunta."

"Ang susuwerte nila no? Ako, ewan ko ba kung kelan ako yayayain nang unggoy na yan na magpakasal. Atat referring to his boyfriend na si Ace. Naalala ko, nagkahiwalay na atat na nga ko eh," komento naman ni Leonie. She was rin sila dati. Pero heto na ulit sila ngayon, masasaya sa buhay nila.

"Hindi na kita papakasalan, inaaway mo 'ko," parang batang sagot ni Ace.

"Eh kayo, Veny? Ano na bang status niyo ni Micko? Wala pa kayong nakukuwento sa 'min ah," sabad ni Shan na ikinaumid ng dila ko.

Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ano nga bang status namin ni Micko? Ano na ba Sige. Magpapakatotoo na lang ako. "Wala namang kami?

"Nasa dating stage pa kami ulit ngayon," putol ni Micko sa kung anupamang isasagot ko.

Napatitig ako kay Micko. Ano 'yon? Bakit ganu'n sinagot niya? Nasa gano'ng stage na ba kami ulit?

Nanlaki 'yung mga mata ko nang biglang hawakan ni Micko 'yung kamay ko. "Di ba, Veny?"

Oh, Lord. Ano po ba 'tong mga nangyayari? Totoo na ba 'to? Sana nga po. Sana tuluy-tuloy na. Ako na siguro 'yung pinakamasayang babae kapag nangyari 'yon.

Instead of saying anything, I just nodded.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon