CHAPTER 71

3 1 0
                                    

Micko

WALANG-IMIK kong pinanood si Jenica na makapasok sa loob ng bahay nila. Sinamahan ko siyang mag-grocery at kung saan-saan pa kami nakarating dahil gusto ko siyang
makasamang mamasyal.

I sighed. Nawawala na 'ko sa sarili ko. Hindi ko na nasusunod ang limitasyon ko. Ang sabi ko, kailangan ko siyang paiyakin. Kailangan ko lang iparamdam sa kanya kung ano'ng naramdaman ko nu'ng iniwan niya 'ko. Pero mali na. Hindi na nasusunod 'yung plano ko. Masyado na 'kong nagiging attached sa kanya. Para na kaming bumabalik sa mga panahong kami pa. Ang mas masama pa, I think I'm completely in love with her again.

Kailangan ko nang unahan 'yung nararamdaman ko. I need to break her heart as soon as possible. Hindi ko na siya puwedeng makasama. Lumalalim na naman 'yung nararamdaman ko. Hindi puwede 'to.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon