CHAPTER 69

3 1 0
                                    

Veny

"SA'N MO KO dadalhin?" curious na tanong ko kay Micko. Andito kami ngayon sa kotse niya. Sinundo niya ko after ng niya muna 'ko kung saan-saan. Hindi naman nagagalit sa klase ko. At kagaya ng madalas niyang gawin, ipinapasyal kanya si mama. I don't know what's with him pero sobrang laki ng tiwala sa kanya ni mama.

He just smiled at me.

"Urrrgh, sa'n nga?" parang bata kong ulit sa tanong ko with matching pout. He grinned. "Ang cute mo talaga. No, mali pala. You're gorgeous," sabi niya as he touched my cheek with his right hand. "Pupunta lang tayong mall. Dinner muna tayo."

"Aaaahhh, I see," contented kong sabi before I rested my back on my seat. Hindi ko mabura 'yung ngiti sa mga labi ko. Ewan ko ba. Para akong nag-take ng Ecstacy.

"Naalala mo pa ba nu'ng high school pa lang tayo? We used to eat at Jollibee. 'Yun kasi 'yung paborito mong kainin," nakangiti pa ring sabi ni Micko habang busy siya sa pagmamaneho nang time na 'yon.

Napahalakhak ako. "And do you remember those times na mas malakas pa 'kong kumain kesa sa'yo?" "Bakit, hindi na ba?" "Oy hindi na ah! Nagda-diet na 'ko," defensive ko namang sagot. "Eh 'yung paa mo?" pag-iiba niya sa topic. "Lumaki ba kahit papa'no? O para pa rin yang sa duwende?"

"Grabe ka naman!" nagtatampo kong sagot. "Size six na ngayon yung paa ko. I'm not that little girl anymore."

"Hindi na nga. 'Coz you turned out to be the most beautiful woman in the world. And you're the heaven and the sky and the blue ocean for me."

Napanganga ako sa sinabi ni Micko. Ano daw? o Grabe. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako o kikiligin sa mga pinagsasasabi niya eh. Hansaveeee? O Hahahahahaha! >:D

After nang thirty minutes na biyahe, nakarating rin kami sa mall. Dinala niya ko sa Jollibee. Ayoko kasi talagang kumakain sa fine-dining restaurants kung wala namang okasyon. Gusto ko 'yung walang de-numerong kilos ang bawat pagkain ko.

Ayoko na kayang magaya sa mga relatives kong puro beauty queen. Ang chaka na. OA na para sa 'kin.

After naming maka-order, naupo na kaming dalawa sa isang sulok.

Tapos hindi na ko nakapagpigil. Nilantakan ko ka'gad yung Jolli Fries. Hehe. Ang sarap kasi eeeh.

"Magdahan-dahan ka nga," sita ni Micko nang mapansin niyang halos hindi na 'ko makahinga fries na nasa bibig ko. "Mukha kang hindi pinakain ng 300 sa dami ng years."

"Ang OA mo naman," sabi ko after kong malunok lahat ng nginunguya ko. "Nagutom kaya ako. Alam mo ba ang gugulo ng mga estudyante ko. Kung hindi lang ako pasensyosa, malamang napagbabatukan ko na 'yung mga 'yun eh."

Micko grinned once more. "Kaya sa pagkain ka bumabawi?"

"Uh-huh!" Isinubo ko 'yung dalawang mahahabang fries sa magkabilang dulo ng bibig ko. Tuloy, nagmukha akong may pangil. "Hey, look at me."

Mukha akong bata 'no? Well, na-miss ko 'to. Dahil magmula nu'ng nawala sa 'kin nu'n si Micko, wala na 'kong ganitong moment. Pinilit kong magpaka-mature. Ayoko na kasing maiwan sa past.

Pero never mind na nga! Ayokong magpaka-senti. Masaya na nga "ko oh. Kasama ko si Micko. :)))

Akala ko, titingnan lang ako ni Micko. That's why halos mahulog ako sa upuan ko nu'ng bigla niyang inilapit sa mukha ko 'yung mukha niya. Ilang seconds siyang nakipagtitigan sa 'kin. Akala ko kung ano nang gagawin niya. Unti-unti niyang inilapit ang lips niya sa 'kin.

Oh, Lord. Please ilayo Niyo po ako sa tukso!

He came closer and closer.

Then bigla niyang kinagat 'yung dalawang fries Osa bibig ko. Saglit na saglit lang 'yon pero nakasubo naramdaman ko nang dumampi sa lips ko 'yung lips niya. "Kumain ka na," nakangiti niyang sabi after niyang maagaw sa 'kin 'yung fries ko. "Pag 'di ako nakapagpigil, uulitin ko 'yon."

He then winked at me.

Oh my gosh.

Teka.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Shemay! Kinikilig akoooooo

Sige na nga, ikakain ko na lang 'to. >3<

"Oo nga pala," sabi ni Micko habang kumakain na kami. "I bought something for you. Kaya lang hindi bagay kung ibibigay ko sa 'yo sa lugar na 'to. Akala ko kasi sa mamahaling restaurant mo gustong kumain eh."

Napangiti ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin pumapalya si Micko sa pagbibigay ng iba't ibang gifts and surprises.

"Uhm, okay lang 'yan. Ano ba 'yon?" casual kong tanong, kahit gusto ko nang tumiklop dahil sa sobrang kilig. May dinukot siya galing sa bulsa niya.

Nagulat ako nang buksan niya sa harap ko ang isang elegant black box na naglalaman ng isang cute diamond ring

OHMOGOSHHHHHHHHHHHHH!

BAKIT MAY SINGSING NA?!!!!!!!!

"Kahit nasa dating stage pa lang ulit tayo ngayon, gusto ko sanang isuot mo 'to. This is not a valuable thing for me. It's just a piece of stone. Pero gusto ko sanang makita to lagi sa yo. Gusto kong masiguro na kahit anong mangyari bukas o sa mga susunod na araw, ako pa rin yung lalaking hihintayin mo," sabi ni Micko bago niya kinuha 'yung ring galing sa box at dahan-dahang isinuot sa ring finger ko.

Wait lang. Nasa processing stage pa 'yung utak ko.

Oh my gossssssssssssssh!!! Lord kunin Mo na po ako! Super saya ko po ngayon! Y Thank You po talaga.

Pakiramdam ko nu'ng moment na 'yun, engaged na 'ko kay Micko Rivera. <3<3<3

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon