CHAPTER 63

5 2 0
                                    

Micko

NAKITA KO kung pa'no nag-iba 'yung mukha ni Jenica nang makita niya kung sa'n ko siya dinala.

Ang sabi ko kasi, magbi-breakfast kami. But it happened na napadpad kami sa park kung saan ko siya madalas dinadala noon.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" she asked. "Di ba sabi mo, magbi-breakfast lang tayo? Ano na naman bang kalokohan to Micko?"

Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako bigla nang sabihin niyang "kalokohan" yon. Iyon na lang ba ang tingin niya sa lugar kung sa'n kami laging nagpa-promise ng forever sa isa't bisa?

Pinilit ko pa ring maging normal. Kailangan ko 'to para sa plano ko. "Oo nga. Dito tayo kakain. Nasa car 'yung mga pagkain."

Umiling na lang si Jenica bago siya naglakad papunta sa stone table sa 'di kalayuan. Konti pa lang ang tao nang umagang yon. New Year kasi and marami pang ibang pinagkakaabalahan ang mga tao ngayon.

Bumalik ako sa kotse para ilabas ang lahat ng pagkain na pinahanda ko sa mga katulong kanina.

Except for the sandwich na ako mismo ang nag prepare. Jenica loves to eat sandwich na ako mismo ang nagpe-prepare. Simula pa 'yon nu'ng high school kami. I don't know what came into my mind at iginawa ko ulit siya ng sandwich na 'yon. Siguro dahil gusto ko siyang asarin.

Tama. 'Yun lang 'yon. Wala nang iba.

Nang makabalik ako kay Jenica, naabutan ko siyang nakatingin sa kawalan. Muntik ko nang mabitawan ang dala ko nang matitigan ko siya. Wala pa rin siyang kasingganda. Hindi ko alam kung bakit pero kahit alam kong hindi ako dapat makaramdam ng kakaiba, lumalakas pa rin ang pintig ng puso ko.

"Kain na tayo," sabi ko nang mahimasmasan ako. Inilapag ko sa stone table 'yung mga pagkaing dala ko.

"Micko..."

"Iginawa kita ng paborito mong sandwich," sabi ko bago ko iniabot sa kanya 'yung sandwich na dala ko. "Ano ba..." Jenica uttered. Nagmamakaawa nako-confuse yung dating ng boses niya. Ta

"Gusto ko lang makasama ka. Walang ibang malisya Kahit ngayon lang, Jenica," wala sa sariling nasabi ko. Gusto ko batukan 'yung sarili ko dahil sa mga katangahang nasabi ko pero huli na. Nasabi ko na kay Jenica. She blinked her eyes for how many times. "You're weird."

"Yes, I am." Nasagot ko na lang out of the blue.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon