CHAPTER 74

4 1 0
                                    

Micko

PABALIK na "ko sa bahay. Nagda-drive ako ngayon at mag- isang pauwi.

Oo. Mag-isa.

Natapos na ang maikling kalokohang sinimulan ko. Sa loob ng isang buwan, nagawa kong paiyakin ang babaeng nagpahirap sa puso ko noon. Nagawa kong gantihan ang babaeng nagpaiyak din sa 'kin noon. Nagawa kong gaguhin yung babaeng gumago rin sa 'kin noon.

Masaya ba 'ko?

Siguro. Sa palagay ko.

Pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko? Bakit sobra-sobra 'yung sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon? Bakit nasasaktan ako?

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Halos wala nang nabiyahe sa daan. At sa tuwing umuulan, naaalala ko kung pa'no ako umiyak dahil kay Jenica. Naalala ko kung pa'no halos nabura ang pagkalalaki ko dahil sa ginawa niya.

Pabalagbag kong itinigil sa isang gilid 'yung kotse ko. Lumabas ako. Hinayaan ko 'yung sarili kong mabasa sa ulan. Hinayaan kong magmukha akong tanga. Wala akong pakialam kahit makita pa nila si Micko Rivera.

Aaaaaahhhh!" sigaw ko habang parang tangang nagpapaikot-ikot sa ulan. ilalim ng

Nagagalit ako! Nagagalit ako sa sarili ko at hindi kay Jenica. Napakatanga ko. Napakatanga koooo000000000!!!!!! Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit may tumutulong luha galing sa mga mata ko. Hindi dapat ganito! Dapat masaya ako. Dapat hindi ako ganito!!! Gusto kong pumatay! Gusto kong manakit! Hindi ko kailangan ng kahit sino sa buhay ko!

Gumanti lang ako. Hindi ako ang may kasalanan.

Ipinaramdam ko lang sa kanya 'yung naramdaman ko noon.

Ano ba'ng masama sa ginawa ko?

Mali ba 'ko?

Hindi na ba 'ko dapat gumanti?

MAHAL NA MAHAL KO PA RIN SI JELAINE VERONICA APRICOT!!!!!!

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon