PROLOGUE
"Please... huwag mo 'kong iwan. Andjelka!" Namamaos niyang pakiusap sakin.
I didn't face him. Nakatalikod lang ako sa kanya at unti unting humakbang palayo sa kanya. Narinig ko ang mga yapak niyang sumusunod sakin hanggang sa higitin niya ang aking braso.
Tumulo na ang kanina pa nagbabadyang luha at nagbara ang aking lalamunan. Pagkatapos ay hinarap niya ako sa kanya pero nag iwas lang ako ng tingin."Tignan mo ako..." Pero hindi ko siya sinunod. "Andjelka Sharpey!" Sigaw niya sa mukha ko.
Napangiwi ako. I have to do this. Kahit masakit para sakin. "Bakit? Sa tingin mo, kung ipaglalaban kita, may maipapakain ka sakin? Wala, diba? Wala!" Sinabi ko iyon nang diretso ang titig sa kanya.
Napanganga siya sa sinabi ko. I'm sorry, Alexis. Ito na lang ang nakikita kong paraan para hindi na ako mahirapang iwanan ka.
"Ano'ng pinagsasabi mo, Andjelka? Hindi ka naman ganyan. Hindi ka naman-"
"Noon yun!" Pumiglas ako sa pagkakahawak niya. "I realized," napiyok ako... hindi ko kayang sabihin pero kailangan. "You're not the one for me. Hindi tayo bagay!"
"Hindi 'yan totoo! Ano bang sinabi nila-" naputol siya sa pagsasalita.
"Sharpey, let's go!" Nagulat ako sa pagsali ng aking Kuya Amiel.
Hinawakan na rin ako ng isa ko pang kuya na si Allen. Iginiya niya ako sa aming kotse. Si Kuya Amiel na ang humarap kay Alexis.
Pumasok ako sa kotse. Hindi ko na alam kung anong pinag uusapan nila. Bigla na lang sinuntok ni Kuya si Alexis.
"Kuya! Let's go!" Pagbabalewala ko sa pagsuntok niya kay Alexis kahit na sobrang pinipiga na ang puso ko.
Mabuti at sumunod na lang si Kuya sa akin saka pumasok na ng kotse. Siya ang nag drive. Pagkaalis namin, hindi ko na muling nilingon pa si Alexis.
--
Copyrights © 2014.
BINABASA MO ANG
If You Stay
Short StoryShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...