Chapter 1

6 0 0
                                    

May biglang tumakip sa mga mata ko habang binibihisan ko ang bagong ligo na si Shaye.

"Allen! Ano ba?!" Pilit kong hinahawi ang kamay ng kuya ko. "Binibihisan ko si baby!"

Tinanggal niya ang kanyang kamay saka tumawa. Humiga siya sa tabi ni baby Shaye.

"Are you ready, baby?" Tanong niya sa anak ko saka hinalikan sa pisngi.

Sinoot ko na ang puting dress ni baby Shaye. Pati ang kanyang puting sapatos at cap ay pinasoot ko na rin.

"Baby... punta ka na muna kay Tito Allen, ha? Bibihis lang si mommy." Hinalikan ko siya saka tumayo. "Labas na!" Baling ko kay Allen.

"Yes, ma'am!" Tumawa siya. Binuhat niya na si baby Shaye at lumabas ng kwarto ko.

Nauna na akong naligo kanina kaya magbibihis na lang ako. Lahat kami ay excited ng mabinyag ang aking napaka gandang baby girl. Ipinanganak ko siya nung August 9 sa Paris. Kaya lang kakauwi lang namin ngayong January para rito na ulit tumira. Dito rin gustong ipabinyag nina mommy ang baby ko.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong bumaba. Nadatnan ko sina mommy, daddy, at ang dalawa kong kuya na nilalaro si baby Shaye. Bunso ako pero ako pa ang unang nagkaanak sa aming magkakapatid. Ang aking Kuya Amiel ay may girlfriend na si Ate Czarina. 6 years na sila. Hindi ko lang alam kung kailan nila balak magpakasal.

Si Allen naman ay wala atang balak magka girlfriend ng seryoso. Hindi ako sanay na tinatawag siyang kuya. Playboy siya pero mabait na kapatid.

"Alexandria Shealthiel!" Pumalakpak ako para makuha ang atensyon ni baby. 5 months na siya kaya marunong na siyang lumingon lingon.

Sa tuwing nakikita ko ang anak ko, isa lang ang naaalala ko sa kanyang mga mata... Si Alexis! Bumuhos na naman ang mga alaala naming dalawa. Hindi niya alam na may anak kami. Hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa kanya simula nung iwan ko siya.

"Oh! Tara na. At baka ma late pa tayo. Nakakahiya sa pari." Sabi ni daddy.

Tumango kaming lahat at nagtungo na sa kotse ni daddy. Sa kanya kami sasabay, samantalang convoy naman sina Kuya Amiel at Allen. Sakay nila ang ibang mga bisita namin na gustong pumunta sa simbahan.

"Sa wakas, magiging Kristiyano na rin ang aking pinaka paboritong apo." Humalakhak si daddy habang nagda drive.

"Naku! Kung narinig ka lang ni Kuya niyan, baka di na niya pakasalan pa si Ate Czarina."

"Wala naman, e."

Nagtawanan kami. Nang ibaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana ay may napansin akong building. Sa ground floor hanggang 3rd floor ay parang mall para sa mga gamit ng mga babies. Sa 4th at 5th floor ay parang playground. 6th at 7th floor ay tinted na ang mga salamin kaya hindi ko na makita ang nasa loob.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Para siyang mall building. Napatalon ako nung bigla akong inaabot ni Shaye. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Ngumanganga siya at inabot ulit ang mukha ko para halikan.

"Awww. Ang sweet naman ng baby ko, o!" Niyakap ko siya. Nginitian ako ni mommy.

"Ganyan ka rin nung baby ka pa, Shar. Malambing." Napatingin ako kay mommy. Ngumiti siya. "Di tulad ng dalawa mong kuya. Pasaway simula bata pa lang."

Hindi ko alam kung bakit parang naawa ako kay mommy. Siguro ay namimiss niya ang pag aalaga samin. Kaya ngayon ay todo alaga sila kay Shaye dahil unang apo.

Nung nalaman nilang nabuntis ako ay hindi sila nagalit. Supportive sila. Hindi lang nila pinag uusapan ang tatay niya.

Nakarating kami sa simbahan ng sakto sa oras. Agad inumpisahan ang seremonya dahil private ito. Hindi katulad ng iba na sabay sabay, dahil si baby Shaye lang ibibinyag ngayon.

Pagkatapos ng seremonya ay picture taking. Naging instant artista ang anak ko sa kaliwa't kanan na pagpapapicture sa kanya. Nang matapos ay bumalik na kami agad ng bahay.
Kaunting kamag anak at mga ninang at ninong lang ang nagdatingan. Kahit mga kaibigan ko ay hindi ko na naimbitahan dahil sa biglaan din ang pag uwi namin. Saka ko na lang kokontakin ang mga kaibigan ko. Pero ang dalawa kong bestfriend ay ninang pa rin, hindi nga lang nakarating.

"Nasaan ang inaanak ko?" Tanong ni Ate Czarina.

"Na kay Allen, ate. Alam mo naman yun! Siya ang babysitter ni Shaye." Tumawa ako. Itinuro ko si Allen na nakikipag usap sa mga kamag anak namin habang karga si Shaye.

"Sige. Kunin ko muna, ah?" Aniya.

Ngumiti ako. "Oo naman."

Pinuntahan niya sina Allen at kinuha si Shaye. Bumalik siya sa pwesto namin. Abala pa kasi ang iba sa pagkain.

"Iba ang mata niya, no?" Ngumisi si Ate Czarina sakin.

"Sa daddy niya." Sagot ko.

"Paano kung malaman niya ito?"

And that hit me. Hindi pa ako handa kung mangyari man nga iyon. Ipapakilala ko ba siya? Panigurado galit siya sakin? May girlfriend na kaya siya? Nag asawa? Paano kung may mga anak na siya? Magiging illegitimate si Shaye?

"Wala namang nakaka alam na nandito na kami, ate." Iyon ang lumabas sa bibig ko.

"Ngayon. Paano sa susunod na mga araw? Buwan?"

Napalunok ako. Nagbara ang aking lalamunan. I just can't find the exact words.

"Ah-"

"Everything will happen in the right time." Makahulugang pahayag ni Kuya Amiel.

Maybe, he's right. But what if the right time comes and yet I'm not ready to face him. What will I do?

"You said it, hon. Let's drop the issue, Shar." Ani ate Czarina.

I gave them a faint smile. Nagpaalam silang dalawa na isasama muna si Shaye sa ibang mga bisita kaya naiwan akong tulala. Buong araw ko yatang iisipin ang pinag usapan namin ni Ate Czarina.

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon