Chapter 3

3 0 0
                                    

Nilalaro ni mommy si baby Shaye habang ako naman ay pinanonood lamang sila. Tapos na ako magbihis pati si baby ay nabihisan na rin.

"Anong oras daw ba darating sina Marge at Pam?" Tanong ni mommy.

"Nandyan na niyan po sila." Ngumiti ako.

"Okay. Sa'n ba kayo mamimili?"

"Sa ASK daw po. Yung bagong mall malapit rito."

"Iyon ba 'yung nadaanan natin kahapon papuntang simbahan?" Lumingon siya sakin.

"Opo yata."

Karga ko na si baby Shaye. Dinaluhan ako ni mommy sa pagbaba papuntang sala. Doon nakita ko ang dalawang taong hindi kailanman nang iwan sakin kahit na binigla ko sila noon na nasa Paris na ako.

"Oh my gosh! Nanganak ka ba talaga sa lagay na 'yan?" Bungad na tanong ni Margarette. Ni head to foot pa niya ako.

"Ha? Bakit?"

"Ang sexy mo pa rin, e." Tumawa sila. "Hindi. Mas sumexy pala!"

Ngumuso ako. Tinignan ko si mommy na ngingiti ngiti rin.

"Sige na. Para mahaba haba ang araw ninyo!"

"Ah sige po. Bye tita." Paalam ni Pamela.

Humalik kami kay mommy bago umalis. Dala ni Margarette ang sasakyan niya kaya siya ang driver.

"Where's your car, Pam?" Tanong ko sa kanya habang nilalaro si baby Shaye.

"Nasa garage namin. Ayaw ipagamit ni papa kasi nga baka raw ako naman ang maaksidente."

"Sinong naaksidente?" Pagtataka ko.

"Yung kapatid ko, si Paula."

Nagulat ako. Kinwento niya ang nangyari pero wala naman akong magagawa kaya napapatango na lang ako sa sinapit ng kanyang kapatid.

Binaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana. Huminto si Marge dahil red light. Nakatapat samin ang isang magandang sasakyan. Kulay pula ito. Nang silipin ko ang driver ay nagulat ako.

Si Alexis nga ba iyon? Kabisado ko ang features ng mukha niya kahit naka side view pa. Tinted ang sasakyan ni Marge pero hindi ang nasa tapat namin.

Bumilis ang paghinga ko. Sisilipin ko na sana nang husto pero pinatakbo na niya ang kanyang sasakyan. Sumunod na rin si Marge dahil green light na.

"Are you okay, Shar?" Nilingon ako ni Marge sa rearview mirror.

"O-Oo."

Napatingin silang dalawa sakin. Umiling lang ako. When I gave them assurance, pinabilis ni Marge ang pagda drive.

Kaya nakarating kami agad sa ASK. Tinanong ko na sa kanila kung anong meaning ng ASK, pero wala raw nakaka alam. Tanging ang may ari lang. Weird!

"Grabe! Nag open lang ito last November pero kita mo, dami agad customers!"

Tama si Marge. Magaganda raw kasi ang quality ng mga itinitinda rito at safe yung playground sa taas.

Masaya kaming naglibot sa buong mall. Sina Marge at Pam ang magbabayad ng mga kinuha nila para kay baby Shaye. Si Pam ang humahawak sa stroller ni baby.

"Marge. Napansin mo 'yung kasiglahan ng mga saleslady rito?" Untag ni Pam. Napalingon din ako sa mga saleslady.

"Oo nga, e. Parang lahat sila inspired."

"Baka naman requirement sa pagtatrabaho nila dito." Pagbabalewala ko.

"Hindi! Totoo ang smile sa mga mukha nila!"

Hindi ko na lang sila pinansin. Naglakad lakad pa ako. Iniwan ko muna sila at nagtungo ako ng 3rd floor.

Pagkain para sa mga bata ang nandito. Napansin ko na rin ang pagiging masiyahin ng mga tao rito sa floor na 'to.

"Ang gwapo talaga ni sir, ano?" Kinikilig na utas ng isang saleslady sa likod ko.

Nagkunwari akong may tinitignan sa harapan para lang mapakinggan ang pinag uusapan nila.

"Oo! Pero alam mo? Mas sumaya ata siya ngayon?"

"Si Sir A?"

"Oo! Sino pa ba?!"

"Hindi ko napansin, e-"

Hinarap ko sila. "Excuse me, miss."

Napalingon silang dalawa sakin. Parehong nalaglag ang kanilang mga panga.

"OH MY! Ikaw po si Ms. Andjelka Sharpey Farrell, diba po?"

"Yung anak ng may ari ng isang kilalang kompanya?"

"Ah! Yes, ako nga. Pwede bang magtanong?" Medyo nag alinlangan pa ako sa sinabi ko.

Yes, my family owns a class company. We're in the public world kaya hindi na ako magtataka o should I say mejo sanay na ako sa ganito kahit na nakakahiya pa rin. But still, I managed my life to still be in private as much as possible. Pero hindi ko maipagkakaila na may nakakakilala sakin dahil sa mga pictures naming family.

"Ano po iyon, ma'am?"

"Anong ibig sabihin ng ASK?"

Biglang lumungkot ang kanilang ekspresyon.

"Hindi rin po namin alam. Si Sir A lang po tanging nakaka alam ng ibig sabihin ng ASK."

"Pero bali balita po, initials daw po siya ng asawa ni Sir A-"

"Sharpey!" Napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Pam.

"Akala namin saan ka na napunta. Nakikipag kwentuhan ka lang pala rito!" Sabi ni Marge.

"Good morning, mga madam." Bati nung isang saleslady na kausap ko kanina.

Tinanguan lang siya ng dalawa. Ibinaling nung saleslady ang tingin sa baby ko.

"Ang ganda naman po ng baby. Kamukha niyo po, Miss Andjelka."

Ngumiti ako. "She's my daughter." Proud kong sabi. I don't know. Gusto ko private pa rin ang buhay ko pero always proud ako sa tuwing tungkol sa anak ko.

Nanlaki ang mga mata nila. "Hindi po halata sa katawan ninyo."

Napatawa ako! Sila rin ay humahanga sa agad na pagbabalik ng katawan ko.

"We have to go, girls!" Paalam ni Marge sa mga salesladies.

"Have a good day po."

Tinalikuran na namin sila. Palayo na kami nang marinig ko pa ang huling sinabi nung saleslady.
"Kamukha niya yung mga mata ni Sir A!"

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon