Chapter 24

1 0 0
                                    

Nagising ako sa mga katok sa pinto. Ni lock ko ang pinto kaninang madaling araw. Kung si Alexis ito ay bakit hindi niya ginamit ang spare key niya?

Nahihilo ulit ako. Marahan kong binuksan ang pinto at hindi ipinakita sa kanya ang pagka hilo ko.

"Ngayon ka lang ba nakauwi?" Halata sa boses ko ang pagiging sarcastic. "Tulog na tulog kasi ako kagabi." Ngumisi ako.

"Bakit naka lock ang pinto?" Mapupungay ang mga matang tanong niya. Magulo pa ang kanyang buhok tanda na kakagising lang niya.

"Nai lock ko siguro." Tinalikuran ko siya at muling nahiga.

SHIT! Lalong sumakit ang ulo ko. Kinakagat ko ang labi ko at kinukurot ang sarili para hindi masyadong maramdaman ang sakit ng ulo.

"Happy Valentines, Alexis!" Sabi ko pero nakatalikod sa kanya.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng cr. Gumalaw ang kama at niyakap niya ako patalikod.

"Happy Valentines. Happy Anniversary." Ibinaon niya ang mukha sa batok ko. "I'm sorry..."

Napapikit ako. Nanghihina ako. Nag sorry na siya. Tanggap ko na. Okay na. Pero ang puso ko, nasasaktan pa rin. Ayaw tanggapin ng sistema ko ang pagso sorry niya. Lalong lalo na ang utak ko. Nagpupumilit itapon ang sorry niya.

"Aaminin ko, ngayon ko lang naalala ang petsa kahapon."

Parang may tumarak sa puso ko at sumuko na ito sa utak ko. Lalong nag alab ang galit ko. Pinupunasan ko bawat luhang pumapatak. Ayokong iparinig sa kanya ang paghikbi ko kahit na hindi iyon lingid sa pag nginig ng mga balikat ko. Humigpit ang yakap niya sakin.

"Amoy alak ka. Anong oras ka umuwi?" Tanong ko.

"Hindi ko na alam... Nagising na lang ako sa sofa."

HA! Halos ibuga ko lahat ng carbon dioxide sa katawan ko. Wala ka talagang matatandaan dahil tulog na tulog kang inihatid ni Zerah! Uulitin ko, si Zerah! Sa dinami rami ng tao, siya pa?

"Talaga?" Yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"I'm sorry..." Hinalikan niya ang batok ko. "Babawi ako ngayon. Promise!" Desperadong pahayag niya.

"Pumasok ka na lang. May event sa mall ngayon."

"Ayaw mo ba akong makasama?" Medyo tumaas ang boses niya. Iniharap niya ako sa kanya.

"Bakit? Ikaw? Sino gusto mo kasama?" Alam na niyang galit ako pero kung sasabay pa siya mas lalo akong magngingitngit sa galit sa kanya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Seryoso at mabibigat ang titig niya sakin. Sinabayan ko iyon ng panlilisik.

"Sino ba mga kasama mong uminom kagabi?"

Kumunot ang noo niya. "Mga bagong investors. Kaka sara ko lang ng deal kahapon."

"Ganun? Walang babae?"

"Wala!" Mabilis niyang sagot. Napalitan ng ngisi ang kunot ng noo niya. "You jealous?"

"NO!" Ngumisi rin ako at tinaas ang isang kilay. "Why would I be jealous? Si Zerah lang naman iyon at inihatid ka dito!"

Napanganga siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siyang walang maalala kagabi at puro investors ang kasama niya.

"Ano?" Tanong niya.

"OO! Gising ako. Maaga akong nag prepare para sa anniversary dinner natin at hinintay lang naman kita ng ilang oras." Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko.

Hindi siya kumibo. Ewan ko kung anong nararamdaman niya ngayon. Blangko ang ekspresyon niya.

Nagsalita ako ulit. "Past 12, hinintay ulit kita para makitang akay akay ka ni Zerah at tulog na tulog dahil sa kalasingan."

Tumalikod ako pero iniharap lang niya ako. "Listen, hindi ko alam na nandun siya." Tumuro turo pa siya na parang nasa likod ko lang ang bar na pinuntahan nila. "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko... walang iba. Anje! I love you."

"Kaya pala pagkatapos mamatay ni papa ay nawalan ka na ng oras samin? Ganun ba yun?" Sinapak ko ang dibdib niya. Ayoko ng umiyak. Sawa na ako! "Pinilit kitang intindihin pero di ko na kaya." Tumulo na ang kanina pang luha na pinipigilan ko.

"I know..." Ginulo niya ang buhok niya. "Kaya ngayon, babawi ako. Just give me another chance."

Tinanggal ko ang kamay niyang nasa balikat ko. Pilit akong tumayo kahit na gumegewang na ako dahil sa hilo. Napahawak ako sa ulo ko kaya agad akong dinaluhan ni Alexis. Tinampal ko ang kamay niya.

"Anong masakit sayo?" Inalalayan niya ako pero lumayo ako.

Tinalikuran ko siya at pipihitin na sana ang pinto nang bigla akong nanghina. Unti unti kong naramdaman ang kamay sa likod ko.

"ANJE!" Sigaw ni Alexis bago ako tuluyang nag black out.

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon