Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang naging pagkikita namin ni Alexis. Kaya isang linggo ko yung iniisip. Kuya Amiel was right. Everything will happen in the right time. But that right time is not yet the right time for me.
"How are you this past few days?" Tanong ni Pamela sa kabilang linya. Naka group call kaming tatlo kasama si Marge.
"I'm fine." Bumuntong hininga ako.
"Are you sure?" Ani Margarette.
"I think so, sweetie."
Nanahimik kaming tatlo. Puro paghinga lang namin ang tanging naririnig ko. Naisipan ko na ring sabihin sa kanila ang nangyari last week.
"I saw him," Binasag ko ang katahimikan.
"Sino?"
"Si Alexis?"
"Yes," Sabi ko. "But it seems like nakapag moved on na siya."
"You sounded bitter, honey!" Panunuya ni Marge.
"Kilala niyo 'ko. And yes, I still love him. Siya lang naman ang minahal ko ng ganito, e. You know that!"
"I knew it! I won, Marge!" Paghuhumiyaw ni Pamela. "I told you, she still loves my bet!"
"WHAT?" Asik ko.
"Pam and I were arguing if you still love Alexis."
"You guys are ridiculous! You're making fun of me."
"No, we're not! We just want to know your feelings so that we can help you." Sabi ni Pam.
"Ha? What do you mean?"
"SECRET!" Sigaw nilang dalawa kaya nailayo ko ang telepono sa aking tainga.
Hindi ko na sila pinilit pa. Saka kahit anong pilit ko rin naman ay hindi nila sasabihin sakin. Oh, well, they're still my friends. Haha!
We just chitchat on the phone for about 3 hours. We ended it because we're hungry. I don't know where's my daughter.
"Where are they?" Tanong ko sa isang kasambahay namin. Wala pang nakahain na pagkain at wala rin ang mga tao rito!
"Nasa kwarto po sila ng mommy niyo."
Tumango ako. Hindi ko na sila inistorbo sa kusina. Nagpunta na lang ako ng kwarto nina mom at dad. Hindi ko pa napipihit ang pinto pero dinig ko na agad ang tawanan nila.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko silang nagtatawanan kasama ang anak ko. Nasa loob sina mom, dad, kuya, Allen, at ate Czarina.
"Am I still part of this family?" Ngumuso ako.
Napatingin silang lahat sakin.
Tumayo si Allen at inakbayan ako. "Ayan! Busy ka kasi sa mga friends mo!" Ginulo niya ang buhok ko.
Tumawa ako. "Ganun na talaga kami, Allen. Ikaw? Ba't ka nandito? Wala ka bang date sa mga flings mo?"
"Mamaya pa raw!" Si kuya ang sumagot.
Nagtawanan kami.
Umupo ako sa kama. Nilalaro nila si baby Shaye. Nasa mood ata ang baby ko kaya tawa siya ng tawa. Nahahawa tuloy kami sa pagtawa niya.
Tawanan lang ang ginawa namin nang biglang mag aya si kuya na kumain na. Hindi na kami umangal dahil pare pareho na kaming nagugutom.
Habang nasa hapag ay nagku kwentuhan ulit kami. Speaking of work, noon ko pa naiisip mag trabaho. Naiiwan ko na rin naman si baby Shaye. Pwede siyang alagaan ni Allen or ni mommy. Palagi lang naman nasa bahay si mommy.
"Dad?" Sumingit ako sa usapan nila. Tumingin silang lahat sakin. "Pwede na po ba akong mag trabaho?"
Parang nagulat sila sa naging tanong ko. Ngumuso si daddy pero kalaunan ay ngumiti din.
"Pwede naman, anak. Kailan mo ba gusto mag start sa company natin?"
"Gusto ko po sanang mag apply sa ibang kompanya."
Nalaglag ang panga nila. Hindi na naman ito lihim sa kanila dahil noon pa man sinasabi ko ng sa iba ako magtatrabaho. Nasa company naman si kuya.
"Are you sure, Shar?" Tanong ni kuya.
"Yes, kuya. I've been telling you this since then." Sabi ko.
Bumuntong hininga si daddy. "Okay. If that's your decision."
Nalungkot ako sa boses ni daddy. "Napipilitan ka lang ba, dad?"
"No, Shar. Nanghihinayang lang ako, pero kung yan na talaga ang gusto mo, I'll support you."
Ngumiti ako. Kahit ano talagang mangyari, susuportahan pa rin ako ng pamilya ko. Sana ay maging matagumpay ako sa gagawin ko.
BINABASA MO ANG
If You Stay
Short StoryShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...