Nakauwi na kami galing sa ASK pero laman pa rin ng isip ko ang huling sinabi nung saleslady.
Kamukha nung Sir A ang mga mata ng anak ko? Hibang na ba ako kung iisipin kong si Alexis ang tinutukoy nila?
"Sharpey!" Napatalon ako sa pagtawag ni Pamela. "What happened to you? Kanina ka pa lutang sa mall!"
"I'm sorry. It's just that-" Pinilit kong hindi ituloy ang sasabihin.
Natutulog na si baby Sharpey sa kwarto ko. Kaming tatlo naman ay nagpapahinga sa sala. Kumunot ang mga noo nila habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.
Will I tell them? Yes, of course! They're my bestfriends. They've been loyal and honest to me since we're toddlers. Pero bakit nagbabara ang lalamunan ko?
Linunok ko ang batong nakabara sa aking lalamunan. "K-Kilala niyo ba ang may ari ng ASK?"
Nagkatinginan silang dalawa at umiling. "Hindi. Bakit?" Si Margarette ang sumagot.
"I-I just want to k-know..."
Nilabas ni Pamela ang kanyang cellphone at ni search ang may ari ng ASK. Nakatingin ako sa kanya. Hinihintay ang isasagot niya.
"OH MY GOD!" Bumigat ang paghinga niya.
Kinabahan ako. "S-Sino?" Nagbara ulit ang lalamunan ko. Naiiyak na ako.
Umiiling siya sakin. Ipinakita niya ito kay Marge at nanlaki pareho ang mga mata nila. Hinablot ko ang phone ni Pam at tinignan ang nakalagay roon.
Pagkakita ko sa pangalan niya, everything went dark. Tumulo na ang mga luha ko. Is this true? Pero paano? Siya ba talaga ang may ari ng napakalaking mall na iyon?
"Alexis Cole Karloff." Binasa ko ang naka register sa phone. "My god!" Napatakip ako ng bibig para hindi humagulhol.
"Shar..." Hinaplos ni Pamela ang likod ko.
"I'm sorry... Aakyat na ako," Tumayo ako at pilit silang nginitian. Pareho silang malungkot at nag aalala. "Thank you sa pagsama samin." Hindi ko na sila hinintay pang makasagot.
Tumakbo na ako paakyat ng kwarto ko. Umupo ako sa kama at niyakap ang unan. Hinayaan ko na ang sarili kong humagulhol.
Should I be thankful for abandoning him before? Nakaahon siya. Isa na siyang successful businessman ngayon.
Noon pa man, wala na akong pakialam sa estado ng buhay namin. Scholar siya noon sa university'ng pinapasukan namin. Nagsumikap siya at nakatapos kami ng Cum Laude kami pareho. Masaya ang naging relasyon namin maliban na lang nung ipakilala ko siya sa family ko. Hindi nila siya natanggap dahil sa iniisip daw nila ang kinabukasan ko.
Naiintindihan ko naman ang mga magulang ko noon. Gusto kasi ni Alexis na siya ang magtataguyod saming dalawa. Hindi siya hihingi ng tulong sa mga magulang ko kahit na ipinagpipilitan nilang ipasok siya sa kompanya namin. Maybe because of his ego kaya niya tinanggihan iyon.
Nagalit ang pamilya ko sa pagmamatigas niya. Nagalit ako sa kanya! I was so immature at that time and I regret that. Sana ipinaglaban ko siya. Sana ipinaglaban ko ang pagmamahalan namin.
Hahantong ka talaga sa isang sitwasyong pagsisisihan mo ang mga naging desisyon sa nakaraan. Hindi ako nagsisisi dahil sa mayaman na siya ngayon. Nagsisisi ako dahil hindi ko siya ipinagtanggol noon. Itinulak ko siya palayo sakin. Pero nung malaman kong buntis ako, gusto kong bumalik ng Pilipinas at ipaalam sa kanya ang ipinagbubuntis ko.Umuwi ako. Pinayagan ako nina daddy na bumalik dito sa Pilipinas. Pero nung makita ko ulit siya ay masaya na siya. Masaya siyang wala ako! Sino ba naman ako para ipagpilitan ang sarili ko gayung ako mismo ang nagtulak sa kanya palayo?
Ngayong nalaman kong successful na siya ay mas lalo akong naging desidido na wag ng ipaalam sa kanya ang tungkol sa anak ko. Ayokong sirain ang nakamit niyang tagumpay. Nasa taas na siya at hindi ko kayang hilahin siya pababa. Ito ang dati pa niyang pangarap... ang maging successful businessman so I won't ruin it... I will not!
--
Kinaumagahan ay ginising kami ni mommy dahil nagpapasama siyang mag groceries.
"Umiyak ka ba kagabi, hija? Namumugto 'yang mga mata mo!"
"Hindi po. Maliligo lang po ako, kayo na magbihis kay baby." Ngumiti ako.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na rin kami nagpalat pa ni mommy sa bahay. Agad kaming nagpunta ng supermarket.
"Ako na po rito sa mga snacks." Sabi ko habang iginuguyod ang isang basket cart kung saan isinakay ko si baby Shaye.
"O sige. Magkita na lang tayo sa counter mamaya."
Iginuyod ko na ang cart papunta sa mga snacks. Napalingon ako sa kanina pang lalaki na nasa likod namin at kumakanta.
"Mahal na mahal kita... Higit pa sa iniisip mo..." Diretso ang tingin niya sakin.
Napa ismid ako at hindi na lang siya pinansin. Wala namang headset na nakalagay sa ulo at tainga niya. Si baby Shaye ay sinusubo na naman ang daliri. Hindi niya kasi maabot ang mga pagkain na nasa harapan niya.
"Hi, miss!" Napahinto ako sa paglalakad nang biglang sumulpot sa harapan namin 'yung baliw na lalaki. "Wow! Baby! Ang cute. Kamukha mo!" Ngumisi siya.
Inirapan ko siya. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero sumabay lang siya sa gilid ko.
"Ano ba?!" Medyo napalakas ang sigaw ko kaya napatingin ang ibang mamimili sakin. Napayuko na lang ako sa hiya.
"Ang sungit mo naman pala, Ms. Andjelka Sharpey!" Humalakhak siya. Nangilabot ako sa tawa niya.
"I don't talk to strangers!" Umirap ulit ako.
"I'm Matthew Astaire. Seriously, I am not the villain here. I am actually your hero!" Ngumisi ulit siya.
Bakit parang biglang humangin sa loob ng supermarket? Sobrang lakas ng hangin! Grr.
BINABASA MO ANG
If You Stay
KurzgeschichtenShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...