Mabilis ang naging paghahanda ng kasal namin bukas. Excited at may halong kaba ang nararamdaman ko. Nagplano nga sila Pam ng bridal shower pero tumanggi ako. Ang sabi ko, iyon na ang kabayaran sa paglilihim nila sakin. Napapa payag ko naman sila.
Binawalan ko rin sina kuya na wag na rin mag plano ng bachelor's party. Sa una, ayaw nila pumayag pero pinagbantaan ko silang walang mangyayaring kasal kung itutuloy nila.
"Hi, asawa ko!" Bati ni Alexis sa kabilang linya.
"Soon to be pa lang!" Umirap ako kahit hindi niya iyon kita.
"I want to hug you, kiss you..." He said in a husky voice. "I want to see you, now."
"Huy? Wag, a! Bawal diba?"
"Nasa labas ako ng bahay niyo."
"ANO?" Napatayo ako agad.
"Oo nga!" Narinig kong may bumusina sa labas. Oh my god!
"Umalis ka na... Magkikita naman tayo bukas."
"Ayoko!" Pagpupumilit niya.
"Alexis!"
Narinig ko ang halakhak niya. Oh, how I love this man so much! Napapikit ako. Natahimik kaming dalawa. Paghinga lang ang naririnig namin.
Tomorrow will be the beginning of another chapter of my life. And as a married woman. A woman, named Andjelka Sharpey Farrell, married to Alexis Cole Karloff."Still there?" Basag niya sa katahimikan.
"Hmm..." Tumango ako. "I love you."
"Mahal na mahal din kita. I can't wait to marry you."
Halos isang oras din kaming nag usap sa telepono. Hanggang sa pinatulog na niya ako baka daw ma late ako sa kasal namin. Nung marinig ko ang papalayong sasakyan, saka pa lang ako natulog.
--
Nahirapan ako sa pagtulog kagabi. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Sabi ni mommy, normal lang daw na ganun. Hindi makatulog sa gabi bago ang kasal.
"Saan si baby Shaye, ma?" Tanong ko sa kakapasok lang na si mommy.
Nakauwi na rin ang family ni Alexis. Masayang masaya silang kami rin ang nagkatuluyan.
Pumasok kasunod si daddy na hawak ang anak ko. She's very pretty with her pink gown. Pink with a twist of sky blue and lavender ang motif ng kasal.Hinalikan ko sandali ang anak ko at binalik siya kay dad. Nakakahiya naman sa make up artist ko kung maglilikot ako.
"Ang ganda ganda mo, Shar." Naiiyak na pahayag ni mommy.
"Ma, sayang ang make up." Sabi ko.
"Waterproof naman!" Kantyaw ng make up artist.
Nagtawanan kami. Nakakatawang isipin na ako ang pinaka iingatan nilang bunso pero ako ang unang mag aasawa. Ilan taon nila akong inalagaan. Pero sinabi ko sa kanilang bibisitahin ko pa rin naman sila. Saka nandyan pa sina kuya.
"Be a good wife, anak." Tumulo ang luha ni mommy. Pati tuloy ako naiiyak na rin.
"Ma naman e! Naiiyak na rin ako!" Niyakap niya ako.
Nagawa niya iyon dahil tapos na ang pagme make up sakin. Buhok ko na lang ang di pa tapos.
Ang gown ko ay long sleeve na see-through. May mga sparkling crystals din na design ng gown. Ito talaga ang pinili ko dahil unang kita pa lang, nagustuhan ko na.Pagkatapos nila akong ayusan ay nagpunta na kami ng simbahan. Kalat ang video cams para sa seremonya. Private ang kasal kaya wala ni isang reporter ang pinapasok. Maging sa reception ay wala ring inimbita.
Naghihintay kami ni daddy at mommy sa sasakyan. Kasalukuyan ng naglalakad ang mga kasama namin sa entourage. Narinig ko na rin ang pag kanta ni Zephyr ng The Last Breath band. Pinili ko talaga ang bandang yun dahil mahal na mahal ko ang pinsan kong sina Zephyr at Mark.
[Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece.]Bumaba na kami ng sasakyan at kumapit sa kamay ni daddy. Si mommy naman ang humahawak sa anak ko.
Kinakabahan ako habang naglalakad sa aisle. Nagkalat dito ang red, pink, at green rose petals.
[So as long as I live I love you
Will heaven hold you
You look so beautiful in white.]Diretso ang titig ko kay Alexis na napaka gwapo sa kanyang soot. Nakangiti rin siyang tumitingin sakin.
[And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight.]"Kinakabahan ka ba, anak?" Nilingon ko si daddy at nginitian.
"O-Opo."
Nilingon ko rin si mommy at nginitian.
[What we have is timeless
My love is endless
And with this ring I say to the world
You're my every reason
You're all that I believe in
With all my heart I mean every word.]Habang papalapit kami ng papalapit kay Alexis ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso ko. Masaya ako dahil sa ikakasal kami ni Alexis. Maibibigay ko sa anak ko ang pagiging buong pamilya.
[So as long as I live I love you
Will heaven hold you
You look so beautiful in white
And from now to my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white.]Tuluyan na kaming nakalapit kay Alexis. Katabi niya ang best man naming si kuya Amiel at ang kanyang mga magulang.
Nakita kong may tumakas na luha sa mga mata ni Alexis. Agad niyang pinunasan iyon at ngumiti. Nakipag kamay siya kay daddy at hinalikan sina mom at baby Shaye. Nakipag beso rin ako sa mama at papa niya.
"Wag mong pababayaan si Andjelka, anak!" Bilin ng kanyang ama.
Ngumuso si Alexis. "Papa naman. Hindi ko gagawin yun."
Nagsalita rin sina mom at dad pero pare pareho lang ang punto nila. Ingatan niya ako at wag paiiyakin. Mahalin ng walang kondisyon.
BINABASA MO ANG
If You Stay
KurzgeschichtenShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...