Lumipas ang isang buwan na naging tahimik ang relasyon namin ni Alexis. May tampuhan pero hindi na tulad ng dati na uuwi ako kina mommy. Ako o siya man ang may kasalanan, siya pa rin ang susuyo at maglalambing sakin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ma contact si Natasha kaya malungkot pa rin si Allen. Sina kuya at ate Czarina ay nagbabalak na rin ng kasal next year. 7 months na si Shaye at palagi siyang dinadalaw ng mga lola at lolo niya.
"Next week na ang birthday mo, hon." Sabi ko kay Alexis habang kumakain kami ng pananghalian.
Tumango lang siya nang hindi ako nililingon. "Uh-huh! Thanks for reminding me."
"Yun lang?" Huminto ako sa pagsubo.
Nag angat siya ng paningin at tinitigan ako ng seryoso. "Why? May dapat ba akong sabihin?"
"Ayaw mong magpa party?"
"No. I just want to be with you and Shaye."
Nag init ang pisngi ko. Kainis! Bakit ba sa simpleng salita niyang yun ay nag iinit ang pisngi ko? Argh!Narinig ko ang pagtawa niya. "Nag blush on ka yata?"
"Ewan! Basta magpapa organize ako ng party para sa birthday mo."
Nagkibit balikat na lang siya. Hindi talaga siya mahilig mag celebrate ng birthday niya. Pero kapag birthday ko o pamilya niya ay naglalaan siya ng oras para icelebrate yun at magbigay ng regalo.
Nang matapos kaming kumain ay naligo na si Alexis para pumasok sa opisina. Tuwing tanghali na siya kung pumasok ngayon kahit na gusto ko umaga na lang. Aniya'y para may oras siya para samin ng anak ko bago magtrabaho.
Tinawagan ko ang secretary ni Alexis. Agad naman niya itong sinagot.
"Jana? May kakilala ka bang party organizer?" Tanong ko sa secretary.
"Ah! Yes, ma'am. Organizer din po siya ng mall. Bakit po?"
"Paki sabi sa kanya puntahan niya ako sa bahay."
"Got it, ma'am. May ipag uutos pa po kayo?"
"Nothing more. Thanks, Jana."
Pinatay ko na agad ang tawag. Lumabas si Alexis ng naka bihis na. May kaunting panghihinayang na naka bihis na siya agad. Hi-hi!
"Sinong kausap mo?" Nilapitan niya ako sa gilid ng kama.
"Si Jana."
"Bakit?" Kumunot ang noo niya.
"Nagpahanap ako ng organizer para sa birthday party mo."
"Hindi na ako bata." Niyakap niya ako sa likod. Ramdam ko ang hininga niya sa gilid ng leeg ko.
"Kailan mo ba ni celebrate ang birthday mo?" Tanong ko saka siya nilingon sa gilid ko.
"Nung naging tayo."
Natawa ako. Sinapak ko ang mukha niya pero di siya natinag. Hinalikan niya ako sa gilid ng labi at ngumisi.
"Sinong organizer ang ni recommend niya?" Tanong ni Alexis.
"Yung organizer din daw sa mall. Pinapapunta ko dito-"
"ANO?" Ginulo niya ang buhok niya. "Lalaki yun na hindi ako sigurado at papapuntahin mo rito sa bahay natin?"
Natawa ako. "Ano yun? Bakla siya? Pagse selosan mo yun?"
Sinimangutan niya ako kaya lalo akong natawa. "Lalaki pa rin yun at kung makita ka baka ano gawin nun sayo!"
Humagalpak ako sa tawa. Tumayo ako para pagtawanan siya. Lumayo pa ako ng pilit niya akong inaabot para hilahin pabalik sa kama.
"OA ka talaga mag selos, Alexis!"
Tumawa ako ng tumawa. Nabigla na lang ako ng bigla niya akong higitin. "AHHH!" Sigaw ko nang natumba kami sa kama. Naka ibabaw ako sa kanya.
"Huli ka!" Tumawa rin siya.
Muli niya akong hinalikan. Sa labi naman ngayon at malalalim ang halik niya.
"Pumasok... ka... na" Sabi ko in between kisses.
Naramdaman ko ang pagngisi niya. Umupo kami at tumawa ulit siya."Alright! Mamayang gabi na lang?" Ngumisi siya ng abot tainga.
"Tse!"
Hinatid ko siya hanggang sa sasakyan. Pumasok lang ako nang maisara na ang gate. Narinig kong umiiyak si Shaye. Hindi siya mapatahan ng yaya niya. Kinuha ko ito at isinayaw pero wala pa rin. Pinatawa ko na pero walang ring epekto. Dati rati ay agad ko siyang napapatahan pero ngayon di na masyado. Mukhang nasanay sa daddy niya.
Tinawagan ko si Alexis. May driver siya kaya agad niya iyong sinagot."Miss mo na agad ako?" Pilyo niyang bati.
"Si Shaye, umiiyak. Di ko na mapatahan!" Sabi ko.
Ni loudspeak ko ang phone at inilapit kay Shaye. Iyak pa rin ito ng iyak.
"Baby! Si daddy ito. Bakit umiiyak ang prinsesa ko?" Kinakausap ni Alexis si Shaye na para bang naiintindihan siya ng anak niya. "Hindi ka na mapatahan ng reyna, no? Gusto mo si king daddy?" Humalakhak siya.
Sa pagtawa niyang iyon ay nanahimik si Shaye. Nililingon niya ang phone at pilit itong inaabot pero inilalayo ko. Tahimik na siyang nakikinig sa daddy niya.
"I love you my princess and most especially my queen." Tumawa ulit si Alexis.
Tumawa rin si Shaye. Ang sarap pakinggan ng tawa ng isang bata lalo na kung anak mo. Sa bawat pagtawa ni Shaye ay sumasabay rin kami sa pagtawa.
BINABASA MO ANG
If You Stay
Short StoryShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...