Chapter 23

1 0 0
                                    

Pagkatapos ng libing ay agad pumasok sa trabaho si Alexis. Gusto niyang gawing busy ang sarili para hindi maalala ang pagkamatay ni papa. Naging malungkutin na rin siya at alam kong pilit na ngiti lang ang ibinibigay niya sakin.

"Aalis ka na?" Isang umaga ay naitanong ko sa kanya ito.

Kakamulat ko pa lang dahil naramdaman kong wala na ang katabi ko. Nakapag bihis na siya at paalis na sana pero nagising ako. Nilapitan niya ako at hinalikan sa noo.

Walang sinabi si Alexis at nagtuluy tuloy ng umalis. Galit ako. Nalulungkot. It's been two weeks nang mamatay si papa. Parang nawala na sa kanya lahat kahit na nandito pa naman kami. I know, masakit ang pagkawala ni papa pero may mama pa siya at kapatid... At nandito pa kami ni Shaye.

Ginugol ko ang oras ko sa pag aalaga sa anak ko. Hindi ko na rin naman kailangan mag linis dahil may mga maid na rito. Pinatulog ko si Shaye at nilagay sa crib niya dito sa sala. Kinuha ko ang telepono at tinawagan si mommy.

"Anak? Kamusta na kayo?" May bahid pa rin ng pakikisimpatya sa boses ni mom.

"Still moving on..." Bumuntong hininga ako. "Pero si Alexis, mommy," Tumulo ang luha ko at nilunok ang batong bumabara sa lalamunan. "Maaga siyang umaalis at late na kung umuwi."

"Kinausap mo na ba siya tungkol dito?"

"Hindi pa. Tinatawagan ko siya sa office pero laging busy."

"Shar, intindihin mo na muna si Alexis. Nawalan siya ng ama."

Tumango ako. Mahaba ang pasensya ko pero kapag ganito na, hindi ko na kaya. Nawawalan na siya ng oras para samin. Selfish na kung selfish but he's my husband.

Nang maghapon ay tinawagan ko ang secretary sa office niya.

"Hello, ma'am. Who's this, please?" Bati ng sekretarya.

"Mrs. Andjelka Karloff." Simpleng sagot ko.

"Oh! Si Sir A po ba? Malapit na pong matapos ang meeting niya."

"Okay. Pakisabi na lang hihintayin ko ang tawag niya."

"Okay, ma'am."

Binaba ko na ang telepono. Sana naman tumingin siya sa kalendaryo at makita ang petsa ngayon. Tinawag ko ang isang maid at pinaki usapang bantayan muna ang anak ko. Papatulong naman ako sa iba pang maid na magluto para sa dinner namin mamaya.

Pagkatapos naming magluto ay tumingin ako sa oras. Mahigit dalawang oras pala ang pagluluto namin. Ngumiti ako. Sana naman maaga siyang dumating.

"Manang, kumain na po kayo. Pagkatapos magpahinga na kayo." Sabi ko sa mayordoma na tumulong sakin.

"E, kayo po, ma'am?"

"Hihintayin ko pa po si Alexis." Ngumiti ako.

Tumango sila at sinunod ako. Nagpunta ako ng sala at naupo. Tinext ko rin si Alexis.

Me:

Hon, uwi ka ng maaga. Please? Hintayin kita. I love you.

Ngumiti ulit ako pagka send ng text. Mag isa lang ako sa sala. Nag basa basa ako ng kung anu anong magazines para hindi antukin. Tinignan ko din ang wedding album namin. Papalit palit ako ng pwesto hanggang sa nagsawa ako sa kakahintay.

Wala na ang secretary ni Alexis sa ganitong oras. Tinawagan ko si Alexis pero naka patay ang phone niya. Imbes na mainis ay umidlip muna ako...

--

Naalimpungatan akong umupo ng maayos sa sofa. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Nahihilo ako. Naalala ko, hindi pa ako kumakain magmula kaninang umaga. Natulog akong walang laman ang tiyan.

Napalingon ako sa wall clock. Past 12 na. Kahit masakit ang ulo ay umakyat pa rin ako para tignan kung dumating na ba si Alexis. Bigo ako! Wala pa siya. Bumaba na lang ulit ako at muling naupo sa sofa. Sumasakit lalo ang ulo ko sa sobrang pag iisip. May nangyari ba? Ni hindi man siya tumawag o nag text.

Biglang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Zerah habang hirap na hirap sa pag aakay kay Alexis. Nanlaki ang mga mata ko. Ngumisi lang si Zerah sakin. Tulog na tulog na si Alexis sa sobrang kalasingan. Iniupo niya ito sa sofa malapit sa kinauupuan ko.

"I have to go." Ngumisi si Zerah bago umalis.

Hindi mag sink in sa akin ang mga pangyayari. Kinuha ko ang phone niya at ni switch on. Battery full pa ito at na open na ang message ko.

Napatakip ako ng bibig. Kinukurot ang puso ko. Pinipiga sa sobrang sakit. Sinong nag open ng message ko at sinong nagpatay ng phone? Si Zerah man o si Alexis ay pareho akong masasaktan at magagalit.

Tinitigan ko ang tulog kong asawa. Nag aalab ang titig ko. Bakit ka nagkaganito? Nakalimutan mo na ba ako? Kami ng anak mo?

Narinig ko siyang umungol at napahawak sa ulo. Binagsak ko ang phone niya at iniwan siya sa sofa. Bahala ka sa buhay mo! Matutulog ako mag isa sa kwarto. Pake ko kung lamigin ka diyan?
Natulog ako kahit na walang laman ang tiyan ko, masakit ang ulo ko, galit ako sa asawa ko. Kinalimutan niyang anniversary namin ngayon. At bukas ay valentines day.

If You StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon