"Alexis? Kukunin daw muna nina mama si Shaye bukas." Sabi ko kinagabihan. Magkayakap kaming nag uusap sa kama.
"Uh-hmm." Sagot niya nang nakatitig sakin.
"Bakit?" Nakakalusaw ang titig niya, pero hindi ako bumibitaw.
Umiling siya at nilapit ang mukha sakin hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Nagsimulang gumalaw ang mga labi niya. Binuksan ko ang bibig ko para makapasok siya. Gumapang na rin ang kamay ko sa batok niya. Idiniin niya pa ako sa sarili niya.
"Hindi ko kakayanin kung mawala ka ulit sakin." Sabi niya nang maghiwalay ang mga labi namin.
Ngumiti ako. "Hindi na. Pangako!"
"Ayoko ng pangako. Dahil kung iiwan mo ulit ako, hahabulin kita. Kahit ipagtulakan-" Nilagay ko ang daliri sa labi niya.
"Hindi na talaga mangyayari yun."
Hinalikan ko siya sa labi."Mahal na mahal kita... Hinding hindi ako magsasawa iparamdam sayo yun." Sabi niya bago hinubad ang soot ko.
--
"Mama, kumpleto na po ba ang mga gamit ni Shaye?" Tanong ko.
"Oo. Ikaw? Sigurado ka bang ayaw mong pumunta muna sa condo?" Ani mama.
"Sama ka na, ate Shar!" Pagpupumilit ni Jackie.
"Naku! Wag na muna. Solohin niyo po muna yang apo niyo."
Pinuntahan muna nila si Alexis sa kwarto. Naiwan si papa para kausapin daw ako.
"Andjelka, anak..." Huminga siya ng malalim. "Mahalin mo sana ng buo si Alexis at wag na wag mo sana siyang iwan pa."
"Oo naman po." Tumango ako.
"Salamat nga pala. Dahil sa'yo, nagkaayos kami ni Alexis." Ngumiti siya pero halata sa mga mata niya ang kalungkutan. "Laking pasasalamat ko sa Diyos at pinaabot pa niya ako sa oras na ito... Nasaksihan ko ang kasal niyo. Nakita ko kayo ng apo ko."
Kumunot ang noo ko. "Pa, ano pong sinasabi mo?"
Dumaing siya habang nakaupo sa wheelchair. Agad ko siyang dinaluhan.
"Papa, ano pong masakit sa inyo?" Pag aalala ko. "ALEXIS!" Sumigaw ako.
"Ayos lang ako... Ikaw na ang bahalang magpaalam kay Alexis para sakin." Ngumiti siya na parang walang iniinindang sakit. "Pwede na akong makapag pahinga."
Pumikit siya. Nag unahang tumulo ang mga luha ko. Niyugyog ko si papa pero hindi na siya gumagalaw. Hindi natanggal ang ngiti niya kahit nakapikit na.
"Papa!" Humagulhol ako sa iyak. "ALEXIS! MAMA!"
Nag unahan silang makababa at nang makita ang nakapikit na si papa ay unti unting bumagal ang mga lakad nila. Hawak ni Jackie ang anak ko habang nanlalaki ang mga mata.
"P-Pa?" Pumiyok ang boses ni mama. Tulad ko, iyak na rin siya ng iyak.
Nilapitan ako ni Alexis at niyakap. Ramdam ko ang pag iyak niya dahil basa na ang balikat ko. Hindi ko inaasahan na ganito kaaga papanaw ang papa ni Alexis. Marami pang plano ang asawa ko hindi lang para samin ng anak niya kundi pati sa pamilya niya at ang kanyang papa. Nais pa niyang bawiin ang matagal na panahong nagka hiwalay sila.
Walang nagsasalita sa amin. Tanging hagulhol ng pag iyak ang maririnig. Saglit pa lang kaming nagkakakilala ni papa pero ramdam ko na agad ang pagkakaroon ng pangalawang ama...
Ibinurol ang papa sa simbahan dito sa village. Puros naka puti ang mga nakikita ko. Nakaupo ako katabi ni Alexis. Tahimik lang ang anak ko sa lap ko. Si mama ay hindi ko pa nakitang iniwan ang kabaong sa harap.
"Nagpaalam na siya sakin kahapon, e." Garalgal ang boses ni Alexis. Nilingon ko siya. Pare parehong mugto na ang mga mata namin. "Pero hindi ko tinanggap..." Pinunasan niya ang nakatakas na luha. "Kasi ayoko pa. Hindi pa ako handang m-mawala siya."
Nilagay ko ang isang kamay sa balikat niya. Isinubsob niya ang mukha sa balikat ko. Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak. Nilapitan kami ni mommy at kinuha si Shaye kaya malaya ko ng nayakap ang asawa ko. Pinunasan ko rin ang luhang lumandas sa pisngi ko.
Parami nang parami ang mga bisitang dumating. Lahat sila nakikiramay. Dumating sina Mrs. Burke, Victoria, Matthew, Kate, Ylac, Helga, at mga kalapit pang kaibigan. Nakiramay si Matthew kina mama at Jackie. At nang si Alexis na ang kinausap niya ay agad siyang umupo sa malayo. Ni hindi niya ako nilingon.
"Gusto mong magpahinga muna sa bahay?" Nilingon ko ang asawa ko.
"I will not leave him. Ito na ang huling makakasama at makikita ko si papa," Muling tumulo ang mga luha niya. "Kahit man lang sa huling pagkakataon, kahit nakahiga na lang siya, makasama ko siya."
Ngayon ko lang nakitang ganito ka emosyonal si Alexis. Maybe because hindi ko nakita ang mga nangyari sa kanya nung iwan ko siya. Saka ito, papa niya. Alam niyang kaunting panahon na lang ang pagsasamahan nila pero hindi niya expect ang ganito kaaga.
Hindi ko kayang nakikitang ganito siya. He's so fragile... Mas nasasaktan ako para sa kanya.
BINABASA MO ANG
If You Stay
NouvellesShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...