Maagang nag uwian ang mga bisita namin pati mga kamag anak. Ang tanging natira na lang sa mga bisita ay si Ate Czarina. Dito na raw siya matutulog dahil wala naman ang parents niya. Okay lang na hindi siya uuwi.
"We have to sleep, kids. It's getting late for us, seniors." Natawa kami sa tinuran ni daddy.
Naka kapit na siya kay mommy dahil tipsy na siya. Ilang oras na rin kasi silang nag iinuman. Nagpaalam na kami sa isa't isa at si Ate Czarina naman ay mabilis na pumunta sa kwarto ni Kuya para matulog. Pagkaalis nila, kami na lang nina kuya at Allen ang natira rito. My baby's already sleeping. May camera naman sa crib niya at magnonotify sa phone ko kung sakaling umiyak siya.
"Ikaw? Ayaw mo pa matulog?" Tanong ni Allen.
Siya ang pinaka lasing na rito. Ako, hindi ako uminom. JD ang nakalapag sa mesa pero hanggang wine lang ako.
"I am not sleepy, yet." Tamad kong sagot sa kanya.
Tumango siya at muling nilagok ang isang baso ng Jack Daniels. Tinignan ko si kuya na seryosong nakatingin sakin.
"Do you still love him?" Seryosong tanong niya na kinabigla ko. Bakas din sa kanyang tingin ang pagkaawa.
Awa? Para sakin ba? Para saan? HA! Ayokong maawa sila sa akin. I am not pathetic.
Natawa ako sa sarili ko. Hindi nga ba ako kawawa? Oo, mayaman kami. We get what we want. Pero para sakin, wala ring kwenta 'yun."Sino?" Tanong ko rin sa kanya kahit na kilala ko naman kung sinong tinutukoy niya.
Ngumisi siya... or should I say, a bitter smile! "You know who, Sharpey."
"And what if I do? Will you send me again to Paris?" Ayokong magmukha iyong paninisi pero 'yun ang lumabas.
Napatingin na rin ang lasing na si Allen sa akin. Mukhang natanggal bigla ang pagkahilo niya.
"I know it's too late to say this... But, I'm really sorry for what we've done." Bumuntong hininga siya. "When I first saw baby Shaye, she reminded me of him. Her eyes were exactly copied from him. Naisip ko, kawawa ang pamangkin ko kung wala siyang makikilalang ama."
Tumingala ako saglit para pigilan ang mga luhang nagbabadyang kumawala sa aking mga mata. Magsasalita na sana ako pero nagulat ako sa pahabol na sabi ni Allen.
"I can be her uncle-slash-father tho." Tumawa siya. Tawa ng lasing! "What do you think, Shar?"
Nawala ang kung anumang nararamdaman ko. I glared at him. "Funny!" Utas ko.
"WHAT? I can be a good father to baby Shaye." Tumawa ulit siya.
"Seryosong pakikipag relasyon nga hindi mo magawa, ang pagiging ama pa?" Sabi ni Kuya Amiel. Nakisali na siya sa usapan.
"I can give my daughter excuses. Dahil hindi naman ako sigurado kung kaya niya bang tanggapin ang anak ko. At paano kung may anak na rin siya sa iba?" Pumiyok ako sa huling tinuran ko.
"We don't know yet, Sharpey. Saka gusto mo bang ipagkait sa anak mo ang katotohanan?" Ani kuya Amiel. Wow ha?
Hindi ako sumagot. Tumawa na naman si Allen. Inirapan ko siya pero di niya 'yun pinansin.
"Excuse me..." Tumayo na ako at iniwan sila sa garden.
Pumasok ako ng kwarto at nakita ko ang anak ko na mahimbing pa rin na natutulog sa crib. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
"I'm sorry... baby..."
--
Nagising ako dahil sa pag iyak ni baby Shaye. Tumayo ako at kinapa ko ang kanyang diaper na mukhang puno na pala. Napangiti ako. Kaya naman pala iyak nang iyak!
Agad kong pinalitan ang kanyang diaper. Binuhat ko siya at inihiga sa kama ko. Tinutok ko ang camera ng phone ko samin at na capture ang pag smile ni baby. Ni send ko iyon kina Pamela at Margarette. My friends.
Me:
Hi, sweeties. She's my beautiful daughter, Alexandria Shealthiel Farrell. Inaanak ninyo. Nasa Pilipinas na kami.
Ilang minuto lang ay nag reply na sila.
Pamela:
She's so cute, honey! I'll visit you today! I'm very excited to see you again after 1 year. Haha!
Margarette:
OMG! Mana siya sa ninang niyang maganda! Hahaha! Can't wait to see you.Hinarap ko si baby Shaye. Nilalaro niya ang kamay ko at kung minsan ay sinusubo niya ito.
"Gising na ba ang apo ko?" Dinig kong tanong at katok ni mommy sa labas ng kwarto.
"Opo!"
Agad siyang pumasok at nilapitan ang anak ko. Tumayo na ulit ako para makapag hilamos. Ganito kami palagi. Pupuntahan agad ni mommy ang anak ko pagkagising niya.
"Namiss mo mag alaga ng baby, ma?" Tanong ko nang makabalik ako sa kanila pagkatapos ko maghilamos.
"Oo naman! Lalo na ngayong matatanda na kami." Ngumiti siya at saglit akong nilingon. "Sobrang saya nga namin ng daddy mo nung lumabas ka. Akala kasi namin, hindi kami magkaka anak na babae."
Magiging masaya rin kaya si Alexis kung makikita niya ang anak namin?
"Ang daddy mo ang laging nagpapalit ng damit mo. Palagi ka nga naming pinag aagawan nun, e." Tumawa si mommy pero agad iyon napalitan ng kalungkutan.
"Bakit po?"
"Pasensya ka na, anak, kung inihiwalay ka namin sa ama niya."
Pinunasan ko ang mga luhang tumulo sa kanyang mata. Nginitian ko siya. "Wag na po natin alalahanin pa yun. Past is past."
Niyakap niya ako. Sa totoo lang, nanghihinayang pa rin ako sa kinahinatnan ng relasyon namin ni Alexis. Kung pwede nga lang ibalik ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
If You Stay
Short StoryShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...