Natawa ako bigla sa sinabi niya. Para akong baliw na tumatawa. Hindi ko na pinansin kung may nakatingin ba samin.
"Are you kidding?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"I think so. I made you laugh." Ayan na naman ang ngisi niya.
Ugh! I can't take men like him. So conceited! Tinalikuran ko siya pero ang mokong nakasunod pa rin. Hindi ko magawang matakot, mas naiinis lang ako.
"Hindi ko alam, may anak ka na pala?" Bulong niya sa sarili. Diretso ang tingin ko habang dumadampot ng mga pagkain.
"Dito na ba ulit kayo sa Pilipinas?" Nilingon niya ako pero deadma pa rin ako sa kanya.
Para kaming mga teenagers na nagliligawan dito! My god! I'm already 21 and I have my daughter. That's already a grown up for me!
"Huy!" Kinalbit niya ako sa braso. Tinampal ko agad iyon.
Nanlisik ang mga mata ko sa kanya. "Stop pestering me. I don't even know you!"
Binilisan ko ang paglalakad. Lalong kumulo ang dugo ko dahil panay pa rin ang sunod niya.
"I am the owner of this supermarket."
Huminto ako at hinarap siya. "I don't care. Sa iba na lang kami mamimili next time."
"Baka amin ulit 'yun?" Tumawa siya.
"Matthew!" Biglanv may tumawag sa kanya
Napahawak ako ng mahigpit sa cart. Tumigil ang mundo ko... ang paghinga ko. Ilang taon pa lang ang nakakalipas pero kilala ko pa rin ang boses niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Tito!" Humalakhak siya. Nilapitan niya ang tumawag sa kanya na nasa likuran ko.
"I told you, don't call me Tito! We're in the same age!"
Maglalakad na sana ako pero bigla akong ipinakilala ng baliw na sunod nang sunod sa amin kanina.
"By the way, Alex, this is Andjelka." Nilapitan niya ako at pilit na inihaharap sa kanya.
"I have to go!" Mariin kong utas. Kumunot ang noo niya. Nginisian pa niya ako.
"Andjelka Farrell?" Tanong ni Alexis na para bang naririnig lang niya ang pangalan ko sa mga tsismoso't tsismosa.
"Magkakilala kayo? Nice!" Sarcastic.
"She's a college friend." Mabilis na sagot ni Alexis na siyang nagpasikip ulit sa dibdib ko.
Tumulo ng mabilis ang mga luha ko. Pwedeng paki bilang kung ilang beses na akong umiiyak? At bakit hindi ako nagsasawa? Hindi ba pwedeng maging manhid na lang ako?
Pinahid ko ang pisngi ko. I cleared my throat. Hinarap ko silang dalawa.
"Alexis!" Tumawa ako. Yung tipong wala kaming nakaraan. "Nice seeing you again. But I have to go."
Diretso ang titig niya sakin nang bigla niyang ibaling ang tingin sa anak ko. Shit! Not this fast!
Tumalikod agad ako. Bastos na kung bastos pero iniwan ko na sila roon. Hinihingal ako nang makita si mommy sa may counter."Andjelka, what happened?" Hinawakan niya ako sa balikat.
Huminga ako ng malalim. "Nothing, ma! Ito kasing si baby Shaye, nag enjoy sa pagtakbo namin." Pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin sa kanya na nagkita na kami ni Alexis.
Nang makauwi na kami ay nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko pinansin ang mga nagtatakang tingin ng mga kasama ko. Mabuti na lang din ay hindi na kami sinundan pa nung lalaki simula nang iwan ko sila.
"Shar!" Napatalon ako sa panggugulat ni Allen. Isa pang pang inis!
"Nakakainis ka talaga!" Hinampas ko siya sa dibdib.
Tumawa lang ang kurimaw. "Kamusta ang pag iikot sa supermarket?" Nakangising tanong niya.
Bakit ba ang hilig ngumisi ng mga tao ngayon?
"May dapat bang ika excited doon? It's just a typical grocery shopping!" Umirap ako.
Ibinigay ko sa kanya si baby Shaye. Tinigilan din niya ako pagkabuhat sa anak ko. Maaasahan din ito sa pag aalaga ng bata. Bakit kasi hindi pa mag asawa, e.
Hindi sila tulad ng iba na hindi matatanggap ang bata dahil galit sa ama nito. Galit ang pamilya ko kay Alexis pero noon iyon. Tanggap naman nila siya. Botong boto sila. Kaya lang dahil sa ego niya nagkahiwalay kami. Dahil na rin sa kahinaan ko. At kung hindi lang dahil sa status niya noon...
We were both immatures that time. Kaya siguro hindi namin na handle ang problemang iyon. Kahit naman ngayon ay tatanggapin pa rin nila si Alexis kung magkakabalikan nga kami. Lalo na't may anak kami.
Nirerespeto nila ako dahil hindi namin masyado pinag uusapan yun kasi yun din ang gusto ko. I know, they'll support me now in whatever decision I will make. Nasa likod ko lang sila para gabayan ako kung may mali na akong magagawa.
BINABASA MO ANG
If You Stay
Short StoryShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...