Masayang dumalo ang lahat sa reception. Nakaupo na kami ni Alexis sa harap at kumakain. Kung minsan ay sinusubuan niya ako ng pagkain at kinikilig naman ang mga bisita.
Pumailanlang ang isang mabagal na kanta pagkatapos ng kainan. Tumayo si Alexis at naglahad ng kamay.
"Can I have this dance with you, Mrs. Karloff?" Nakangising tanong niya.
Nakatingin lahat ng mga bisita namin sa amin. Laking gulat na lang siguro nila kung aayawan ko ang asawa ko. Pero syempre, hindi ko gagawin 'yun. Nilagay ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Ngumiti ako ng napaka tamis.
Dinala niya ako sa gitna. Kami muna ang nagsasayaw habang pinapanood nila. Naka baon ang mukha ko sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang pagtibok ng kanyang puso.
"Finally," Aniya kaya nagtaas ako ng tingin. "You are really mine, now." He chuckled.
"Noon pa man, sayo na ako." Sabi ko.
"KISS!" Sigaw ng mga bisita.
Nag init ang pisngi ko. Ngumuso ako at tinignan sila. Nahuli ng tingin ko si Allen na malungkot ang mga mata. Nakita niya akong tinitignan siya kaya pilit siyang ngumiti. Nag flying kiss pa siya sakin. Sinimangutan ko siya.
Hinablot ni Alexis ang mukha ko at siniil ng halik. Madiin niyang nilapat ang kanyang labi sakin. Bumitaw siya at ikinulong ang magkabilang pisngi ko.
"I love you, Anje."
"I love you, too."
"I love you more..." Mabilis niya ulit akong hinalikan. "So much!"
Naghiyawan ang mga bisita namin. Kapagkuwan ay nagsayaw na rin sila. May bumabati kapag nakaka lapit samin. Ngiti lang ang isinasagot namin.
"Ang lungkot ni Allen." Sabi ko.
"Yan kasi! Binawela niya si Natasha!" Sabi ni Alexis habang ngumingiti.
Hinampas ko siya sa dibdib. "Ikaw talaga! Kuya ko pa rin yun."
"Alam ko... Pero siya may kasalanan niyan."
Inirapan ko na lang siya. Muli kong nilingon si Allen. Malayo ang tingin niya. Naaawa rin ako sa kanya. Ewan ko ba! Natural na sakin ang maaawa kaagad. Saka kuya ko siya, gusto kong siya naman ang maging masaya.
Sunod na ginawa ay ang paghagis ng bouquet ko. Tinawag lahat ng single sa harap. Kahit nga mga may boyfriend ay nagpunta. Haha! Tumalikod ako at pasabik na hinahagis kunwari ang bouquet. Hinarap ko ulit sila.
"Pag ka talikod ko, magpalit palit kayo ng pwesto, a?" Sigaw ko.
Tumango silang. Tumalikod ako at nag umpisang mag bilang.
"1... 2... 3!" Hinagis ko ang bouquet.
Muli ko silang hinarap at nakita ko ang tuwang tuwa na si Kate. Siya ang nakasapo ng bouquet ko. Si Kate ay pinsan ko sa side ni mommy.
"You got it, Kate!" Kinindatan ko siya.
Sunod naman ang pagtapon ng garter. Pinaupo ako sa isang silya. Ngingiti ngiti si Alexis habang lumuluhod.
Nag iinit na ang pisngi ko. Alam ko ang mga ngising ganyan! Kinuha niya ang mic ng MC at nagsalita.
"Pwede bibig ang gamit?" Humalakhak siya.
Nagtawanan at hiyawan ang mga bisita. Kinagat ko ang labi ko. Nakakainis! Sabi na, e!
"Ikaw ang masusunod!" Tili nung baklang MC.
Tumatawa siya habang paunti unting tinataas ang gown ko. Napa face palm ako sa sobrang hiya. Hinahampas ko na ang balikat niya pero di siya natitinag.
Tinignan niya ako at kumindat. Kinagat ko ang labi ko! Alexis! Nakangisi siya habang inilalapit ang mukha sa thighs ko. Hinalikan niya muna iyon bago kinagat ang garter. Hawak niya ang binti ko kaya hindi magalaw kahit gusto ko na siyang tadyakan.
Dahan dahan niya itong binababa. Nakatingin siya sakin habang ginagawa iyon. Kulang na lang ay dumugo ang ibabang labi ko sa kaka kagat dito.
Nang tuluyan na niya natanggal ay iwinagayway niya iyon. Tumayo ako at hinampas siya.
"Mukhang sadista ang ating bride!" Kantyaw nung babaeng MC.
Tumango ang kasama niyang bakla. "Dapat yan para sa honeymoon mamaya!" Nagtawanan sila.
Pinagkakaisahan nila ako! Natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa nila. Nag unahan na rin ang mga single boys sa harap. Paano ba naman? Si Kate ang nakasapo ng bouquet ko.
Sumipol muna si Alexis bago inihagis ang garter. Nang lingunin namin ito ay si Ylac ang nakasapo. Tumawa na ako ng tumawa. Si Ylac ay sobrang pula na ng pisngi. Mahiyain kasi siya at pihikan sa mga babae. Oh my god! At isa pa, crush ito ni Kate.
"Oh my gosh! Waaah!" Vocal si Kate sa crush niyang iyan.
Alam din yun ni Ylac pero dahil sa pihikan ay di pinapansin ang feelings ni Kate para sa kanya. Bestfriend lang talaga ang turing niya.
Dali daling umupo si Kate sa silyang ginamit ko kanina. Nahihiya namang lumapit si Ylac sa kanya."Go Ylac, baby!" Sigaw ko.
Bigla akong hinapit ni Alexis sa baywang. Makapag selos, OA! Inirapan ko siya at tinignan ang reaksyon ni Ylac. Sinimangutan niya ako. Lumuhod na siya at tili naman ng tili si Kate.
"Ayusin mo, Ylac!" Sigaw ni Kate. "Pwede bibig din ang gamit-"
"Sobra ka na!" Pagpuputol ni Ylac.
"Oh, ano?" Tanong ng MC. "Bibig o kamay?"
"BIBIG!" Nauna akong sumigaw.
Nagtawanan silang lahat. Pati si Alexis ay naki sigaw na rin.
"BIBIG!"
Nagsaya si Kate dahil panalo siya. Kahit labag sa loob ay inumpisahan na ni Ylac itaas ang garter gamit ang bibig. Kinikilig ako sa mga ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
If You Stay
KurzgeschichtenShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...