"MERRY CHRISTMAS!" Sigaw namin pagsapit ng alas dose.
Ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang ay ni celebrate namin ang pasko sa Paris. Pero ngayon sa Pilipinas na ulit. Lahat ng problema nalagpasan ko dahil kasama ko ang mga mahal ko sa buhay na siyang inspirasyon at dahilan ko para mabuhay.
Nung iwan ko si Alexis ay parang gumuho ang mundo ko. Maraming nanligaw sakin sa Paris. Hindi ako martyr para lalong wasakin ang sarili ko gayung alam kong walang makakapantay sa pagmamahal ko para kay Alexis. Ilang gabi akong umiiyak at ilang araw na lugmok. Napapatawa ako ng pamilya ko pero hindi lingid sa kanila na may bahid ng kalungkutan sakin sa likod ng tawa.
Nang malaman kong nabuntis ako, ako na yata ang pinaka masaya sa mundo. Kung siguro ang ibang tao, lalong malulugmok lalo na't hiwalay siya sa ama ng kanyang magiging anak. Pero ako hindi. Inisip ko lahat ng positibong dahilan at rason ng pagkaka buntis ko.
Nag desisyon akong bumalik ng Pilipinas at sinuportahan ako ng pamilya ko. Binalikan ko si Alexis pero nakita ko siyang masaya sa pamilya niya. Masaya siyang wala na ako. Bumalik na lang ulit ako ng Paris at hindi na pinakita sa pamilya ang lungkot at sakit. Sila ang naging ama ng anak ko. Hindi nila ako pinabayaan.
Kahit anong gawin mo, magkamali ka man, masaktan, madapa, pamilya mo pa rin ang tunay na dadamay sayo. Hinding hindi ka nila iiwan dahil mahal ka nila. Kaya hindi ko alam kung sino ako kung wala ang pamilya ko. Sila ang bumubuo sakin.Nang mabaril si Alexis, mas dumoble ang lungkot at sakit na naramdaman ko. Hindi ko alam ang gagawin. Iyak lang ako ng iyak. Dapat siya ang nagpupunas ng mga luha ko nun, pero hindi. Ang pamilya ko ang pilit na nagpapatahan sakin.
Mahigit 5 buwang nakaratay sa ospital ang asawa ko. Grabe ang dinanas kong sakit. Nakulong si Zerah. Natural sakin ang magalit. At nung una ay gusto kong maghiganti. Gusto kong sumbatan at saktan si Zerah. Pero lahat ng iyon ay nawala ng makita ko ang pag iyak ng anak ko.
Siya ang magdadala ng sakit kung gaganti man ako. Ayokong iparanas sa anak ko ang ganitong sakit lalo na't bata pa siya. Wala pa siyang alam sa mundo. Ano nga bang mapapala ko sa paghihiganti? Hindi naman nun maibabalik ang pagkabaril ng asawa ko. Hindi naman niya mapapagising ang asawa ko. Hindi niya mapapagaling.
Mas nanalig ako sa Diyos. Siya ang maghahatol ng parusa sa mga makasalanan. Ipinagkatiwala ko sa Kanya lahat. Ipinagkatiwala ko na sa Kanya ang buhay ni Alexis.
"Baby, bibisitahin natin ang daddy mo." Masayang bati ko kay Shaye.
"Dada... da... paf... pa..." Ngumiti ako ng dumaldal ang anak ko.
Paalis na sana kami nang may inihabol ang isang kasambahay.
"Ma'am... Yung bulaklak po ni Sir Alexis." Inabot niya ang bulaklak nang makasakay na kami ng kotse.
"Salamat po."
Mabilis na pinatakbo ng driver ang sasakyan. Natatawa na lang ako sa kadaldalan ng anak ko. Gusto ko icelebrate ang pasko na kasama ang asawa ko kahit na hindi namin siya ramdam.
"Hello, ma?" Sinagot ko agad ang tawag ni mommy.
"Where are you? Kanina pa kami rito!" Reklamo niya.
"I'm on our way."
"Okay. Bilisan niyo, naabutan na kayo ng christmas eve."
Ngumuso ako. "Sorry, mom."
Pinatay ko na agad ang tawag. Ilang minuto lang ay nakarating na kami. Ngumuso ako ng makita silang lahat. Hindi pa nila ginagalaw ang pagkain dahil sa paghihintay samin. Ibinigay ko na ang anak ko kay mommy.
"Merry Christmas?" Ngumiti ako.
Nag promise kasi akong dito ko sasalubungin ang alas dose pero natagalan kami sa bahay.
"Sorry na. Magagalit si Alexis niyan kung nakikita niya lang kayong nagtatampo sakin."
Malungkot silang ngumiti at binati na rin ako. Niyakap ko sila isa isa. Umupo na rin kami at nag umpisang kumain.
"Sino nagluto?" Tanong ni Allen.
"Ako. Bakit?" Sagot ni mama.
Pinapanood ko silang nagkukwentuhan. Kung minsan ay sinusubuan ko si Shaye na karga ng yaya niya. Minsan ko na lang kasi nakakasama ang anak ko simula nung pumasok ako sa opisina. Wala naman silang maaasahan kundi ako.
"Walang crema de fruta?"
"Allen!" Saway ko. "Dessert ka na agad? Kakaumpisa pa lang natin kumain, e."
Sinimangutan niya ako. "Sabi ko nga."
Nagtawanan kami. Nakakapagtaka nga dahil hindi man lang sila nabibilaukan kahit tawa na ng tawa. Pero ang tawanan namin ay biglang humupa. In a snap, natahimik kaming lahat.
"Merry Christmas."
Napalingon ako sa nagsalita.
Naalala ko pa kung paano ako nagulat nang makita siya sa bahay noon. He was able to wake up at ako agad ang hinanap niya. Wala ako sa ospital nung time na iyon dahil sa kinailangan kong i-take over ang pagmamanage sa mall at agency.
Nagri-ready na ako noon para pumasok sa opisina nang tawagin niya ang pangalan ko. Tuloy tuloy na parang falls ang pagtulo ng mga luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit pagkakita ko sa kanya.
"Alexis!" Humagulhol ako sa pag iyak.
"I love you, Anje!" Sabi niya ng nakangiti.
Tinitigan ko siya sa mga mata kahit blurred na lahat. Ngumiti rin ako. Hinalikan ko siya sa labi.
"I love you, too, Alexis." Humagulhol ulit ako. "Oh my gosh. Thank God, nagising ka na!" Bulalas ko.
Hinalikan ko ulit siya."Mahal na mahal kita, Andjelka. I'm sorry for worrying you and our baby." Tumawa siya kahit batid ang hirap sa pagsasalita niya.
Umiling ako. "Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita, Alexis! I love you. I'm so happy!"
Until now, sobrang thankful ako na gumaling siya. Kahit na ilang buwan na rin ang nakakalipas simula nang magising siya ay sinabihan pa rin kami ng doktor na kailangan niyang mag-ingat. Kaya sa bahay siya nagpapahinga habang dinala ko sa bahay ang trabaho para na rin maalagaan ko sila ng anak ko.
Pero last week lang nang bumalik na siya sa trabaho. Kagagaling lang niya ngayon sa trabaho at dumiretso na dito sa bahay nina mommy para magcelebrate kami ng pasko.
"Merry Christmas! Maupo ka na rito." Bumati na rin ang pamilya ko sa kanya.
"Did you bring the flowers, hon?" Tanong niya nang halikan ako sa ulo at umupo sa tabi ko.
"Yup. Daan tayo sa bahay n'yo mamaya bago umuwi."
The flower's for his father. Dadaan kami mamaya sa bahay nila para ihatid din ang flowers para sa papa niya. Mayroon kasi silang isang room sa bahay kung saan nandun ang portrait ni papa.
"Hmm. Thank you! Merry Christmas! Merry Christmas baby ko!" Hinalikan ang anak namin.
"Merry Christmas, Alexis." Bati ko rin.
"Hmm, let's continue to eat!" Sabi ni daddy na nakaagaw ng pansin namin.
Napalingon ako sa pamilya ko at napangiti. Our Christmas couldn't be any happier than this.
***
The End!
BINABASA MO ANG
If You Stay
Cerita PendekShe had to leave him. Pero nagbunga ang pagmamahalan nila. Umalis si Andjelka na mag-isa pero bumalik sa Pilipinas na may anak. Little did she know, he knows everything. And he plans to get her back. He plans to make her stay with him, forever. Will...