Chapter I

19.2K 436 32
                                    

"Seryoso ka ba talaga sa plano mo?"

Isinukbit ko na ang aking backpack at dinoble check ang mga gamit na dadalhin ko. Kailangan ko nang umalis upang hindi ako maiwan ng eroplano. Flight ko na ng alas kwatro ng hapon, it's already 2:30 now. Mahigit isang oras din ang byahe mula dito sa amin papuntang airport.

"Hindi kaya ay masyado ka lang nagiging impulsive?"

"Nah. I've thought about this long enough."

Tinignan ko sa wallet ang ticket ko, pera at iba pang mahahalagang bagay to make sure na dala ko ang mga ito.

Okay, I'm ready.

"Ate, hayaan mo na ako. Pakiramdam ko ay ito na ang hinihintay kong pagkakataon."

"Paano kung mabigo ka?"

Napatigil ako. I honestly didn't think about that. Or maybe I did but I overlooked it. Ayokong isipin na mabibigo ako.

"Hindi naman ako susubok kung hindi ako sigurado sa kalalabasan." I said, pero sa totoo lang ay pinapaniwala ko na lang ang sarili ko. "I'm just doing what my heart is telling me to do."

Finally, my sister sighed. "Promise me you'll come back home no matter what." She went to hug me.

"Of course, I will."

————

This is it.

The long flight is over.

I wonder if she's already here.

Pumara na ako ng taxi para pumunta sa binook kong hotel at nang makapag pahinga muna ako.

This will be my first time travelling abroad at nakakapanibago ang mga tanawin. Everything looks different from where I've been to. It's refreshing.

"Here, thank you." Bayad ko sa taxi driver. Tinulongan naman niya akong ibaba ang mga gamit ko.

Pumasok na ako sa hotel para mag check in.

"Hello, I have a room reservation here." Bati ko sa front desk. The lady smiled at me.

"May I have your ID, please?"

Ibinigay ko dito ang ID. Habang busy ito sa pag ta-type sa keyboard ay inilibot ko muna ang aking mga mata.

This hotel looks elegant. Well, it's the Aragon Empire, you can expect much from them. I heard they're eldest daughter is engaged to a Dela Frontera, Hestia's cousin. Only the richest can get what they want easily, huh.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang biglang may mahagip ang mga mata ko. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang makita ang babaeng dahilan ng pag punta ko ngayon sa Las Vegas.

Literal na bumuka ang bunganga ko ng mapag masdan ko siya. Gosh, she's the most gorgeous woman ever walking on earth. Hestia is oozing with confidence and elegance. Taas noo itong rumampa sa lobby kasama ang apat niyang bodyguard na nasa gilid nito.

Halos lahat ng tao sa loob ng lobby ay napatingin sa babaeng bagong dating. Tila wala naman itong nakikita dahil dire-diretso lamang ito ng lakad.

Samyo ko ang napaka bango nitong amoy ng huminto ito sa tabi. I nearly fainted seeing her this close. Her side view is magical. Unfortunately, her gorgeous eyes were covered with black sunglasses.

"Can you give me one of your presidential suites?" She asks the lady.

Mukhang napatulala din ang babae sa front desk kay Hestia dahil napakurap kurap pa ito ng mag salita ang huli. I laughed internally. I guess I'm not the only one affected by this goddess in front of me.

Love After RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon