Cloud's POV:
Tahimik lamang kaming nag mamasid ni Aubrey sa mga naka hilerang mga damit sa loob ng boutique na ito habang sina Hera at Andrienne ay abala sa pamimili ng mga pagpipilian ko.
Hinimas ko ang aking baba, wari'y nag iisip. Aubrey did the same saka may pa hum pang nalalaman. Ipinilig ko ang ulo ko. Kahit ilang beses kong isa isahing inspeksyonin ang mga damit na nandito ay parang hindi ako satisfied. Para bang may kulang. I mean, they're all gorgeous, puro designer clothes and everything but I want something more.
"I remember having this kind of a problem with Rien before. Ang sakit sa ulo." Reklamo ni Aubrey sa akin. Naiiling na humarap ito sa akin, "Kailangan ba talagang magpakasal?" Seryosong tanong niya.
"Ayaw mo bang pakasalan si Prof. Alison?" Balik tanong ko sakanya.
Napabuntong hininga siya bago nagkibit balikat.
"I'm that kind of person who isn't very particular with marriage. I just want to spend the rest of my life with the person I love without a contract." Mahabang litanya niya saka pinadausdos ang daliri sa fabric, "It gives me sense of freedom and assurance. You know, iyong bang alam mong pwede ka niyang iwan dahil walang kontrata pero hindi niya magagawa dahil mahal niyo ang isa't isa."
I nodded, may sense naman ang sinasabi niya atsaka may sarili naman tayong paniniwala ukol sa mga bagay na ganito.
"Right." Sagot ko, "I think it's just for tradition na lang and Hestia wants to make our relationship sacred and to celebrate na din."
Nagkibit balikat na lamang si Aubrey, "Right." She said.
"Ulap, try mo nga to." May dala-dalang isang dosenang tuxedo at barong itong si Hera habang papalapit sa akin. Bigla namang sumakit ang ulo ko. Kakailanganin ko yata ng mahaba-habang pasensya ngayon.
I sighed at walang nagawa na lumapit sakanya saka isa isang sinukat ang mga iyon.
"Nah, too plain." Bumalik ako sa loob ng fitting area saka isinukat ang isa pa.
"Too much." Hera waved her hand to dismiss me. Damn!
Pagbalik ko, "Next." Tangina.
"Small."
"Too big."
"Too shiny, god!"
Tinignan ko siya ng masama at pagod akong naupo sa tabi niya habang suot ko pa din ang tuxedo na akala mo kinabitan ng led lights sa sobrang kumikinang eh.
Pakiramdam ko mauubusan na ako ng hininga sa pagpili dito. Iyong mga kasama ko busy busyhan sa pagpili pa ng isusukat ko. Eh ako pagod na pagod na.
"Give me a second." Sabi ko saka isinandig ang ulo ko sa sofa at pinikit ang aking mga mata.
Ramdam na ramdam ko ang pagod ng ilang araw na pago-organisa ng mga kakailanganin sa kasal. Kulang na kulang ako sa tulog at pahinga. Hanggang ngayon wala pa akong isusuot. Diko naman inakalang ganito pala kahirap ang mag pakasal.
Mabuti na lamang at hinayaan lamang ako ng mga kasama kong makapag pahinga muna. I took a quick nap because my eyes couldn't handle it anymore, my eyelids are getting heavy.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog at nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang bahagyang paghaplos ng isang malambot na mga palad sa magkabilang pisngi ko. Onti onti kong idinilat ang aking mga mata. Ngiti niya ang sumalubong sakin, agad din naman akong napangiti dahil dun.
Nasa likod ito ng sofa kung san ako nakaupo saka nakatungo sakin.
Lumabi ako, "I'm sleepy." reklamo ko sakanya na siyang kinatawa naman niya. She sat beside me and put my head on her shoulder.
BINABASA MO ANG
Love After Regrets
RomanceDela Frontera Series #2 Hestia Cybil Dela Frontera - Cloud Avery Sandoval "I fell inlove with you so desperately fast." She said, her beautiful face was void with emotion. "And now my feelings are fading, I'm really sorry, Avery." She didn't even le...