Chapter IV

14.5K 441 39
                                        

"I'd like to see you wear this."

Inabot sa akin ni Hestia iyong isang pares ng tuxedo.

This is for a formal attire. Sa isip isip ko at bagamat alinlangan ako ay kinuha ko ito sakanya ay tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong okasyon?" Tanong ko.

"There's a ball coming, I want you to come." Utos niya.

"May karapatan ba akong tumanggi?"

Siya naman ang tumaas ang isang kilay at tinignan ako pataas at pababa na para akong hinuhusgahan.

"Wala."

Aba, ayos yan. Wala na akong sariling desisyon ngayon.

"Hindi naman ako nag susuot ng ganitong mga damit."

Tumalikod siya saka nag browse pa ng mga damit sa aisle. Nandito kami ngayon sa isang designer clothing boutique at mag iisang oras na din simula ng mag umpisang mamili si Hestia ng mga damit para sakin.

Ewan ko ba at anong nakain niya't nag desisyon itong mag shopping kami ngayon. May mga damit naman ako ah tsaka isa pa hindi naman ako pangit manamit. Pakiramdam ko naman may fashion sense ako pero itong si Hestia, maka introduce ng bagong style akala mo isa siyang fashion designer.

Pero para maging fair naman, Hestia's style are commendable. Napaka sophisticated niyang manamit at talaga namang mapapa lingon ka. Bukod sa taglay nitong kagandahan at fashion, talaga namang sumisipa ang charisma niya.

Oh, to be with a Dela Frontera.

Suntok sa buwan ang pagkakataon na ito.

"Try that on." Sabi nito habang tumitingin pa ng mga damit.

"Pang limang beses ko ng balik sa fitting room." Reklamo ko.

Hindi niya ako pinansin kaya wala akong nagawa kundi sundin na lang ang utos niya. Isa sa mga natutunan kong ugali niya ay iyong hindi ka makaka tanggi sakanya. Once she went silent, you only have one option; Iyon ay sumunod sa gusto niya.

"Babe." Tawag ko kay Hestia nang matapos kong isuot. Agad na lumingon siya sa akin at pinasadahan ako ng mapang-husgang mga tingin.

At ang kanyang mga mata ay huminto sa chest area ko kung saan exposed ang gitnang dibdib ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At ang kanyang mga mata ay huminto sa chest area ko kung saan exposed ang gitnang dibdib ko. It's really awkward for me pero wala naman akong dapat na ikabahala dahil nag wo-workout ako at hindi talaga halata ang umbok sa aking dibdib.

Napaka effective talaga ng chest exercise na sinuggest ng gym instructor ko dati.

"Yeah. Looks good." Tumango naman ako. Hindi ko kasi alam kung nagustuhan ba niya ito o hindi. Bahala na siya jan. "Try this on."

I sighed, "Again?"

"Last one then we'll go."

"Okay."

Love After RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon