Chapter XII

11.7K 362 38
                                    

Cloud's POV:

"Cloud, pina-patawag ka ni boss."

Tumango lang ako sa secretary ni Hera saka inayos muna yung mga gamit ko bago ako tumayo at tumungo sa office nito. Matatapos ko na din sa wakas yung design na pinapagawa sakin ng isang client ko, konti na lang yun at makapag papahinga na din, sa wakas.

Sobrang bugbog na ako sa trabaho. Tingin ko nga magiging kuba na ako kaka yuko eh.

"Ano na naman ba, Hera?" Walang ganang tanong ko dito saka umupo sa sofa at pumikit. Inantok ako bigla.

"Magandang araw din sayo, Cloud." Sarcastic na sabi nito, "Hindi ako makakasabay mag lunch ngayon. May emergency meeting ako eh." Sabi niya na nagpa rolyo naman sa mata ko.

"Di kita jowa para magpaalam ka." Sabi ko na lang. "Osiya sige, kay Sabine na ako sasabay." Sabi ko sabay tayo at nag paalam na sakanya upang makalabas na ako.

Iyon lang naman pala ang sasabihin niya, pinatawag pa ako. Pwede naman mag text o tawag. Anong silbi ng telepono diba? Trip lang talaga akong pagurin ng ugok na yun eh.

"Sabine, tara lunch na tayo." Yaya ko dito nang maabutan ko siyang nagliligpit ng gamit.

"Sige sandali lang." Sabi niya.

Inantay ko lang siya ng ilang minuto bago kami lumabas at bumaba sa cafeteria.

"Ano bang mga pagkain dito?" Tanong ko sakanya.

"Typical Filipino food." Sagot niya.

"Let's just eat outside. Gusto ko kumain ng seafood." Yaya ko.

Napangiwi naman siya sa sinabi ko at may pag aalinlangang tumingin sakin.

"Allergic ako sa seafood." Nasapo ko ang noo ko, oo nga pala. I sighed. "I can order food na lang sa other restau tas doon tayo kumain sa seaside. Masarap daw seafood dun eh." Suhestyon niya.

My eyes literally sparkled at what she said. I'm really craving seafood eh. Matagal na mula ng huling  kain ko don. And it was with Hestia.

"Talaga?" Excited na tanong ko sakanya, she smiled.

"Para ka namang bata." Natatawang puna niya sakin saka tumango. "Osya tara na at baka maubos oras natin dito."

"Hayaan mo. Wala naman ngayon si Hera eh, may pupuntahan."

-------------

"What are they doing here?"

Narinig ko ang masungit na boses na iyon na nagmumula sa sala. Napakamot ako ng batok dahil doon.

Nandito kasi kami ngayon sa mansion ng mga Dela Frontera dahil friday night ngayon. Isa pa nandito si tito Albert and he specifically told us to go here dahil sagot niya ang inumin ngayon.

"Hush, child. I invited them." Sulpot ng matandang Dela Frontera.

Umirap si Hestia sa ama at ipinagpatuloy ang pakikipag usap sa telepono nito.

I didn't even know that she's here dahil kung alam ko lang ay hindi na ako tumuloy pa. But looking at her now... Makes my knees wobble. Napaka ganda, nakaka miss. Sabi ko iiwasan ko na siya pero bakit naman ako pinapahirapan ng tadhana?

"Nandito na pala kayo. Tara na."

Nakangiti si Rien habang pababa ng hagdan kasama nito si Mila. Halata ang pagod at saya sa mukha nito. Having a pregnant wife must be challenging.

"Welcome again, Sabine." Hera greeted as she and Selene emerged from the kitchen, holding two bottles of red wine on each of their hands. Grabe, mamahalin.

Love After RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon