⚠️️️WARNING⚠️
🔞🔞🔞🔞🔞🔞
Explicit content ahead and not suitable for very young audiences. Viewer's discreetion is adviced. You've been warned; read at your own risk.
Cloud's POV:
Nauna kaming dumating ni Mr. Dela Frontera sa venue. Hestia and her group are still not here, kanina ko pa siya hinahanap. I've been meaning to ask her something at atat na akong makita siya. I bet she's stunning tonight.
"Excuse me, Sir. Restroom break muna ako." Bulong na paalam ko dito.
"Roam around as you please as well, Cloud. I'll be fine."
Tumango naman ako sa sinabi niya saka umalis na at tumungo sa restroom. Napaka daming tao dito ngayon at napapalibutan ako ng mga kilala at respetadong tao. I didn't mind, though. Kasama ko naman ang mga Dela Frontera and I think I'm safe here.
Nang matapos akong gumamit ng restroom at ginawa ko ang utos sakin ni sir Albert. I took that chance to find my friends. Kanina ko pa kasi sila natext pero wala man lang silang reply. Sabagay, they must be preparing and girls do take time to prepare.
I checked my phone to see if my friends texted me already, pati na din iyong message ni Hestia kanina. She said they're on their way here about 10 minutes ago. Siguro ay parating na ang mga iyon.
Napag desisyonan kong lumabas na muna at mag mumuni muni. Hindi naman madilim sa labas dahil napapalibutan pa din ito ng ilaw tsaka may mga tao din naman dito. Nagpatuloy lamang ako sa pag lalakad at tahimik na ina-appreciate ang ganda ng lugar.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad at ngawit na din ang aking paa, I decided to sit in one of the benches here. May iilang tao ang nandito at nag uusap. Napakaganda ng mga suot ng mga ito, halatang pinag handaan ang gabing to.
Then I heard foot steps coming from my back kung saan hindi na abot ang mga ilaw doon. Medyo kinilabutan ako dahil mukhang ako lamang ang nakadinig nun. Lakas loob akong lumingon only to see a tall guy walking this way. May kasama itong babae na tila step-sister ni Cinderilla kung maka asta. Ang taas pa ng manipis na kilay nito.
I tried hard not to laugh. Iniwas ko ang tingin sakanila at kinuha na lang ang phone ko upang itext si Hestia asking where they are already.
Dumaan ang dalawang magkasintahan sa tabi ko, they smell like sex. Yuck! At dito pa nila nakuhang mag talik, kakasuka.
"What's the progress between you and Vera?" Dinig kong tanong ng babae, natigilan naman ako ng madinig ko ang pangalang yun.
Were they talking about Professor Vera? Nagkibit balikat na lang ako, hindi lang naman siguro si Prof. Vera ang nag iisang Vera dito. I was about to disregard them when I heard what the guy say.
"Bumabalik na ito sa akin. My only problem is that young Dela Frontera and Albert. They're getting on my way." May bakas ng inis sa matipunong boses nito.
Muli ko silang tinignan ngunit nakalayo na ang mga ito. Malakas ang kutob ko sa aking narinig, I need to tell this to Hestia. Baka nanganganib ang kapatid nito.
Pumasok na ako sa loob at agad na hinanap si sir Albert. Wala na kasi ito kung san ko siya iniwan. I roamed my eyes around until I spotted him. Agad na naglakad ako patungo sakanya. He's talking to some random guy kaya nag excuse muna ako sakanila.
Binalingan naman ako ng tingin ng matanda.
"Oh hey, Cloud. Sayang at hindi mo naabutan ang bunso ko. She was just here." Mr. Dela Frontera said with a smile on his face.
BINABASA MO ANG
Love After Regrets
RomansaDela Frontera Series #2 Hestia Cybil Dela Frontera - Cloud Avery Sandoval "I fell inlove with you so desperately fast." She said, her beautiful face was void with emotion. "And now my feelings are fading, I'm really sorry, Avery." She didn't even le...
