Chapter V

13.4K 372 13
                                    

Cloud's POV:

"Are you ready?" Tanong ni Hestia sa akin matapos niyang ma zip ang isang malaking maleta.

Sinuri ko naman ang mga gamit namin para masigurong wala kaming nakalimutan. Well, it's not like we won't come back here next month.

Ang ibang gamit ko na pinamili namin ni Hestia ay balak ko nang iwan dito sa bahay para naman hindi na ako mahirapan pang magdala sa susunod.

"Yup. I think we're ready." Sagot ko dito. Binalingan ko siya ng tingin, she was busy on her phone messaging her dad telling him that she's able to go to the grand ball.

Akala ko nga ay hindi ito sisipot dahil sa dami ng naging trabaho niya sa isa sa branch nila dito sa Vegas and there's Mr. Lincoln who's been bothering Hestia.

Nakakapagod pa lang sumama sa mga lakad niya lalo na't business ang dahilan, sumasakit ang ulo ko sa pakikinig sa usapan nila.

"This Lincoln guy," Panimula ko ng makita kong ibinaba ni Hestia ang cellphone at umupo sa paanan ng kama.

"Yes?" Her voice is weak, alam kong pagod na pagod na ito at gusto ng magpahinga, but we have a flight this day.

"May gusto ba iyon sayo?" tanong ko.

She rolled her eyes, "Yes." simpleng sagot niya kaya napasimangot ako. Pati ba naman Foreigner ay kaagaw ko sakanya. "Don't be jealous of him." she squinted her eyes at me kaya napilitan akong ngumiti.

"Hindi naman ah." napakamot ako sa batok ko ng pandilatan ako ng mata ni Hestia.

"Let me take a nap first. Just wake me up when the Jet arrived." Hestia yawned and crawled up on the bed.

"Okay, babe. Ako nang bahala dito." Sagot ko naman at hinayaan na siyang matulog.

Lumabas muna ako ng kwarto upang mag timpla ng kape sa kusina. Habang nagtitimpla ay naalala ko kung paano umamin si Hestia na gusto niya ako.

A smile crept on my face on that day. Dalawang araw na ang nakakalipas but we didn't have the chance to talk about it yet dahil sobrang busy niya and work demanded her so I let her be muna.

We haven't established what's between us or kung ano na ang status ng relasyon naming dalawa. Sa mga nakalipas na araw ay wala namang binanggit si Hestia tungkol dun. Sana naman ay hindi niya ito kinalimutan, o baka naman nagsisisi na siya sa mga nangyari?

But I doubt that. Simula nung araw na yun mas naging malapit kami ni Hestia. Naging komportable kami sa isa't isa. I think we're still on the getting to know stage.

Two weeks ago walang kasiguraduhan ang mapapala ko sa plano kong pagsunod sakanya dito sa Vegas. Two weeks ago, if someone would tell me that Hestia likes me, I would've knock the fuck out of them for lying.

But now, wow! Talagang nasa side ko ang tadhana.

At dahil wala akong magawa ay napag desisyonan kong manood na lang muna ng netflix sa sala. Sayang naman kasi ang pagka laki-laking TV ni Hestia kung hindi magagamit.

An hour later...

I was enjoying the movie when my phone vibrates out of my pocket. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

Hestia, 10:35am

Where are you?

I chuckled saka nag reply sakanya.

Cloud, 10:36am

Downstairs. Miss me?

Hestia, 10:36am

Come up here.

Tumayo na ako at pinatay ang TV saka pumanhik sa taas.

Love After RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon