15

232 10 1
                                    

"Bumaba rin naman sila agad. Tang ina, 'kala ko sa 'kin pupunta, e!" pagmamaktol ko. 

Bakit kasi sila umalis agad? Kung 'di sila umalis agad, edi sana nabigay ko na 'tong corndog na binili ko sa canteen. Para kasing baliw, e. Nag-liptint lang ako tapos paglabas ko ng room, wala na sila!

"Ay baka may pinuntahan siya rito, beh," sabi ni Denise dahilan nang pag-irap ko.

"Iyak ako niyan, Dens. Huwag mo na ituloy sasabihin mo, please," saad ko dahilan nang pagtawa nila.

Alam nilang tatlo na crush na crush ko si Owen. Palagi ko kasi siyang nakakasalubong 'tsaka sumali siya ng quiz bee no'ng Science month. Sobrang galing niya that time. Ang tali-talino niya tapos kapag nagpapaliwanag siya ng sagot niya, ang sexy no'n para sa 'kin.

Ewan ko pero attractive talaga kapag matalino 'yong isang lalaki. Maraming matalino rito sa school pero kay Owen ako kasi na-th-thrill ako sa kaniya. Na-cha-challenge ako every time na nagsusungit siya sa 'kin. Actually, siya nga 'yong dahilan kung bakit may spice itong shs life ko. Kung 'di ko siya siguro napanood no'ng quiz bee and kung hindi ko siya palaging nakakasalubong, siguro boring palagi sa tuwing pumapasok ako.

Ang hirap kaya magka-crush ngayon, 'no!

"Ay, 'di ba, we will play badminthon later? After class, 'no? What time ba?" tanong ni Seya.

"Tambay muna tayo sa inyo tapos mag-badminthon tayo kapag hindi na masyadong mainit," pagsa-suggest ko na sinang-ayunan naman nilang tatlo.

"'Di manonood si Owen?" tanong ni Bel. Pucha, alam niya namang hindi, e! Nang-aasar lang.

"Hindi," sabi ko at saka ako napabuntonghininga. "Pero baka 'pag binigay ko 'tong corndog sa kaniya, pumayag siya," dagdag ko dahilan nang pag-face palm ni Bel.

golden hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon