87

161 8 0
                                    

I looked at her as she laughs with her friends. I'm sure that they're celebrating right now because they win. To be honest, ang galing-galing niya kanina kasi tinambakan nila ni Bel 'yong mga STEM pati TVL. Bihira lang kanina na hindi niya masalo 'yong shuttlecock kasi medyo malakas ang hangin. Nakakatawa lang kasi hindi na 'ko nakapanood ng game nina Dom kasi nag-stay ako sa pwesto ko para panoorin si Rio. Pakiramdam ko kasi may mawawala 'pag hindi ko tinapos 'yong panonood ko.

"Wala na, pre. Gusto niya na rin si Rio," sabi ni Dom kaya tingilan ko na ang pagtitig ko kay Rio. "Ide-deny mo na naman na hindi mo gusto, e halata naman. Par, lumalambot na puso mo kay Rio."

Hindi ko na nagawang makatanggi sa sinasabi ni Dom. Kung tutuusin, bago 'tong nararamdaman ko. The adrenaline rush every time I see her, the butterflies whenever she smiles, the warmth feeling every time we are talking — that feeling is new to me.

I've never felt this way before. 

golden hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon