Walang nagbalak na magsalita sa amin habang naglalakad pauwi. Siya ang nagsasabi sa akin kung saan ang daan pauwi sa kanila kasi sinabi ko sa kaniya kanina na ihahatid ko muna siya sa kanila bago ako umuwi.
"Dito na 'yong bahay namin. Thank you sa paghatid," sabi niya no'ng tumigil na kami maglakad.
"Layo ng bahay mo," sabi ko habang lumilinga sa paligid. Gusto kong itatak sa isip ko 'yong mga dinaanan namin para pwede ko siya ihatid at sunduin.
"Sinabi ko bang ihatid mo 'ko?" wika niya na may bahid ng pagtataray.
"Hindi."
"Hindi naman pala, e! Dapat kasi 'di mo na 'ko sinamahan pauwi. Malayo talaga -"
"Malayo bahay mo pero 'di ko naman sinabi na nahihirapan ako," pagputol ko sa sinasabi niya. "Sabay ulit tayo uwi bukas,"
Her face lit up when I said that. I stared at her as I wait for her answer. Nakatingin lang siya ngayon sa akin, parang nagdududa pa sa sinabi ko.
"Ano?" I laughed a bit. "Sabay tayo bukas?"
Tumango siya at saka umiwas ng tingin. But I didn't. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang nag-uusap kami. Tumitingin din naman siya sa akin pero saglit lang pagkatapos no'n ay iiwas na agad siya. So I gently held her chin so that our gazes would met.
"'Pag nag-uusap tayo tumingin ka sa mga mata ko," wika ko sa malumanay na paraan.
Hindi siya nakapagsalita sa ginawa ko. Nakatingin lang siya ngayon sa akin, hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. Habang ako naman ay nakatingin lang din sa mga mata niya.
That hazel brown eyes were really captivating. Mas lalong nadedepina 'yon dahil tumatama sa kaniya ang sinag ng araw. The wind softly blows her hair so I tucked them behind her ear.
"Ganda ng mata mo," bulong ko.

BINABASA MO ANG
golden hour
Teen Fictionnakikita ni rio si owen as a challenge kaya kahit i-reject siya nang paulit-ulit ni owen ay patuloy niya pa rin itong hahabulin. what if mag-catch ng feelings si owen? paninindigan ba ni rio ang nararamdaman nito? ••• an epistolary. ynamoreata, 2022