rio na hindi bird @riovlsqz • 5s
breakdown saglit, bad bitch na ulit
***
"Saan tayo mamaya? Tapos na reporting namin sa KomPa so free na 'ko," sabi ko sa kanilang tatlo.
"Daan muna tayo Alfamart kasi bibili us ice-cream. Movie marathon tayo sa bahay," suggest ni Seya. Um-agree naman kaming lahat sa sinabi niya kasi wala naman kaming gagawin mamaya. "Pupunta ba tayo ng third floor, Rio?" tanong ni Seya.
"Syempre! Kulang ang araw ko 'pag 'di ko nakita si Weno,"
"Ano bang nakita mo sa lalaking 'yon at head-over-heels ka sa kaniya?" tanong ni Bel sa akin.
Inayos ko ang upo ko habang siya naman ay nag-cross arms sa akin na para bang naghahamon siya ng away.
"Guys, alam niyo naman na sa ating lahat, ako ang pinakamagaling pumili ng lalaki," pagmamayabang ko. Totoo naman 'yon, e, kaya nga wala akong teenage mistake na tinatawag. "Matalino si Owen and sobrang attractive sa lalaki kapag matalino. Black cat energy si gago! E gusto ko 'yon, pre, kasi golden retriever energy ko, e. Hindi mag-c-clash personality namin 'tsaka na-cha-challenge talaga ako pagdating sa kaniya," pagkukuwento ko.
"'Yon lang?"
"Gwapo siya, teh. May dugong Kastila si Owen, 'di ba? 'Yong Mama niya ata Spanish tapos Papa niya Filipino kaya gano'n facial features niya. Tang ina, lakas ng appeal niya. Sa kanilang lahat, si Owen ang pinaka-attractive plus politically-aware rin siya,"
Ewan ko rin ba sa sarili ko pero happy crush ko talaga si Owen. Hindi nabubuo araw ko 'pag hindi ko siya nabubwisit. In short, I love chasing him. And Owen hates me for chasing him.
Pero dahil do'n kaya mas nacha-challenge ako. The more he resist, the more na maghahabol ako.

BINABASA MO ANG
golden hour
Teen Fictionnakikita ni rio si owen as a challenge kaya kahit i-reject siya nang paulit-ulit ni owen ay patuloy niya pa rin itong hahabulin. what if mag-catch ng feelings si owen? paninindigan ba ni rio ang nararamdaman nito? ••• an epistolary. ynamoreata, 2022