Hindi ko natagalan ang ginagawa sa akin ni Lola kaya naglayas ako. Hindi naman sila mag-aalala sa akin kaya hindi rin ako masyadong nahirapan sa pag-alis. Ang inisip ko na lang ay makakalaya na 'ko sa ginagawa nila sa akin.
Sa ngayon ay nakatira ako rito sa bahay ni Seya. Dito muna ako tumuloy kasi hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kilala 'yong iba naming kamag-anak kasi hindi naman sila nababanggit sa akin nina Mama noon.
"Mag-stay ka lang dito hanggang kailan mo gusto. Welcome ka naman dito, e," sabi sa akin ni Seya at umiling lang ako.
"Nakakahiya. Mga isang linggo lang siguro ako rito kasi hahanap ako ng bed space gano'n. Hahanap din ako ng trabaho para makatulong din ako rito kay Tito."
"Hay nako, Rio. Basta dumito ka na muna kasi malaki naman 'tong bahay. Wala ring kapatid 'tong si Seya kaya okay lang na mag-stay ka muna rito. Kung gusto mo ng trabaho, e rito ka na lang sa 'kin. 'Yong kakilala ko, kailangan ng cashier sa ukay-ukay nila. Gusto mo ilakad kita roon?" Ngumiti si Tito Jim sa akin noong sinabi niya ang mga salitang 'yon. 'Di ko na rin mapigilang maluha dahil sa kabaitan na pinapakita nila sa akin.
"Salamat po... Promise po tutulong ako sa inyo rito! 'Di po ako magiging pabigat," sambit ko saka ko itinaas ang kanang kamay ko. Natawa na lang si Tito Jim sa akin ganoon din si Seya.
BINABASA MO ANG
golden hour
Teen Fictionnakikita ni rio si owen as a challenge kaya kahit i-reject siya nang paulit-ulit ni owen ay patuloy niya pa rin itong hahabulin. what if mag-catch ng feelings si owen? paninindigan ba ni rio ang nararamdaman nito? ••• an epistolary. ynamoreata, 2022