"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na linisin mo 'to?! Bakit hindi mo pa rin nagagawa?"
Yumuko na lamang ako at hindi na sumagot pa. Pinapalinis kasi ni Lola 'yong kwarto niya pero hindi ko nagawa kasi naglinis pa 'ko ng cr tapos nag-review ako para sa long quiz namin bukas. 'Di ko sinasadya na mawala sa isip ko 'yong pinapagawa niya kasi sobrang dami ko ring iniisip.
Pero 'di ko naman pwedeng idahilan 'yon... Sa paningin niya kasi, siya palagi ang tama kaya kahit ipagsigawan ko ang dahilan ko, mananatiling sarado ang isip niya. Hinding-hindi niya 'ko papakinggan.
"Lilinisin ko na po..." mahina kong sabi.
Mabilis kong pinalis ang mga luha na tumulo. Simula talaga no'ng tumira kami ni Mama rito, halos bumaliktad ang mundo ko. Akala ko malala na 'yong nararanasan ko sa bahay pero may lalala pa pala. Akala ko 'pag nandito kami ni Mama sa bahay ni Lola ay magiging maayos na lahat pero hindi pa rin pala.
Siguro kay Mama ay ayos na sa kaniya ang ganitong set-up namin pero paano naman ako?
Paano ako...
Noong umalis na si Lola sa harap ko ay agad ko nang nilinis ang kwarto niya. Baka kasi 'pag hindi ko pa 'to nalinis ay ikukulong niya na naman ako sa aparador gaya ng ginawa niya kahapon.
Bumuntonghininga ako, pilit na kinakalma ang sarili.
"Matatapos din 'to, Rio. Matatapos din 'to, ha? Laban lang... Kapit lang." I reminded myself.
BINABASA MO ANG
golden hour
Teen Fictionnakikita ni rio si owen as a challenge kaya kahit i-reject siya nang paulit-ulit ni owen ay patuloy niya pa rin itong hahabulin. what if mag-catch ng feelings si owen? paninindigan ba ni rio ang nararamdaman nito? ••• an epistolary. ynamoreata, 2022