122

146 3 0
                                    

Owen Gonzales is calling...

Accept | Decline


Agad kong in-accept ang tawag ni Owen para ipaliwanag na wrong send 'yon. Tang ina naman kasi, e. Sa lahat ba naman ng pwede akong ma-wrong send, sa kaniya pa talaga. 'Buti sana kung 'I love you' 'yong na-send ko, edi okay lang na hindi ako mag-explain kasi love ko naman talaga siya. 

Pero hindi naman kasi ily 'yon! Problema ko sa buhay 'yong na-send ko.

"Wrong send 'yon, lods, sorry," 

"[What happened? Anong ginawa sa 'yo ng Lola mo?]" he softly asked. 

Natigilan ako sa tanong niyang 'yon. Wala siyang pakialam kung kanino ko dapat sinend 'yong message kasi mas pinagtuunan niya ng pansin 'yong rant ko. 

Wala na mapapa-open up na 'ko rito. Ang hirap kaya magsinungaling sa kaniya.

"Mahabang kwento , e —"

"[Edi ikuwento mo. Makikinig ako,]"

"Naalala mo no'ng hinatid mo 'ko sa bahay? That day, lumipat kami kina Lola kasi 'yon ang sabi ni Mama. Pagkalipat namin do'n, akala ko magiging okay na kasi hiwalay na si Mama at Papa, e. Wala na 'kong maririnig na bangayan pero hindi pala," panimula ko.

Hindi ko alam kung paano ko ipu-put into words 'yong mga naranasan ko sa bahay ni Lola kasi halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap kasi sabihin kasi every time na ikukuwento ko, hindi ko mapigilang umiyak. 

"Pinabayaan ako ni Mama kay Lola. Tang ina, parang 'di niya 'ko anak. Wala siyang pakialam kung ano 'yong ginagawa sa 'kin ni Lola. Pucha, inaalipin 'yong anak niya pero wala siyang pakialam. Sinubukan kong sabihin kay Mama na gano'n nga 'yong ginagawa sa 'kin ni Lola pero ang sabi niya lang 'Hayaan mo na, Rio. Sumunod ka na lang sa Lola mo'. Gago, kinukulong na anak niya sa aparador tapos gano'n lang sasabihin niya?" Pinalis ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Pucha, Rio, huwag kang iiyak. Huwag kang iiyak.

"Feel ko mag-isa ako that time kasi mismong magulang ko hindi ako pinapakinggan, e. Sobrang bigat, Owen, kaya pinili kong sarilinin 'to. Ayokong mag-open up sa mga kaibigan ko kasi baka makadagdag lang ako sa mga problema nila,"

"[Kaya ka pala biglang nawala,]"

I laughed bitterly. "Ghinost ko kayong lahat kasi gusto ko talaga munang mapag-isa. Kaya sorry. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo nang maayos."

"[You don't have to say sorry, Rio. I understand why you did that. I really do so stop saying sorry, okay? Wala kang kasalanan, okay?]" malumanay na sabi ni Owen.

golden hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon