101

192 4 3
                                    

Rio didn't bother to reply to the messages that I've sent to her email. Hindi lang isang email ang sinend ko sa kaniya. Sobrang dami no'n hanggang sa matapos ang second sem. Ni isang email ko, hindi niya ni-reply-an kaya hindi ko alam kung nabasa niya ba 'yon o hindi. Kapag sa school naman, wala rin pansinan. Ilang beses kong tinry na i-approach siya pero hindi niya 'ko pinapansin. 

Kaya tumigil na rin ako kasi baka nakukulitan na siya sa akin. Pero minsan nami-miss ko siya. Nakakapanibago nga, e, kasi nami-miss ko siya sa tuwing sobrang daming tao sa paligid, nagkakasiyahan lahat, 'yong tipong walang problema.

Doon ko nami-miss 'yong presence niya.

Napapatanong din ako minsan kung bakit siya biglang hindi nagparamdam. Kung dati, pakiramdam ko ang lapit-lapit namin ng pagitan namin sa isa't-isa, ngayon kahit magkatabi, iba na 'yong pakiramdam.

Parang ang layo niya na.

Kasalukuyan kong ginagawa ang assignments ko nang biglang pumasok si Mama sa kwarto. 

"Owen, 'yong Papa mo..." nag-aalalang sabi ni Mama kaya dali-dali akong tumayo at saka lumabas ng kwarto.

golden hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon