25

213 9 1
                                    

"Ano, iiwan mo na naman kami?! Putang ina, huwag mo 'kong tinatalikuran. Kinakausap pa kita,"

Kinuha ko ang headphones ko sa drawer at saka sinaksak ang dulo nito sa phone ko. Sinagad ko 'yong volume ng music na pinapakinggan ko para hindi ko na marinig ang away nina Mama't Papa. 

Nakakarindi na kasi. Palagi na lang ganito. Hindi yata lumilipas ang isang araw na hindi sila nagbabangayan. Palagi na lang sila nag-aaway. Mabuti nga wala akong kapatid kasi kung mayroon, hindi ko alam kung paano ko siya ilalayo sa ganitong klaseng pamilya.

Palaging nag-aaway. Palaging sumisigaw. Palaging nagbabasagan ng mga gamit... Tang ina, paano kaya nila nakakakaya 'yon? Rinig ng anak nila 'yong ginagawa nila tapos parang 'di man lang sila aware roon.

Our parents should be a good role model to us. Sila dapat ang nilo-look up natin pero bakit ganito? Bakit kung kailan sila tumanda, roon pa sila umaakto na parang mga bata? 

"Kung 'di sa pera nag-aaway, sa babae." I laughed bitterly as I said that. 

Unang away ata nila na hanggang ngayon ay tanda ko pa, siguro no'ng seven years old pa lang ako. Ganitong-ganito 'yong nangyayari, e. Nagliligpit ng gamit si Papa, umiiyak si Mama at sumisigaw tapos si Papa parang desidido na umalis. Ilang linggo ang lumipas, bumalik si Papa sa amin na parang walang nangyari. Tinanggap pa rin siya ni Mama kahit 'yong dahilan ng pag-alis no'n ni Papa ay dahil sa kabit niya.

"Sawang-sawa na 'ko, tang ina! Ayoko na, Jess," rinig kong sabi ni Papa.

Mabilis kong pinalis ang mga luha ko no'ng marinig kong sinabi 'yon ni Papa. Ilang beses niya na rin namang sinabi 'yan pero bumabalik pa rin siya rito sa bahay. Hindi nga lang ako o si Mama ang dahilan kung bakit siya bumabalik.

Ewan ko rin kung bakit. Libreng kuryente? Libreng tubig? O dahil iniwan na siya ng kabit niya? O baka wala na siyang pera kaya siya bumabalik.

Bahagya kong sinilip si Papa sa may bintana ng kwarto ko. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng helmet, halatang paalis na kasi dala-dala niya na 'yong bag niya. Napansin niya rin siguro na may tumitingin sa kaniya kaya tumingin siya paitaas at doon nagtama ang mga tingin namin.

Hindi rin nagtagal ang tingin ni Papa sa akin dahil siya na mismo ang umiwas ng tingin at pagkatapos no'n ay saka niya na pinaharurot paalis 'yong motor niya.

Sanay naman na 'kong ganito silang dalawa ni Mama. Away-bati, away-bati. Pero nasasaktan pa rin ako kasi ang tagal ng gano'n 'yong sistema nila pero 'di nila magawang ayusin. Kung sawa na sila sa isa't-isa, then let go. Hindi na pagmamahal 'yang ginagawa nila, e. Ka-toxic-an na 'yan. 

golden hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon