88

209 11 1
                                    

No'ng tumayo na sila Rio sa table nila ay niligpit ko na rin ang mga gamit ko. Gusto ko sanang sumabay sa kaniya sa pag-uwi. Kung okay lang naman sa kaniya.

"Uy, hi! Tapos na kayo kumain?" sabi niya no'ng makalapit ako sa kaniya.

"Uuwi ka na ba?" tanong ko at tumango lang siya.

"Bakit?"

"Sabay na tayo." I said before I held her hand and intertwined our fingers. 

Hindi ko binitawan ang kamay niya habang naglalakad kami. Hindi rin siya nagsasalita, siguro iniisip niya pa rin kung bakit ko hawak ang kamay niya ngayon. Kung itatanong niya sa 'kin 'yan ngayon ay hindi ko rin alam ang isasagot ko. 

Gusto ko lang na hawak ang kamay niya. Sapat naman ng dahilan 'yon, 'di ba?

Natigil siya sa paglalakad kaya natigil rin ako. Bumitaw siya sa hawak ko dahil pumunta siya roon sa mga bata na nakaupo sa gilid ng kalye. No'ng makalapit siya sa mga bata ay saka niya binuksan ang bag niya para kunin ang tatlong sandwich. Um-order siya kanina niyan, e, pero 'di niya kinain.

Para pala sa kanila 'yon.

My heart melts when she gave them food and pats their head. Ito na naman 'yong warm feeling na siya lang ang nakakapagparamdam sa akin. 'Yong warm feeling na sa kaniya ko lang matatagpuan.

Tinanggap ng mga bata 'yong sandwiches at saka kinain ang mga 'yon. Saglit na pinanood ni Rio 'yong mga bata na kumain bago siya magpaalam sa kanila. Nagpasalamat pa 'yong mga bata kay Rio habang si Rio ay ngumiti lang sa kanila at sinabing ubusin daw nila 'yong sandwiches kasi masarap daw.

So this is the other side of Rio. This Rio in front of me is different from my assumptions. Nakakalungkot lang kasi hindi ko hinayaan 'yong sarili ko na makilala 'yong ganitong side niya. Nag-stuck lang ako dati sa side na maingay at nakakairita siya pero ngayon ay hindi na. 

I am now willing to get to know her more.

golden hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon