59

173 8 5
                                    

Owen Gonzales

9:45 AM

Owen
san ka

Rio
room puh

bkit

Owen
labas ka

Napatayo agad ako nang mabasa ko ang reply ni Owen. Dali-dali akong lumabas ng room kahit hindi pa 'ko tapos sa kinakain ko. Para kasing baliw 'tong baby ko, e. Daming paandar. 

Nang makalabas ako ng classroom, nakita ko siya na nakatayo sa may gilid habang ang kaniyang dalawang kamay ay nakatago sa kaniyang bulsa. Mabilis ang pintig ng puso ko habang papalapit ako sa kaniya. Feel ko 'pag nagsalita ako, mauutal lang ako dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Hey." Napaayos siya ng kaniyang tayo nang makita niya 'ko. May kinuha siya sa bulsa niya at saka niya ito inilahad sa akin. "Para sa 'yo. That's your price,"

Lumawak ang ngiti ko nang makita ko 'yong price na tinutukoy niya. Dalawang Hershey's chocolate 'yon tapos may naka-attach pang note. Tinanggap ko 'yong Hershey's 'tsaka ko binasa 'yong note na nakalagay.

congrats. you did a great job.

- owen

"Thank you sa pagtuturo sa 'kin. If 'di mo 'ko tinuruan baka nalito-lito na 'ko sa quiz," sabi ko sa kaniya.

"You're welcome."

"Pero... ayoko 'tong binigay mo, e," wika ko at nagpanggap pa na nalulungkot sa binigay niya.

"Ano bang gusto mo?" 

"Kiss." I said, laughing.

Napakamot siya sa batok niya at saka napailing. Mas lalo akong natatawa kasi pinipigilan niya 'yong sarili niyang ngumiti. Pero parang may sariling buhay 'yong mga labi niya kasi kusa itong ngumingiti. 

"I'm sorry but we can't kiss here. Madaming nakatingin," sambit niya na ikinagulat ko.

Ha?

golden hourTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon