Medyo naging busy ako noong mga nakaraang araw dahil puspusan kaming nagpa-practice ni Bel para sa Intrams. Hindi naman na 'ko kabado para ro'n kasi junior high pa lang ako ay sumasali na talaga ako sa mga ganito. Kaya 'pag papalapit na ang Intrams, alam na nina Ate Miles na sasali't sasali talaga ako at wala silang magagawa.
Basketball game at cheerdance ang gaganapin mamaya. Second day pa ang laban namin kaya sa ngayon ay nanonood lang ako ng game nina Tres. Childhood friend ko si Tres na ngayon ay ka-fling yata ni Denise. Ewan ko ba sa dalawang 'yon. Laging dine-deny 'yong relationship nila pero halata naman na may something na. Hindi na lang din namin pinapangunahan si Dens kasi magsasabi naman 'yan 'pag ready na.
"Galing ni Tres, gago. Ngayon na lang ulit 'yan naglaro ng bball, e," wika ko no'ng sunod-sunod na naka-three points si Tres.
"Ki-kiss ko 'yan mamaya," sabi ni Dens habang busy pa rin sa pagre-record kay Tres.
"Sana si Owen din i-kiss ako 'pag sunod-sunod points ko. Hay." I stated in a joking way.
"Isa pang ganiyan mo, hahalikan na talaga kita." someone stated.
Napalingon ako no'ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi lang 'yon pamilyar! Alam kong siya 'yon. At lalo ko lang napatunayan na siya nga 'yon noong nagtama na ang mga tingin namin.
Nilalamon na 'ko ng hiya ngayon pero minanage ko pa rin na magmukhang malakas ang loob ko sa harap niya. Pero tuluyan ako bumigay no'ng ngumisi siya.
Ang gwapo, amputa. Hihimlay na 'ko, Lord, please lang.
Hindi na 'ko nakasagot sa kaniya dahil hindi ko ma-process nang mabuti ang sasabihin ko. 'Di ko alam kung magpapatutsada ulit ako na i-kiss niya 'ko o tatarayan ko siya kasi tunog mayabang siya para sa 'kin no'ng sinabi niya 'yon — 'di ko alam!
"What if huwag kang puro salita?" I confidently said.
Tang ina, Owen, nagbibiro lang ako. Huwag mo seryosohin, please, pero kung seseryosohin mo 'yong sinabi ko, sa labas ng school tayo mag-kiss. Eme.
Hindi siya nakasagot at napailing na lang habang pinipigilang tumawa. Hinintay ko pa 'yong sagot niya pero tinawag na siya ng mga kaibigan niya kaya umalis na rin siya agad. Noong nakaalis na siya, halos 'di matigil kakatili si Bel habang si Dens ay pinapalo ako tapos si Seya naman ay napatakip lang sa kaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
golden hour
Teen Fictionnakikita ni rio si owen as a challenge kaya kahit i-reject siya nang paulit-ulit ni owen ay patuloy niya pa rin itong hahabulin. what if mag-catch ng feelings si owen? paninindigan ba ni rio ang nararamdaman nito? ••• an epistolary. ynamoreata, 2022