Chapter 21~

7 1 0
                                    

Sumakay agad kami sa kotse niya para hindi mainip ang mga naghihintay sa amin. Pero gusto ko talagang iopen yung topic tungkol sa course ko.. Haayy.. Kung bakit naman kasi may ilang pa rin ako sa pagsasabi ng problema sa kanya e.

Tumingin na lang ako sa labas at pinagmasdan ang mga naglalakihang buildings sa lugar.

"Michelle? May problema ka ba?" - tanong niya sabay hawak sa kamay ko.

"Uhh. Yuan. Wag ka magagalit ha?" - tumango siya.

"Diba, kapag masaya ka, wag mong hayaan na mawala yung bagay na yun. O kaya dapat, magsikap ka para abutin yung nagpapasaya sa iyo. Yuan -- pwede ba na-?"

"Bawal tayo maghiwalay ha" - halata sa mata niya ang pag aalala. i nodded. Aba! Sino ba na may gusto hiwalayan 'to e nasa kanya na ang lahat.

"Kasi Yuan, gusto ko magshift ng course...." - napatingin siya. Good thing traffic ngayon.

"Baket? May iba ka na bang gusto? Ayaw mo na bang magkasama tayo ha?" -

"It's not that, babe. Kasi ganito yon. Narealize ko nga na kapag gusto mo, pagsikapan mo. And noon pa lang, bata pa lang ako, gustong gusto ko na maging isang Chef. So, i will ask you, babe. Anong desisyon mo? Okay lang ba na magshift ako?" - hindi siya sumagot at pinaspasan niya ang pagpapatakbo sa kotse niya since nawala na ang traffic.

Tumingin na lang ulit ako sa bintana. Haays. Gusto ko talaga :((

-*-
Polyesha's P.O.V ~

"Goodevening guyyss! Ano? Tara na kumain. Nagugutom na ko. Nagluto na naman kami ng ulam at nagsaing na rin." - sabi ni Jeron ng pumasok ang loveteam pero parang may kakaiba? Para bang malungkot yung mata nila parehas? Baka mamaya, magsabi din.

"Let's eat na! Tapos after this, let's make a graham girls. Boys, ayusin niyo na lang 'yung Player ha? Alam na ni Yuan yun." - maingay talaga kaming kumaen at sinerve na rin ni Kendrah ang Coffee Jelly na ginawa ni Mommy niya. Mukha nga talagang may War na namamagitan sa kanila dahil hindi tumabi si Yuan kay Michelle. At tahimik rin si Yuan Sana maayos 'to.

Tinapos na naman namin ang pagkain. At nag ayos si Lianne ng ilang scenes dahil mayroon daw pala doon na scene na sa bahay ishu-shoot at pwede na gawin ngayon para di maaksaya ang oras.

"Girls! Oo nga pala. E kasi, nag usap kami kanina ni Yuan. I said if i could change my course and he didn't answer me even a single word like why? Di na niya ako pinansin after that tapos pinaspasan na niya yung patakbo sa sasakyan niya." -so ayun pala. Ioopen ko nga 'to mamaya para may thrill ang overnight namin.

"Later, you'll see what will happen. Just wait, Michelle." - sabi ni Jeron at saka inayos na namin ang mga lagayan.

Tinapos namin ang paggawa ng Graham at Graham Balls ng may mga gatas sa katawan maging mukha. Ikaw ba naman ang makasama ang makukulit? Jeron, Ken and Mich? Happiness! :))

Naghalf-bath naman kami para naman fresh na rin. Tsaka kami dumiretso sa kwarto ni Michelle na as expected, may isang queen size bed na nasa tabi ng bintana. Sa sobrang laki ng kwarto niya, Comfort room, T.V set and DvD Players lang ang laman. Even her closets are not here.

"So guys, before tayo manood ng movie e can we talk? We brought drinks na rin sa baba and chips. I just want to clear out something since alam ko na mangyayari din 'to sooner, gawin na natin ngayon. Open forum na. Let's make a circle. Let's not include someone who is outside the round. Tayu-tayo lang." - sana sa idea namin ni Jeron na ito, maayos sila Yuan at Mich.

"Start now. Message ng Girls to boys and Boys to Girls. Sayo tayo magstart Polyesha." - tinapik ko sa balikat si Jeron.

"Okay. Ang message na ito ay para sa -- teka?! Kaasar ka Jeron ah. Kanino ko magmemessage?! Aayy. Sige. Sa inyong lahat. Uhhm. Boys. Gusto ko sana na malaman niyo na hayaan niyo kaming babae na maging masaya sa mga desisyon namin. Maging masaya kayo sa kung anong gusto namin. Kase nahihirapan din naman kaming mag adjust. Pero wait, let's change the game. Pwede bang ang issue natin ay tungkol sa courses?" - tumingin ako kay Michelle. Napatingin din siya sa akin at nginitian ko siya. Oh well, para sayo 'to :)))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon