Chapter 15:

1 0 0
                                    

Schnieder's P.O.V

   Nasa shower room ako ngayon kasama ang mga ka'teammates ko. Nagpractice kasi kami ng maaga kahit sobrang puyat na ako. May laro pala kami. Pero 3weeks after pa yun. Di ko nga alam sa coach namin kung bat pinagpractice niya kami ngayon. Akala ko pa naman mamaya pang hapon.

   "Oy Francis, bat ampangit ng laro mo kanina?" sita ng kateam mate kong si John.

   "Kasi pre, namomroblema kasi ako sa gf ko. Nag'iisip ako ng magandang regalo sa debut niya. 2 days nalang kasi.." -- Francis.

   "Hay naku, babae nga naman. Ang hirap hulaan kung anong gusto nila. Speaking of girlfriend, may girlfriend pala tong si Nathan eh!" ani ni Paul.

   Kumunot ang noo ko. Girlfriend??

   "Kamusta na kayo ng girlfriend mong si Abby?" patuloy ni Paul.

   Ah.. Si Abby.. "Nasa New York siya ngayon. She said she needs space. Kaya yun, hinayaan ko nalang."

   "Ha? Needs space? Bakit?" -- Ryan.

   "Eh kasi nga nasaktan ko siya. She said she loves me but I told her na friendship lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya. Naiintindihan naman daw niya.Kaya siya pumunta sa N.Y para madali daw siyang makapag'move-on." I explained.

   "So di naging kayo??!" -- sabay-sabay nilang sabi.

   "Hindi. Siya lang talaga 'tong masyadong clingy kaya lahat nang makakita samin mag'aakala talagang mag'syota kami."

   Which is true. Kahit si Nathan alam ang tungkol dun. Matagal ko ng kaibigan si Abby, actually mag'bestfriends nga kami. Kaya kahit na clingy siya sakin ay parang sanay na rin ako. Kumportable naman ako sa kanya eh. And besides, clingy rin naman siya kay Nathan eh.

   "May mahal ka ata eh! Hahaha.." -- Ryan.

   Napangiti. I guess mahal ko nga.. Pero masyado pang maaga para sabihing mahal ko na siya.

   "Ngiting pagmamahal oh! Hahaha.. Umamin kana kasi sa kanya. Sigi ka, baka maunahan kapa." -- John.

   "Maybe in the right time. Sige mga par. Alis na ako. I need to catch up my sleep. Onti lang kasi ang tulog ko." dinampot ko na yung bag ko umalis.

   Napangiti ako. Naalala ko kasi siya. At napadaan ako sa library namin. Di ko alam kung anong nagtulak sakin para sumilip. Kaya sumilip ako.

.

.

.

.

.

   Si Ash ba yun? Anlayo ng iniisip ah. Maistorbo nga.

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon