Chapter 13 - Unforgettable Night

13 0 0
                                    

Nhelyn's P.O.V

   " Oy,Alien!Salamat sa paghatid. " pasalamat ko kay Nathan,hinatid niya kasi ako sa bahay.Si Hashley naman ay hinatid na ni Snieder.Tinignan ko ang time sa phone ko, it's 2 o'clock in the morning. " Geh, pasok na ako.Uwi ka na din. "

     Tinignan ko siya, walang ka-emo emosyon ang mukha niya. " Oy! " tawag ko.Ngumiti lang ang alien. " Argh, ok!! I'm going,wala naman akong paki-alam sa'yo kung magiging ganyan kana forever.Mabuti na nga 'yun para wala nang mangungulit sakin,feeling ko kasi nagkaka-wrinkles ako dahil sa'yo.Tsss.. " agad akong tumalikod pero bat ayaw ng mga paa kung umalis sa kinatatayuan ko?

  ' Wala ba diyang goodnight? o goodnight.....KISS? ' ani ng utak ko.

  ' Tanga!Batukan kaya kita diyan! ' bulyaw ko sautak ko.

  ' Sige!Batukan mo?Ikaw lang naman ang masasaktan,hindi ako nuh? '  sagot ni UTAK.

  ' Ay? Oo nga nuh? ' sagot ko.

  ' Ay TANGA!! ' - - utak.

  ' Hmppt! '

   " Uhmm.. Nhel? "

     At sa wakas,nagsalita siya.Na... n-n-nagsalita siya, at eto naman si paa ang bilis makalingon.Hoy paa, wag kang magmadali!Hindi ba pwedeng slow-mo ang pag-harap? " Ano? " malamig kong sagot.

   " May ibubulong lang ako sa'yo. " sagot ni Nathan.

   " At ano namang kalukohan 'yan? Ikaw Nathan ah.. " babala ko sa kanya.

   " Hindi,may ibubulong lang ako. " kampante niyang sagot ahh.

     Bahala na! Lumapit ako sa kanya, lumapit din siya sakin. At - at.. He kissed me!!!!!!!!!

  ' Sa cheeks nga lang, ' singit ng utak ko.

     Di na ako nakapag-react dahil tumakbo na siya papunta sa sasakyan niya.

   " Goodnight " bati niya sakin.

     Pero bakit may halong sincerity? Obvious naman sa sinabi niya. Pinanood ko nalang siya sumakay sa sasakyan niya at umalis.At isa pang nakaka-intriga, bat ako kinikilig?Fe-feeling ko, ang haba - haba - haba - habaaaaaaaaaaaa!!!!! ng hair ko.

   " EhhEEEMMM!!! "

   " Eheem? I'm having a moment, " sagot ko kung sino man yung nagsalita.

   " AHHHHHNIEEE!! " sigaw ng - ng - lolo ko?

     Na-nandito siya? Kailan pa? Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. " Hi...po...lol-o "

   " Nakita ko 'yun. " sabi niya.

     Hindi na ako sumagot, lumapit nalang ako sa kanya at nag-bless. " Pasok na po tayo. "

     Inalalayan ko si lolo at saka kami pumasok, at nang maka-pasok kami ay pina-upo ko siya.

   " Ano kaba apo? Bata pa ako para alalayan mo, hindi ako matanda. " saway niya sakin.

     Bat ganun ang matanda? Sa tuwing tutulungan mo,magre-reklamo pa.Tapos sasabihin pang bata pa sila? Well, it's ok - ang cute nga eh.

  " Alam mo apo? Sa nakita ko kanina? Naalala ko ang kabataan ko. " kwento ni lolo.

     At nag-open pa siya ng topic? Akala ko magkaka-musatahan kami dito pero mukhang interesting 'to ahh.. Maka-kinig nga.

  " Nung una kong nakita ang lola mo.. Naku! Sobrang sungit!! Napaka-konserbatibo, pero kahit ganun siya minahal ko siya ng sobra.. "

     Ahhh.. Ang sweet ni lolo,kaya pala sila nagtagal ng 70 years sila ni lola. Yun nga lang, na-una si lola.

My FirstTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon