Hashley's POV
Nasa canteen ako ngayon at nasa napaka-akward na situation.Pano ba naman katabi ko si Snieder na katabi din ni Tati.Tapos nasa harap ko si Nhelyn na katabi din ni Nathan.Actually, 'pag nagsama ang dalawang "N" obvious mag-uumpisa na ang WW3.Tinignan ko si Tati, kung maka-subo kay Snieder ang wagas! Mga ilang minuto na ding nakalipas ng dumating si Nhelyn kasama ang tatlong ito. Syempre nagulat ako kasi ang paalam niya magsi-CR lang siya tapos nung bumalik may kasama na siya.
" Sige na Kuya Snayd. Say ahhhh... " sabi ni Tati na kanina pa pinipilit si Snieder na kainin ang mga sinusubo niya.
" Ahhh.. Kasi Tats... " - - Snieder.
" Di kumakain si bestfriend ng seafood especially 'yung hipon na nakapatong sa kutsara mo. " singit ni Nathan.
" Sayang.. Favorite ko kasi to.. " pabulong na sabi ni Tati. " Pero kumakain ka naman siguro ng cake di'ba? Major favorite ko kasi 'yun." ^___^
" Hehehehe.. " ^___^ - - - -> -____- ( Snieder )
Tuloy pa rin ako sa kaka-kain ng spaghetti ko. Pero ni isa di nila ako pinansin.Invisible ba talaga ako sa kanilang apat? Wala ni isa sa kanila ang nag-lakas na kausapin man lang ako. Na - o - OP na talaga ako.
" So Nhelyn, nag-evolved kana pala. " - - Nathan.
" Evolved? Ano ako pokemon? Chickboy na mukha namang baboy. " - - Nhelyn.
" Baboy?!! Sa mukha kong 'to? Pano ako naging baboy, eh naging CRUSH mo ko? Daydreamer?!!! " - - Nathan.
" Ahbah-ahbah!!! Feeler ka din ano?!! " - - Nhelyn.
At ayun may namumu-o namang away. Nang tumingin ako sa tabi ko, si Tati tudo entertain din kay Snieder. " Uhhm.. Ga-guys? "
" Eh ano yung sa History Class? Gusto mong i-inform sa lahat? " sabi ni Nathan na naka-grin.
" Eto ba 'yung - - " sabi ko pero di na natuloy dahil umeksena si Nhelyn.
" So? Mamba-black mail ka? Sige i-try mo 'coz I'll be your worst nightmare! "
Nag-react din si Nathan dun pero tinatamad na akong makinig. Parang wala lang kasi ako sa kanila. Ayoko na ring ubusin ang spaghetti ko. Wala akong lugar dito.Nakaka-walang gana. Tapos tumayo ako at humakbang nang ilang steps,tapos lumingon ako sa kanila. 'Di parin nila ako napansin, hanggang umabot na ako sa pintuan ng canteen tapos tinanaw ko sila. " Di parin nila napansin.-___- "
Author's POV
Umalis na si Hashley at hindi pa rin nila napapansin. Si Tati at Snieder ay masayang nagku-kwentuhan. Si Nhelyn at Nathan naman ay busy sa kaka-away.
" Duh? Atleast ako may dreams. Eh ikaw? Puro chicks ang nasa utak mo. Palibhasa chickboy. Chickboy na alien! " - - Nhelyn.
" Ako ba ang sinasabihan mong alien? o yang sarili mo? " - - Nathan.
Tumayo si Nhelyn at nagbabantang suntukin si Nathan. " Puno na ako sa lalaking eto ahh. "
" Wag Ate Nhelyn. Bad yan!! " - - Tatiana.
" Di ko alam tomboy ka pala? " - - Nathan.
" Tumahimik ka Nathan kasi baka mawasak ko yang bibig mo!! " tapos hinarap naman niya si Tatiana. " At ikaw!! Ikaw babaeng ka!! Wag na wag mo kong ma-ate ate. Mas matanda ka saming lahat dito!! Kung hindi ka lang pinsan ni Hashley - nakuu!! "
" Mas matanda ka samin?!! " gulat na sabay sabi ni Nathan at Snieder.
" 18 na siya!! " sagot ni Nhelyn.
" ^___^ v .. " peace sign nalang ang sinagot ni Tati.
" Ahhh.. " - - Snieder at Nathan.
Hindi naman talahga halata na 18 na si Tati. Sa height pa lang niya mapag-kakamalan mo talagang high school. Pati sa ugali : IMMATURE.
" By the way where's Hashley? " tanong ni Snieder.
Tapos nagtinginan silang lahat, sabay tingin sa kina-uupuan ni Hashley. Wala na nga siya at naiwan na lang ay ang tira niyang spaghetti at chicken.
" Patay.. " bulong ni Nhelyn.Tapos tinignan niya ng masama si Nathan. " At ikaw ang may kasalanan!! "
At nag-away na naman silang dalawa. " Wait. Huwag nga kayong mag-away Nhelyn at Nathan. Para kayong bata na nag-aagawan ng candy. Sige alis muna ako. " sabi ni Snieder.
" San ka naman pupunta? Sama naman ako? " sabi ni Tati na naka-pout at naka-puppy eyes.
Napakamot naman si Snieder sa kanyang batok. " Ahh .. Sa CR? "
Tapos napatahimik si Tati atsaka biglang ngumiti. " Sige, sama din ako :)))) "
" Sa CR ng mga lalake?!!!!!! " sabay na sambit ni Snieder, Nathan at Nhelyn.
" Yup!! " masayang sagot ni Tati.
'Naka-drugs ba to o ano?' sabi ng kaloob-looban ni Snieder. 'Dude, HELP!! ' Tapos tinignan ni Snieder si Nathan at agad naman nitong nawari.
" Alam mo Tats, may nakita ako dun' na masarap na cake. Gusto mo libre kita? " yaya ni Nahan sa kay Tati.
" Ha? Ehh ... " tapos tinignan niya si Snieder. Yung disappointed na look? Tinignan niya din si Nathan. Hinarap niya si Snieder at saka ngumiti. " Next time na lang Kuya Snieder. Important matter kasi eh. Di pwedeng ipag-palipas. " Sabay hila kay Nathan at saka umalis. Pati na din si Nhelyn ay umalis na, halatang pikon.
Tumalikod si Snieder at nag-simulang mag-lakad. " Nasaan na ba ang babaeng 'yun? "
BINABASA MO ANG
My First
Teen Fictionhey guys!! it's my first time to write a story.. hope you like it.. " My first " , is the story of an extraordinary teenage girl who fell inlove unexpectedly to a guy once she admired but then she hated so much. In order to be the top 1 , she need...