Ako si Pazzy Bunsalan o Paz for short, 29 years old. At ito ang kuwento ko at ng mga kaibigan ko.
November 19, 2017Beep! Beep!
Nag-angat nang tingin si Paz mula sa binabasang libro. Isang puting van ang tumigil sa harapan niya habang nakaupo ito sa hagdanan sa harap nang bahay nila. Bumukas ang pintuan at niluwa nito ang kaibigan niyang si Damian Bulawan
Tumayo si Paz at sinara ang binabasang libro "Oh, late ata kayo?" Tanong nito kay Damian ngunit hindi siya nito kinibo
Sapagkat ay pinulot niya ang bagahe nang babae at dirediretchong pumunta sa sasakyan at inayos ng gamit niya sa likod ng van. Nakangiti at panakanakang pinagpag niPaz ang puwetan niya at naglakad narin patungong sasakyan. Pumasok na lang si Paz sa van at agad naman niyang nakita si Ryan Manlangit, ang mayabang, mahangin, at bully niyang kaibigan na naka upo sa driver's sit.
"Ayos ba ang bago kong sasakyan ha, Paz?" Pagmamayabang nito.
Pagak na ngumiti si Paz kay Ryan at nag bigay na lang ng ok sign pahiwatig na okay ang sasakyan nito. Umupo si Paz sa ika-dalawang set nang upuan sa van. Sa likod ang laging puwesto niya tuwing mag jo-joyride silang magkakabarkada. Ngayon ang araw nang outing slash joyride nilang magkakaibigan na matagal na nilang plinano. Mabilis na naayos ni Damian ang gamit ni Paz at agad na umupo si Damian sa harapan, katabi ni Ryan.
Ilang minuto lang ang tinahak nila ay nakarating na sila sa bahay ni Fon Pinagtagat, pinsan ni Paz. Tumigil sila sa bongalong asul na bahay. Muling bumusina si Ryan sa tapat nang bahay nila Fon upang pukawin ang pansin nito. Hindi rin nag tagal ay lumabas na si Fon na may hilahilang maliit na maleta.
"Fon, nasaan si Luke? Akala ko ba eh kasama mo na yun." Agad na tanong ni Ryan nang mabuksan ni Fon ang pinto ng van. Ngunit hindi pa nakakasagot si Fon ay natanaw na nila ang hinahanap nilang kaibigan. Tumatakbong lumalabas na nang bahay si Luke Kappulo.
"Sandali lang..." sigaw ni Luke habang tumatakbo. "Andito na ako" hinihingal pa ito nang makalapit sa van. Bumaba ng sasakyan si Damian upang tulungan si Luke sa gamit nito.
"Hoy Luke..." sita ni Ryan "Wag kang babakla bakla ha, baka itapon kita sa pinakamalapit na bangin na makikita ko eh." Pangangasar ni Ryan sa bagong dating
"Huh? H-hindi naman a-ako bakla eh" reklamong daing ni Luke habang pumapasok
"Tama na yan at meron pa tayong huling susunduin" pag-awat ni Fon kay Ryan at Luke. Parehong umupo sa harapan ni Paz ang dalawang lalaking bagong dating
"Wag mo na lang pansinin si Ryan, Luke. Sumakay ka na." segunda ni Paz
"Ok ka lang ba diyan sa likod Paz? Gusto mo palit tayo..." lumingon si Luke sa likuran "...Diyan ako sa likod at dito ka sa harap?" tanong ni Luke. Naka upo si Luke at Fon sa upuan na nasa harap ni Paz.
"Yup, I'm fine"
Nagsimula ulit umandar ang sasakyan upang sunduin ang huling myembro ng barkada nila. Hindi nag tagal ay narating nila ang bahay ng huling kaibigan nila. Hindi na bumusina si Ryan dahil nasa labas na ang kaibigan nila. Pinagbuksan ni Luke ng pinto ito at flash ng camera ang bumungad sa mukha ni Luke.
"France baka masira yang camera mo kung kukunan mo lang ng letrato yang si Luke" tinapunan lang nang masamang tingin ni Luke ang parinig ni Ryan
"Sup" simpleng pangangamusta ni Damian sa bagong dating
Ngumiti lang si France Legaspi sa asar ni Ryan at pumasok na sa loob ng van. Umupo siya sa tabi ni Paz at inayos ang gamit niya sa likod ng kinauupuan nila
Nagsimula nang umandar ang sasakyan. Magsisimula narin ang mgapangyayari.
MAGSISIMULA NARIN
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A DREAM
Mystery / ThrillerIt's the longest dream I had. The longest dream I wish I never had. It hurt, painful, and scary but I know you are there, that makes me feel safe for some reason. Ang sakit at takot na naramdaman ko nung araw na yun ay babaunin ko hangang makapiling...