Paz's POV
4 na oras na kaming bumabiyahe. Isang beses nang nakipagpalitan na mag magmaneho si Ryan kanina, tatlong oras na ang nakakaraan. Si Fon ang nagmamaneho sa kasalukuyan. Malayo talaga ang biyahe namin patungo sa lugar lung saan kami mamamasyal ayon kay Damian at Ryan tinantiya nila na 10 oras ang biyahe kung dire-diretcho. Ngunit dahil patigiltigil kami ay bukas na kami makakarating doon. Sa loob nang apat na oras nay un may isang bagay akong paulitulit na nakikita at pinagtatakahan
I've been seeing this signage that had a 6-6-6 digit in it since then
"Hindi naman tayo naliligaw, right?" takang tanong ko napamulat si France na nakahiga na sa aking hita
"Naliligaw? Eh diretcho lang naman ang daan" si Ryan ang sumagot na siyang naka upo na sa harapan naming
"May problema?" tanong ni Fon habang nagmamaneho
Umiling ako siyang pagbangon naman ni France sa pagkakahiga mula sa hita ko. Tinapik niya ang hita niya
"Ikaw naman ang humiga at magpahinga" sumunod naman ako sa suggestion niya. Ngunit hindi pa nagtatagal ako sa pagkakahiga ay naramdaman ko ang pagtigil nang sasakyan kaya agad akong bumangon upang tingnan kung ano ang ganap.
Binuksan ni Ryan ang bintana niya "Hoy, Lola bilisan mo" saad nito sa matandang babae sa harap nang van naming
"Ryan ang bastos mo talaga"
Tila dumadaan ang matanda may mga dala pa itong dalawang malalaking sako. Ang isa ay nakasukbit sa likod niya at ang isa naman ay hila-hila na niya. Sa isang kamay naman nito ay ang isang mahabang kahoy na ginawa nitong tungkod
"Tutulungan ko nalang" agarang saad ni Damian at dalidaling bumaba sa van
"Damian..." pigil ni Ryan kaso mabilis na nakalabas si Damian sa sasakyan "...tingnan mo tong lalaking to pakalaing talaga"
"Bastos ka lang talaga" asar ni Luke
"Ang mabuti pa bumaba muna tayo kanina pa naman tayo na sa sasakyan" France suggested
"Sige ipapagilid ko na lang tong sasakyan" saad ni Fon at pinangilid ang van
"Ugh" nag unat si Fon at Ryan nang makakababa sa van
"Nakatayo rin sa wakas" saad naman ni Luke
Nang makababa ay agad akong lumapit kay Damian at sa matandang babae. Nakaupo ito sa malaking sanga nang kahoy sa daan. Sumunod naman sakin si France.
"Salamat" saad nito kay Damian
"Walang anuman po"
"Lola, pasensiya na po sa isang kasama naming kanina"
Tumingin sakin ang matanda. Kitang kita ko ang paglaki nang kanyang mata nang makita niya ako
"Kayong dalawa" saad nito at nagpalipatlipat nang tingin saming dalawa ni France
"Po?" takang tanong ko rito
Tumayo ito at lumapit samin. Nagtataka man ngunit pinanuod ko lang ang mga galaw nang matanda. Hinawakan niya ang kamay ni France
"Ikay ay may taglay na liwanag na siyang mag sisilbing ilaw para sa isang bituin na nawalan nang kinang. Ikaw ang gumising sa mga nakaraang nakahimlay. Ikaw at ang mga kaluluwamg ligaw. Sa iyong pagsilang ay siya ring iyong paglisan, ngunit siya ring pag sindi nang ilaw na ninakaw. Sa puso na tumigil luha na lang ang kanyang maiaalay sayo. Bukas, luluha ang bituin. Huwag buksan ang parisukat na nakahimlay. Huwag buksan ang pait na binaon"
Sa lahat nang sinabi nang matanda kay France ay wala akong naintindihan ni-isa rito. Bumaling ako kay France at tulad ko mukhang naguluhan at nawirdohan na rin ito sa matanda. Hinila ni France ang kamay nito sa matanda

BINABASA MO ANG
ONCE UPON A DREAM
Misterio / SuspensoIt's the longest dream I had. The longest dream I wish I never had. It hurt, painful, and scary but I know you are there, that makes me feel safe for some reason. Ang sakit at takot na naramdaman ko nung araw na yun ay babaunin ko hangang makapiling...