Paz's POV
"We're here"
Napalingon si Fon, Luke, at ako sa nagsalita. Si France na naka ngiti. May mga dala sila ni Damian na prutas
"May atis at papaya kaming nakita"
"Hoy baka may may-ari niyan" napatayo ako at sinalubong sila
"Hindi na nila ito malalaman ngayon lang naman eh" tumawa pa ito
"kailangan na nating itayo ang tent" tanong ni Ryan habang tinaas ang bag kung saan nakatago pa ang tent
"Sino ang matutulog diyan?" tanong ni Luke
"Kasya ang tatlo diyan" sagot naman ni Fon at tumayo upang lapitan na si Ryan nang masimulan na nila ang pagtayo nun
"Sa taas na ako nang van matutulog may camping bed ako" sagot ni Damian
"Sa loob ka na lang nang van matulog, Princesa" saad sakin ni Ryan na ngayon ay nilalatag ang tent kasama si Fon
"papano kayo magsisiksikan sa loob nang pang-tatluhan na tent?" takang tanong ko habang tinitingnan sila. Tumulong na si Damian pagkatapos ilapag ang mga prutas na dala nil ani France
"Kaya yan, basta walang magulong matulog" tumulong na rin si France para itayo ang tent
"France can just sleep with you sa van, Paz" sigaw ni Luke sa bon fire habang pinagpapatuloy ang pagbuhay sa apoy roon
"Bakit si France. Puwede namang ako?" angal ni Ryan
"Gusto ka b ani Paz makatabi?" muling sigaw ni Luke
"Abat tong baklang to" muling angal ni Ryan
"Hindi naman necessary na katabi" saad ni France habang tinitingala ko mula sa pagkakaluhod nito
I squatted beside him "Ayaw mo akong katabi?" takang tanong ko kay France
Tumingin siya sakin nan aka kunot ang noo "Of course gusto ko. Okay lang ba sayo?"
"Yumayakap ako pagtulog"
"Same" saad nito bago tumayo at tumulong kay Fon sa pagangat nang tent. Napangiti na lang ako sa sagot ni France. This guy really knew how to flirt
👻
Lumalim na ang gabi at nagkanya kanya nang pahinga ang mga kabarkada ko. Ryan sleep early dahil ito raw ang unang magdridrive bukas. Meron pa kaming 5 oras nang biyahe bago makarating sa patutunguhan naming. Fon and Luke are inside the open van. Fon is Reading his tarot cards and Luke is watching him. Damian is on top of the van looking at the stars. Me and France are outside sitting beside the bon fire chatting.
👻
Damian's POV
Nakahiga ako sa itaas nang van. Tanging camping bed lang ang aking hinihigaan. gabi na at banayad kong tinitingnan ang mga bituin. Tahimik ngunit sa loob loob ko ay tanging pagtataka at pangamba ang nararamdaman ko sa kadahilanang hindi ko rin mawari. Tila may mali. Tila may importanteng bagay akong dapat maalala. Ngunit ilang minuto ko na itong iniisip pero hindi ko parin lubos maisip kong ano ba ang bumabagabag sakin.
"So ano ang nakikita mo?" tanong ni Luke sa loob nag sasakyan. Dahil bukas ang pinto nang van rinig ko ang pinaguusapan ni Fon at Luke sa loob kahit hindi ko sila nakikita
"Hindi ko nga Mabasa eh. Tanging ang nakaraan lang ang nababasa ko. Pero pagdating sa kasalukuyan at kinabukasan ay end or death lang ang nakikita ko"
"So anong ibig sabihin nun?"
"Hindi ko nga alam" bakas sa boses ni Fon ang pagkairita kay Luke sa paulit ulit nitong tanong
I sight and look once again at the dark wide sky. Dati kumakalma ako tuwing pinagmamasdan ko ang kalangitan ngunit ngayon tila puro pangamba lang ang nararamdaman ko.
"This really doesn't make sense..." saad ko kahit alam kong walang nakakarinig sakin "...I can't read the stars"
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A DREAM
Mystery / ThrillerIt's the longest dream I had. The longest dream I wish I never had. It hurt, painful, and scary but I know you are there, that makes me feel safe for some reason. Ang sakit at takot na naramdaman ko nung araw na yun ay babaunin ko hangang makapiling...