Paz's POV
Sinundan ko ang mga ito hangang makarating kami sa hapag kainan. Kung saan ilang tao pa ang nakaupo sa mahabang lamesa. Maraming mga pagkain at prutas ang nakahain. Sa pinaka dulo nang lamesa nakaupo ang isang lalaking mukhang nasa trenta na taong gulang. Naka pang amerikana ito at may bigote sa mukha. Masama ang tingin sa mga bagong dating na magina. Hindi ito mukhang Pilipino mukhang kastila ito. Base sa pananamit at mga bagay sa pamamahay ay tila ba nasa 1800's ang taon at ang mga taong to. Ayon narin sa pananalita nung lalaki mukhang ito ang ama nang pamilyang ito. Nag sasalita ito sa lenguwahe na kastila kaya hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. Pero ayon sa tono nang argumento nang mag-asawa ay tila ba nag aaway ang mga ito.
Napansin ko ang pag tayo nang isang dalaga at paglapit sa dalawang bata na tila ba takot na takot na sa nasisilayan. Tiyak kong ang mga bata ay ang mga nakakabatang anak nang mag-asawa
"Lirma, Iyong dalin muna si Fernan at Maria sa itaas" saad nang isang lalaki na hindi nalalayo sa edad nang dalagang nakayakap sa dalawang bata
"Lirma?" takang tanong ko habang pinapanuuod ang pag alo ni Lirma sa dalawang bata. Mayamaya ay hinila n ani Lirma ang mga bata sumama ang isang kasambahay sa kanila.
"Bastarda" sigaw muli nang matandang lalaki kaya nakuha nito ang attensiyon ko. Napansin ko rin ang pagtigil at lingon ni Lirma sa gawi nang kanyang ama at maluhaluha na tinitingnan ang mga nagtatalo. Tangkang lalapitan nung matandang lalaki sila Lirma nang humarang ang isang binata
"Papa..." awat nito sa dadaanan "...ika'y maghunusdili"
Tumatangis na lumapit din ang matandang ginang sa asawa ngunit winaksi niya lang ito kaya na dapa ang kanyang asawa. Agad naman dinamayan nang isang lalaki ang ginang na imiiyak. Nagpumilit na sundan nang lalaki ang tatlong anak niya na pumunta sa ikalawang palapag.
Kita ko sa mga mat anito ang galit at puot. Nagsitayuan ang aking mga balahibo nang dinaanan nang lalaki ang isang itak na nakasabit na palamuti sa isang dingding malapit sa bukana nang hagdanan. Agad niya itong kunuha at inakyat ang ikalawang palapag. Agad ding sinundan nang isang binata ang ama nito habang tinatawag at nagmamakaawa sa kanyang ama. Ngunit hindi na at anito naririnig ang pagtangis nang anak at tuloy tuloy na naglalakad. Sinundan ko ang mga tao na nagkakagulo na sa loob nang bahay. Bago umalisa sa kusina ay aking nilingon ang ina na umiiyak habang nakasalampak sa sahig at ganun nalang aking pagkabigla nang inangat nito ang luhaang mukha at diretchong timitig sakin. Tila ba malamig na hangin ang bumalot sa aking buong katawan at bigla akong nagising na habul habul ang hininga
👻
"Your awake! Okay ka lang?" bumungad sakin ang mukha na France na nagaalala. Naka kunot ang noo niya habang naka upo sa gilid nang kama. Agad kong nilibot ang paligid at inaalala kung nasaan ako.
"May tubig pa ako" rinig ko saad ni Luke lumapit siya at inabot kay France ang isang bote nang tubig. Binuksan muna ni France ang bote bago inabot sakin ito. Malugod ko itong tinangap at iminun nang kaunti
"Okay na ako..." saad ko pagkatapos uminom "...thanks" inabot ko ang tubig ni Luke
"Bakit ka naman nahimatay?" tanong ni Fon sakin habang lumalapit ngunit nanatili lang itong nakatayo sa gilid nang kama. Hinawakan ko ang kama kung saan ako nakaupo.
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A DREAM
Mystery / ThrillerIt's the longest dream I had. The longest dream I wish I never had. It hurt, painful, and scary but I know you are there, that makes me feel safe for some reason. Ang sakit at takot na naramdaman ko nung araw na yun ay babaunin ko hangang makapiling...