CAPITULUM SEDECIM

3 1 0
                                    

Paz's POV

"She wrote it in her diary. She knew her family were going to be murdered and she guess it right. Dahil yun na ang huling sinulat niya sa diary niya and we searched her family. They were all murdered the same night" pahayag muli ni Fon

"Maybe we can talk to her-" pinutol ko ang sasabihin ni Luke

"Siya ang pumatay" saad ko

Lahat sila napatigin sakin

"Ano?" hindi makapaniwalang saad ni Ryan

"The memories I kept seeing are hers. Pinatay niya lahat nang pamilya niya. Pagkatapos ay pinatay niya ang sarili niya. Tumalon siya sa balon sa likod nang bahay nato" diretcho kong tanong

"Takbo!" saad ni France nang tuluyan nang makanana si Lirma nang hagdanan at walang lingon lingon na tumakbo kami palabas nang bahay. Dirediretcho kami hangang marating naming kung nasaan ang sasakyan naming

"Bilis!" saad ni Ryan at inistart ang sasakyan.mabilis kaming naka upo at hinihintay na iistart ni Ryan ang sasakyan. Hindi na naming inayos ang tent naming o ang ibang gamit naming basta ang nasa isipan naming nang oras nayon ay makaalis na sa lugar nayon.

Nang mapaandar ni Ryan ang sasakyan ay bumuhos ang iyak at palahaw ni Luke

"Buwisit Luke tumahimik ka nga" sita ni Ryan na nagmamaneho

"Nakikita ko na ang highway" saad ni Damian na nasa tabi ni Ryan sa harap

"Umuwi nalang tayo" sumangayon kami sa naisip ni Fon at tahimik

"Okay na tayo. Nakaalis naman tayo roon..." saad ni France. Hinawakan niya ang kamay ko

👻

Walang imik naming tinatahak ang daan pauwi sa baguio. Ang outing naming magkakaibigan ay hindi na natuloy dahil sa kababalaghan na naganap kaninang madaling araw. May araw na at may siyam na oras na rin kaming bumabiyahe. Si Fon na ang nagmamaneho nang sasakyan, siya ang pumalit kay Damian makalipas ang halos tatlong oras niyang pagmamaneho. Tanging ang ingay lang na nagmumula sa radio ang naririnig naming. Hindi nagtagal ay may natatanaw kaming ilang tao at sasakyan sa di kalayuan.

"Anong meron?" takang tanong ni Fon at binagalan ang pagpapatakbo. Dahil dito nagising si France mula sa pagkakahiga sa hita ko at umupo nang maayos

"What is it this time" kinukuskus pa nito ang mga mata niya

"Parang aksidente" saad ni Damian

Tuluyan nang huminto si Fon dahil wala siyang dadaanan.

May tatlong sasakyan at isang bus ang nakahinto sa daan mukhang nakikichismis ang mga tao kaya bumaba na rin kami para makita ang pinagkakaguluhan nila. May mga ambulansiya at ilang paramedics ang nasa lugar na busy sa kanikanilang ginagawa may ilang police din sa lugar na hindi hinahayaan ang mga taong mas makalapit pa sa aksidenteng naganap.

"Marami daw laman yung van" saad nang babae sa katabi niya

"Kaya nga mukha panamang mga bata pa. Patay ba lahat?" saad naman nang kauwentuhan niya

"hindi ko lang alam pero narinig ko kanina dun sa paramedics na napugutan daw yung driver nung van"

"Ay hala!" patuloy nilang pagchichismis sa harap namin

"Anong aksidente ba ang nangyari?" si Luke ang nagtanong sa tabi ko

Pinilit kong makapunta sa harap para makita kung ano ang nangyayari. Nang makarating kami nang mg akaibigan ko sa harap ay agad din naming nakita ang buong pangyayari at ang nakatumbang putting van sa gitna nang kalsada

"Ahhh!!" sigaw ni Luke at napaupo pa sa sementadong kalsada

Bigla akong nablanko sa nakita ko at hindi makahinga. Nanlumo ako habang pinapanuod kung papano isa-isang ilabas sa van ang katawan naming magkakibigan

ONCE UPON A DREAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon