HOSPITAL
"Nurse..." isang babaeng punong puno nang pagaalala ang nasa harap nang nurse staion. Halata ang pagkabalisa naman nang lalaking katabi niya. Tinapik nito ang dibdib niya "...ako po si Maricel Legaspi. Ina ni France Legaspi. Ito naman si Franco Legaspi, ang asawa ko" saad nito pakilala niya sa lalaking katabi niya
"Ay ma'am..." agap nang unipormadong nurse "...nasa operating room pa po sila kaya wala pa po kaming information para sa anak niyo, pero gagawin po naming lahat para sa patient"
Humawak sa magkabilang braso ang tumatangis na nanay ni France "Please do everything for my son, please"
"Money is not a problem. Basta gawin niyo lahat para maligtas ang anak ko" saad naman nang ama ni France na inaalalayan ang nanghihinang asawa
"Gagawin ho naming lahat..." inalo nang nurse ang ina ni France "...Nasa waiting area po ang kamag-anak nang mga kasama nang patient. Dun na lang po tayo maghintay"
Nagtungo ang mag-asawang Legaspi at agaran naman nilang nakita ang magulang at kamag-anak nang kaibigan nang kanilang anak. Ang ilan ay tahimik na nagdarasal ang iba naman ay simpleng umiiyak sa isang sulok. Meron ding tulala at tila wala na sa sarili. Ngunit wala roon ang loob at isip ni misis Legaspi. Kasalukuyan inooperahan ang nag-iisang anak niya ngayun at nagaagaw buhay. Umupo sila sa sa bakanteng upuan hindi kalayuan sa mga kasama nila. Alam niya tulad niya ay puno rin sila nang pag-aalala sa kanilang mga anak.
"Franco, kung alam ko lang..." ilang luha ang tumulo mula sa mata ni Maricel Legaspi "...Hindi ko na sana pinayagan ang anak kong umalis nang bahay" hinilig nang ginang ang ulo sa balikat nang asawa niya
"Walang may gusto noon, Hon"
"Maricel, Franco" isang tinig nang babae ang nakatawag pansin sa mag-asawang Legaspi
"Hannah..." nag-angat nang tingin si Maricel at tumayo para yakapin ang babae "...Anong balita kay Paz" tanong nito. Si Hannah ang ina ni Paz at kasama nito ang isa pang anak na nakakabatang kapatid ni Paz na si Jaz. Sinulyapan ni Maricel ang bata na nakaupo sa isang sulok at tila ba tahimik na nagdarasal.
"Nasa operating room na sila nung nakarating din ako rito. Nauna lang ako nang ilang minuto sainyo" ilang luha din ang kumawala sa mata ni Hannah bago umupo kasama si Maricel
"Ano ba ang nagyari. May tumawag sakin at sabing naaksidente silang magkakaibigan at malubha ito" tanong ni Maricel na gusto nakakuha nang sagot
"Ayon sa police may iniwasan silang pusa sa daan at yun ang dahilan nang pagikot nang van na sasakyan nila..." binaba nito ang tingin. At impit na umiyak "...yung si F-Fon yung panangkin k-ko, he was proclaimed dead on the s-spot" hindi na napigilan ang mag-iyak niya at tuluyan na itong umiyak
Natutup ni Maricel at bibig niya at tuluyan na ring umiyak. Hindi makigilan ang mas lalong pangamba para sa anak niyang si France. Mapahawak sa noo naman si Franco at halatang nagpipigil nang luha.
"Hindi!" isang sigaw ang nag paangat sa mga ulong nakayuko. Isang babae ang umiiyak sa sahig pati ang tatlong kasama nito "...Luke anak ko!" halahaw nito
"Oh No!" tanging nasambit ni Maricel. Namumukaan niya ang babaeng umiiyak. Ito ang nanay ni Luke, isa sa mga kaibigan nang anak niya.
"We tried our best, Ma'am..." saad nang doctor na kumakausap rito. Naririnig nila Maricel ang usapan dahil hindi naman kalayuan ang mga ito sa pingahihintayan nila "...dalawang beses nirevieved ang anak niyo sa loob nang ambulansiya. Nang makarating ang patient rito masyado nang maraming nawalang dugo sa kanya at nahirapan na rin ang pagdaloy nang oxygen sa ulo niya. Sinubukan pa po namin siyang operahan ngunit hindi na kinaya nang anak niyo. We tried our best mother, sorry" saad nito bago tuluyang umalis
☣
BINABASA MO ANG
ONCE UPON A DREAM
Mistério / SuspenseIt's the longest dream I had. The longest dream I wish I never had. It hurt, painful, and scary but I know you are there, that makes me feel safe for some reason. Ang sakit at takot na naramdaman ko nung araw na yun ay babaunin ko hangang makapiling...